Pangatlong Kabanata:
KASALUKUYAN....
SAINT CLAIRE UNIVERSITY - "Nice meeting you Miss Rona, kaya lang sorry, wala talaga akong maalala, sign of aging?" sagot ni Fritz na nakangiti pero halatang di nya talaga maalala kung sino ang nasa harap nya.
"By the way I have to go, at may klase pa ako, I am really sorry", pagpapaalam nya sabay abot ng kamay kay Rona. "Sure, sure, go ahead, sorry kung naabala pa kita", aniya ni Rona na nakikipag kamay din sa kanya. Napaisip syang ganun na ba talaga sya ka ganda at hindi na sya kilala ni Fritz?
Tuloy-tuloy ang paglilibot nya sa loob ng campus hanggang sa mapadpad sya sa isang lugar kung saan napaka memorable sa kanya. Ang Saint Claire Chapel sa loob ng University. Dito sya madalas na mag punta kung kailangan nya ng kausap. Dito nya ibinuhos lahat ng mga luha sa t'wing di na nya kaya ang problema.
Sa makatuwid ang chapel na iyon ang nagiging sandalan nya. Pumasok sya sa loob, umupo at nag dasal. Pagkatapos ay lumabas siya at napadaan sa isang cottage kung saan doon ang tambayan nila ng mga kasama nya sa PSRO, bigla nyang naalala si Rambie, at ang iba pa nilang kasama, nasaan na kaya sila?
NAKARAAN....
SAGBAYAN – Pagkatapos ng kanilang medical mission ay agad na bumaba pabalik ng Sagbayan ang grupo nila Rambie, nakakapagod ngunit sulit naman ang serbisyong inilaan nila sa kumunidad ng Calatngan. Bago lumuwas sina Rain at ang mga kasama nya ay nagpahinga muna sila sa bahay nila Rambie.
"Maraming salamat talaga Kaubang Rain, kung di dahil sayo at sa mga kasama mo ay hindi ko kayang puntahan at tulongan ang mga tao sa Calatngan ng mag-isa", pagpapasalamat ni Rambie. Ang dalawa ay nagkakape sa labas ng kanilang biranda. "Hanggat kailangan mo ng tulong, andito lang kami kasama", pag tugon ni Rain.
"Teka muna, hindi ba't graduating ka na ngayon?" tanong ni Rambie. "Yes, finally! Ang hirap tapusin", natatawang sagot ni Rain. "Single ka pa rin ba?" deretsong tanong ni Rambie na nakatitig sa kanyang mukha. Muntikan ng maluwa ni Rain ang iniinom na kape dahil sa tanong ni Rambie.
Sa tagal nilang pagsasama ngayon lang ito naging concern sa buhay pag-ibig nya. "Seryoso k aba sa tanong mo?" pagdududa ni Rain. "Oo naman seryoso ang tanong ko", sagot agad ni Rambie. Uminom muna si Rain ng kape bago nagsalita.
"Uhhhmm, wala pang nagkakamali sa beauty ko!" Pangiting sagot nya. "Sa gandang kong 'to, sobrang imposibleng maka hanap ng lalaking magmamahal sa akin", dagdag pa niya na nag sindi ng yosi. "Naku, ikaw ha kung may gusto ka sa akin, sabihin mo na", pagbibiro ni Rain sa kaibigan, sabay tawanan ang dalawa.
"Kung pwede nga lang, bakit ba hindi", sagot naman ni Rambie sa kanya. "Makakahanap ka din ng tunay na lalaking magmamahal sayo", aniya ni Rambie na lumapit sa kanya at hinimas himas ang kanyang likuran. Si Rambie ay binata pa at ulila na sa magulang. Bago mag dapit hapon ay bumyahe na sina Rain at ang mga kasama nya pabalik sa Surigao City.
VILLA VIOLETA VILLAGE – Ang lugar kung saan nakatira ang pamilya nila ni Fritz. Wala lage ang kanyang mga magulang, kaya minsan ay mag-isa lang ito sa bahay. Isa itong compound na karamihan sa nakatira ay mga mayayaman at negosyante sa lugar.
Hapon na ng makarating ng bahay si Fritz galing Lanuza. Dumeretso ito sa kanyang kwarto at nagpahinga, kinuha ang kanyang laptop at binuksan. Pagka bukas ng FB ay may natanggap syang pictures galing kay Rain kasama ang mga tao sa kuminidad, mga kuha ito habang nasa medical mission sila sa Calatngan.
May note pang naka sulat. "Mr. President, sana dito natin gagawin ang community projects ng SSG". Naantig naman ang puso nya sa nakita, ni minsan ay hindi pa nya naranasang magpunta sa ganitong kalayong lugar at tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...