"Lihim ng Kahapon" (2)

484 12 4
                                    

Pangalawang Kabanata:

DAHIL sa pangakong hapunan magkasama sina Fritz at Rain na kumakain sa kabilang kanto malapit sa University. Bagong bukas na canteen at dinadayo ito karamihan ng mga studyante dahil sa masarap na isaw.

"I know di ka kumakain ng ganitong klaseng pagkain!" Paninimula ni Rain na pumipili ng mga isaw na iihawin. "Of course not! Kumakain din ako nyan, the fact paborito ko din yan, kaya lang nag sara na yong binibilhan kong isaw sa lugar namin", sagot naman ni Fritz na nasa tabi nya.

Parehong graduating students ang dalawa kaya masyadong busy ang bawat buhay nila lalo na sa mga school activities na kailangan nilang tapusin bago matapos ang 1st semester. "By the way, saan mo plano mag OJT?" Tanong ni Fritz kay Rain na naka akbay sa kanya.

"Uhhhmm, balak ko sana doon sa bayan ng San Miguel, ang balita ko kasi nangangailangan yong hospital nila ng mga health workers volunteer", sagot naman ni Rain na nakatitig sa mukha ng binata.

Matapos makapili, ang dalawa ay agad namang pumwesto sa kabilang mesa para hintaying maluto ang inorder na isaw. "Ang layo nun ha, sounds remote area", pag-alalang tugon ni Fritz. "Yeah, a bit far from here, pero ok lang kasi andun naman si Rambie, remember him?" Aniya ni Rain na naupo sa harap ng binata.

"Rambie? Is he the one who were the president of PSRO before?" Tanong ni Fritz na halatang may pagdududa. "Exactly! Yes!" deretsong sagot ni Rain. "Parang may gusto yon sayo eh!" Aniya ni Fritz na naka baling ang tingin sa kanya.

"How is he?" Dagdag pa nya. "Naku imposibleng may gusto yon sa akin, at magkaibigan lang talaga kami nun", pagpapaliwanag ni Rain. "Ikaw naman talaga ang gusto ko!" Bulong ng kanyang isipan. Napangiti ito bago nagsalita. "And he is a health worker dun sa kanilang ospital, sya ang nagyaya sa akin", mahinahong sagot ni Rain.

Si Rambie ay mas matanda sa kanila ng dalawang taon. Isang lider studyante. Anak ng magsasaka sa bayan ng San Miguel, matalino ito kaya naka pag-aral sa University dahil sa academic scholarship program ng paaralan.

Undergrad ito sa kursong BS Biology, doon sila nagkakilala ni Rain dahil pareho sila ng kurong kinuha. Kaya lang hindi sya nakapagtapos buhat ng pataas ng pataas ang tuition fee kada taon, hindi naman kasi sya full scholar. Kaya minsan doble gayod ang ginagawa nya.

Sa tulong ng samahan ay nakalibre sya ng tinutuluyan, ngunit hindi parin sapat ang allowance na binigigay ng kanyang pamilya sa araw-araw na pangangailangan. Kaya nag desisyon nalang muna syang mag trabaho at mag-ipon bago bumalik sa pag-aaral. Ngunit lumipas ang tatlong taon ay hindi pa din nakabalik sa pag-aaral ni Rambie.

"Alam mo sumama ka kaya sa akin minsan, para naman maiba ang pananaw mo sa buhay", pag-yaya ni Rain sa kaibigan. "Ngayong sabado may pupuntahan ako, gusto mong sumama? For sure magugustohan mo, promise!" Dagdag pa niya.

"Naku mukhang malabo yan, alam mo namang busy tayo ngayon, by Saturday baka may gagawin din ako", pagtanggi ni Fritz sa kaibigan. Maya maya pa ay lumapit na ang weyter para ihatid ang kanilang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na ang dalawa.

Gusto sana syang ihatid ni Fritz sa bahay nila kaya lang nagdadahilan syang may pupuntahang iba. Ang totoo ay ayaw nyang mahalata ni Fritz na gusto nya ito, kaya sa matagal na panahon ay pinipilit nyang tinatago ang tunay na nararamdaman nya para kay Fritz dahil alam nyang imposibleng mangyari ang gusto nya.

"Rain, anak, saan ang punta mo?" si Lita ang Mama ni Rain na napadaan sa kwarto nya malapit sa sala. "Ay! Ma, sa kabilang bayan lang po may pupuntahan", pagdadahilan ni Rain na nag-aayos ng kanyang mga gamit. "Ilang araw ka ba doon at bakit dami mong bitbit na mga gamit?" Pang-uusisa ng Ina.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon