"Lihim ng Kahapon" (50)

362 10 4
                                    

Pang-huling Kabanata:

                                F I N A L E

SIARGAO ISLAND – "Keanna, ikaw ba yan?" Nakangiting taong ng isipan ni Rona ng marinig ang boses nito. Biglang natahimik ang paligid at naghihintay ng susunod na sasabihin. "To my dearest cousin Rona", pag-uumpisa ni Keanna. Walang mapagsidlan ang tuwa na nadarama ni Rona ng makumpirmang tama nga ang kanyang hinalang ang pinsan nga ang nasa likod ng nagtatagong boses, sabik na syang makita ito.

"May your joining together bring you more joy than you can imagine. Wishing you lots of love and lots of makeup sex!" Di maiwasan ni Keanna ang mapatawa ng bigkasin ang huling salita. "God bless you both on this day with a lifetime of shared love and joy. I love you couz!" Pagpapatuloy nya saka pa sya nagpakita kasama ang nobyong si Dino.

Kasabay ng malakas na palakpakan ng biglang napatayo si Rona sa kanyang kinauupuan saka sinalubong ang pinsang si Keanna at si Dino na papunta sa kanila. "Thank you couz! Thank you guys for coming! Really surprising!" Aniya ni Rona na wagas ang mga ngiti nito abot tenga. Isa-isa nyang niyakap ng mahigpit ang dalawa. "Thank you Dino, and please forgive me. I love you!" bulong ni Rona habang naka yakap ito sa kanya. "No need to say sorry, I am happy for you! Congrats again!" Sagot agad ni Dino saka humalik sa kanyang pisngi.

Niyaya nya ang dalawa na umupo sa may unahan na malapit sa kanila katabi ang pamilya ni Rona. "Nice to meet you po Tita Lita", bati ni Keanna kay Lita ang kapatid ng kanyang Inang si Emmie, nagmano ito saka humalik at yumakap sa kanya. "Nagagalak akong makita kang muli Anak", sagot naman ni Lita na yumakap din sa kanya.

"Si Dino nga po pala ang boyfriend ko!" Pagpapakilala ni Keanna. "Magandang gabi po Tita", aniya ni Dino na nagmano din sa kanya. "Aba'y marunong ka palang mag tagalog hijo? Kaawaan ka ng Diyos Anak", tugon ni Lita. "Opo Tita, Salamat! Pinay po ang aking Mama", slang na pagkasabi ni Dino kaya hindi naiwasang mapangiti si Lita.

"Sya nga pala si Tyrone ang kapatid ni Rona at ang kanyang asawang si Ara", pagpapakilala ni Lita sa pamangking matagal na nilang hindi nakikita. "Hello Kean, grabe hindi na kita halos makilala. Sobrang ganda mo na ah! Nice to see you again pinsan matapos ang mahabang panahon. I think nasa Elementary pa yata tayo noong huli tayong nagkita", aniya ni Tyrone na humalik sa pisngi ni Keanna at ganun din si Ara. "Uy Tyrone! Keanna na ang pangalan ko ngayon!" Pagbibiro ni Keanna at sabay silang nagtawanan.

"Couz meet my partner Fritz! Fritz si Keanna ang pinsan ko and her boyfriend Dino, who happened to be my ex!" pagpakilala at buong tapang na pag amin ni Rona. "Kilala na namin sya! The fact sya pa nga ang nagpupumilit sa amin na umuwi dito sa Pinas para makadalo sa kasal ninyo". Pag bulgar pa nya. "Pero hindi ko akalaing sobrang gwapo pala nya couz sa personal", pag-amin ni Keanna na may kasama pang kindat. "Couz!" Pagsaway ni Rona na nilakihan pa talaga ang kanyang mga mata sinyales na h'wag ng magsalita pa si Keanna.

"Totoo namang gwapo talaga ang asawa mo", dagdag pa nya sabay tawa. Wala ng nagawa si Rona kundi ang ngumiti nalang din. "It's nice to finally meet you Fritz! By the way congratulations!" Wika ni Dino na nakikipag-kamay kay Fritz. "Likewise bro! Thank you!" Sagot naman ni Fritz.

Bago pa man magsimula ang pormal na hapunan ay nagtungo si Fritz sa entablado saka nagsalita. "Good evening everyone! I just wanna say thank you all for coming in to our wedding this afternoon. At sa lahat ng mga kasabwat ko to make this wedding surprise happen, I owe big time to all of you guys! Maraming maraming salamat po talaga!" Paninimula ni Fritz na wagas ang mga ngiti.

"And to my amazing and beautiful partner Ulan, I just want you to know that you have my heart today and always. I cannot wait to go to bed with you next to me every night and to wake up every morning with you by my side. You are an absolute blessing in my life and I am so happy to be your lifetime partner. Cheers!" Dagdag pa nya sabay taas ng basong may lamang wine.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon