Ika-Dalawamput Walong Kabanata:
CEBU CITY - "Han, payag na ako sa gusto mo", si Fritz ang nasa linya ng telepono. "Payag na akong magsama tayo pero sa isang kondisyon!" dagdag pa ng binata. Nasa loob ito ng hotel kung saan sya nakatira pansamantala.
"Sa anong kondisyon?" agad na tanong ni Hannah. Nasa condo unit lang din ito kumakain ng agahan. Mag-isang nakatira ito, tumayo sya at humarap sa altar at taimtim na nagpapasalamat dahil sa wakas ay pumayag na din si Fritz sa kayang alok.
"Hindi tayo pwedeng magpakasal!" sagot ni Fritz. Alam nyang magdadalawang isip si Hannah kung papayag ito o hindi. Hindi agad naka sagot si Hannah, ngunit naiisip nalang nyang tanggapin ang gusto ni Fritz kesa naman wala syang ihaharap sa tigre nyang Ama.
"Ok, sige papayag ako, pero h'wag nating sabihin sa aking Ama na hindi tayo magpapakasal, tiyak na magagalit yon sa akin", wika ni Hannah. Umaasa pa din syang baka may mabago kung magsama na sila ni Fritz.
Nagdadalawang isip man si Fritz na baka pikutin sya ni Hannah ngunit wala ng ibang paraan, naniniwala naman syang walang mangyayaring kasal kahit ano pa man ang mangyari.
"Thank you so much Han, pero ok lang ba na sa Surigao City tayo mag stay until maipanganak mo ang magiging Anak natin? Will provide everything you need", aniya ni Fritz. Iniisip nya kasi ang pangako nya sa kanyang Ama na sya na ang mamahala ng kanilang kumpanya.
"I will think about it, pero dapat makilala ka muna ng aking pamilya sa Cagayan de Oro City", wika ni Hannah. "H'wag kang matakot kasama mo naman ako", dagdag pa nya. "Pangako di kita ipapahamak sa kanila", pagpapatuloy ni Hannah.
Pagkatapos nilang magkasundo, agad nyang tinawagan ang kanyang mga magulang upang pinaalam na uuwi syang kasama ang buntis nyang nobya, si Hannah ang tinutukoy. Laking pasalamat ng kanyang mga magulang na sa wakas ay magkaroon na sila ng apo. Ngunit nilinaw nyang di muna sila magpakasal, nag dahilan syang after ng maipanganak ang kanilang anghel.
MANILA - "Hi Chris! How are you?" bungad agad ni Mary Ann ng sagutin ni Chris ang kanyang tawag. "Hey! What's up? Welcome back!" wika ni Chris na hindi nya akalaing nagbalik ng Pilipinas ang dating nobya.
"Nag resign na ako. I'll be here for good na!" pagbabalita pa nya. Nasa condo unit nya ito ngayon na matatagpuan sa Ortigas City. "Wow! Good to hear that, pero bakit?" aniya ni Chris na may lungkot sa kanyang mukha.
"Nagka problema kasi ako with my boss, a bit complicated kaya naisip kong umuwi nalang muna", pagpapaliwanag naman ni Mary Ann. "Are you at work now?" tanong ng dalaga. Nasa pool area ito, nag babalak na maligo mamaya.
"Oh, sorry to hear that, sana ok ka lang! Yeah I am at work now", tugon ni Chris. "But don't worry I am not busy", pag awat agad nya, baka kasi kailangan ni Mary Ann ng kausap. "If you are free, pwede tayong magkita", dagdag pa ng binata.
"Sure! Thank you Chris, Thursday night, ok lang?" excited na banggit ni Mary Ann. "That would be fine, just let me know kung saan tayo pwede magkita then I'll be there", pag sang-ayon agad ni Chris.
Matapos nilang mag-usap ni Mary Ann, naisip ni Chris na malamang di basta basta ang problema ni Mary Ann. Ang alam nya hindi ito basta basta sumusuko. Pero masayang syang nakauwi ito na walang nangyaring masama sa kanya.
LOS ANGELES, CALIFORNIA - Unang araw ng trabaho ni Rain, sabik itong pumasok. Maaga pa lang ay nasa coffee shop na ito kung saan sya magtatrabaho. Naka upo sya sa maliit na opisina na nasa loob ng shop naghihintay sa pagdating ng Branch Manager. After almost 30 minutes sa wakas ay dumating na ang kanyang hinihintay.
"Good morning Dino! Someone is waiting for you inside your office, bagong staff!" wika ng isang service crew na Filipina na naka tayo sa may counter. "Good morning Jen!" bati naman ni Dean. "Maganda ba?" pagbibiro pa ng binata sabay tawa, naglalakad na ito papasok sa kanyang opisina.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...