Ika-Apatnaput Apat na Kabanata:
LOS ANGELES, CALIFORNIA - Nasa isang jazz bar sa loob ng Hotel nagpalipas ng gabi si Dino kung saan nandun din si Keanna ang pinsang buo ni Rona na may gusto sa kanya. May kasama itong dalawang babae na tila ba'y may mga amats na. Palabas na sana ang tatlo ng bar ng mapansin sya ni Keanna, hindi ito nagdadalawang isip na lapitan sya.
"Hey! Dino! Kakarating mo lang ba? Na late ka yata!" Wika ni Keanna ng makita nya si Dino na mag-isang nakaupo sa may barterder area. Napatitig si Dino ng makitang si Keanna pala ang nasa harapan nya. Iba ang transformation nito sa simpleng Keanna na kilala nya. Infairness may pinagmanahan din itong angking ganda. Napaka kinis ng kutis at sobrang sexy at di mo talaga iisiping isa itong trasgender basta't h'wag lang magsasalita dahil boses barako pa din ito.
"Hi! Yeah, napadaan lang! Are you guys going to home na?" Sagot naman ni Dino na hindi nagpapahalatang may dinadalang problema. "Yeah! Medyo may amats na itong mga kasama ko baka di na makapag maneho ang mga bruha kaya pauwiin ko na", pagpapaliwanag ni Keanna sabay biro. "Hey! We're not drunk yet, we can still manage to drive without your help!" Pagsaway ni Rica, ang isa sa kaibigan ni Keanna. "Biro lang!" Bawi naman ni Keanna sabay tawa.
"Can you stay with me for a while? Please!" Pakiusap ni Dino na ang tinutukoy ay si Keanna. Hindi nakasagot si Keanna, first time itong nangyaring nakiusap sa inoman si Dino sa kanya kaya naisip nyang malamang may problema itong jowa ng pinsan nya. "Uhhhhmm, is there something wrong?" Tanong nya. "Wala! Gusto ko lang ng may kasama at kausap, just for tonight", tugon ni Dino. Lumapit si Trisha kay Keanna saka bumulong. "Go girl! Samahan mo na sya, ulam din yan, sayang! Kaya na naming umuwi. Have fun!" Dagdag pa nya sabay alis palabas ang dalawa.
Wala ng nagawa si Keanna kundi ang samahan si Dino, hindi nya alam kung paano ito i-comfort ramdam nyang may problema ito. Ngunit naisip nyang baka ito na din ang tamang panahon para angkinin pansamantala ang lalaking matagal na nyang pinapangarap. Ang lalaking dahilan kung bakit hindi successful ang kanyang mga ka-relasyon, ang lalaking minahal nya simula pa man ng nagtago ang kanilang mga landas.
"Nag-away ba kayo ni Rona?" Deretsong tanong ni Keanna, umupo ito sa katabing upuan ni Dino. Uminom muna si Dino ng isang basong bullfrog bago nagsalita. "Kilala mo ba si Fritz?" Tanong nya. Napaisip si Keanna kung sino si Fritz dahil wala namang nabanggit ang pinsan sa kanya tungkol sa taong ito. "Nope! Why?" Tanong nya. "What happened?" Dagdag pa ni Keanna
Huminga ng malalim si Dino at uminom ulit ng isa pang baso ng bullfrog bago sumagot. "We did fight because of him! He was her ex pero ramdam kong mahal pa nya ang Fritz na 'yon", Pag-amin nya. "Oh! I am sorry, honestly si Chris lang ang alam kong ex boyfriend ng pinsan ko", tugon naman ni Keanna, totoo din naman talaga na wala syang alam tungkol sa Fritz na iyon.
"Mother fucker! Fuck shit talaga!" Bulalas ni Dino habang hawak-hawak ang baso na tila ba'y gustong basagin sa sobrang galit. "Calm down Dino, maaayos nyo din yan. At this time magpalamig ka muna ng init ng ulo mo, andito lang ako handang makinig sayo", aniya ni Keanna sabay himas pa sa balikat ng binata. Dahil sa may amats na din si Keanna kaya may lakas na ito ng loob na landiin si Dino, ito na ang kanyang pagkakataong maakit ang matagal na nyang pinagnanasaan.
Kalaunay nag-enjoy na ang dalawa at pansamantalang nawala ang sakit at kirot na nadarama ni Dino. Napainom ng marami si Dino at ganun din si Keanna, hindi na nila naisip ang oras ang importante ay nagkaroon sila ng pagkakataong magsama sa di inaasahang pagkakataon. Maraming kwentuhan, kulitan at tawanan.
TANGHALI na ng magising si Rona, namumugto pa rin ang kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa nangyari kagabi. Tumayo ito saka lumabas ng kwarto, nag-alala na ito ng makitang wala sa salas ni Dino, madalas kasi sa salas ito natutulog sa t'wing may tampuhan ang dalawa. Hindi ito umuwi at hindi nya alam kung saan nagpalipas ng gabi ang nobyo.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...