"Lihim ng Kahapon" (27)

151 4 0
                                    

Ika-Dalawamput Pitong Kabanata:

LOS ANGELES, CALIFORNIA – "You're hired! Congratulations!" aniya ng HR manager kay Rain matapos itong pinag hintay ng halos isang oras sa labas ng kanyang opisina. Hindi maipinta ang mukha ni Rain sa tuwa, sa wakas sa halos tatlong buwan nyang paghahanap ng trabaho ay unti-unti na nyang matutupad ang kanyang mga pangarap.

Magtatrabaho sya bilang service crew sa isang coffee shop, hindi naman ka lakihan ang sahod ngunit pwede na para buhayin ang kanyang sarili. At makapag-ipon na din ng pera para sa pag-aaral nya ng Medicine. Matapos silang mag-usap ng HR ay binigay sa kanya ang lokasyon kung saan sya mag tatrabaho at ang contact person.

Pagka dating ni Kean ng bahay kinagabihan agad nya itong niyayang mag bar. "Couz, mag bar tayo", pagyaya ni Rain. "Oh! Seriously?" sagot ni Kean na tila nagdadalawang isip pa. "Seryoso nga, may work na ako!" pagbabalita niya. Napasigaw sa tuwa si Kean. "Really! Congratulations! Tama we have to celebrate tonight! May alam akong bar na pwede nating puntahan" wika ni Kean.

Nagpunta sa isang kilalang bar sina Rain at Kean, syempre buong giliw na naman ang transformation ni Kean. Babaeng babae talaga ang mukha nito at hindi mo mapagkamalang beki ito.

Pagkapasok nila sa loob ng bar ay na gulantang si Rain sa nakita. Naglipana ang mga kalalakihan at wala man lang syang nakitang babae sa loob ng bar. "Couz, are you sure dito tayo?" tanong ni Rain sa pinsan nya. "Yes! Believe me, it's amazing!" sagot naman ni Kean.

Kaya pala tuwang-tuwa ang pinsan sa bar na ito dahil isa itong "Beki na Bar", madaming gwapo sa paligid at hindi mo na kailangan magpa cute pa, sila na mismo ang lalapit sayo at makipag-usap. Ikaw na ang magsasawa. Ito ang ka una-unahang "Beki Bar" na napasok ni Rain sa buong buhay nya.

Kahit ang matalik nyang kaibigang si Josien ni minsan hindi sya niyaya nito para pumasok sa ganitong klaseng bar. Matapos nilang maka inom ng dalawang bote ng inumin, nawala na sa tabi nya si Kean, rumampa na ito at ang naghahanap ng isdang pwedeng kilawin.

May amats na din si Rain at hindi nya maiwasang mapatitig sa mga gwapong lalaking nakapaligid sa kanya. "Juice colored, ayokong magkasala!" bulong ng kanyang isipan. Ngunit sadyang malapit sa kanya ang tukso. Nilapitan sya ng isang lalaking brief lang ang suot. Matangkad ito, maganda ang pangangatawan, asul ang kulay ng mata, kulot at brownie ang kulay ng buhok.

"Shit! Paksheeettt! Papunta sya sa akin", banggit ng kanyang isipan, hindi man nya aminin ngunit kinikilig sya at gusto nyang kagatin sa labi ang kanong ito. Nakatitig lang ito sa kanong papalapit sa kanya, tila ba'y kulang pa ang alak na iniinom nya dahil nakaramdam uli sya ng uhaw.

"Hi there! May I join?" wika ng banyaga na wagas ang mga ngiti nito, may dala-dala itong inumin. Biglang nawala ang amats ni Rain ng maka harap ang kano, hindi agad sya nakapag salita, sobrang gwapo nito at tigas na tigas ang katawan. 'Yes please!" walang pagdadalawang isip na sagot ni Rain. "Thank you beautiful!" aniya ng banyaga sabay upo sa harapan nya.

"By the way my name is Jack!" pagpapakilala nya sa sarili sabay abot ng kanyang kanang kamay. "How about you sweety?" dagdag pa ni Jack. "Nice meeting you Jack! Uhhhmmm, my name is Rona", pagsisinungaling ni Rain sabay abot ng kamay ni Jack at pa simpleng kagat labi.

"You must be a Filipina, am I right? Such a beautiful woman on earth!" wika ni Jack sabay kindat ng kanyang mata. "Kung hindi ka lang mukhang masarap hindi kita pagbibigyan", tugon ng isipan ni Rain. "Wow! What a compliment, thank you Jack!" sagot naman ni Rain na feeling nya sobrang haba ng buhok nyang lagpas EDSA.

CEBU CITY - Pumayag na makipag kita si Hannah kay Fritz, dahil sa kagustuhan narin nito na aminim na si Fritz talaga ang tunay na Ama ng kanyang pinagbubuntis. Ngunit may mga kahilingan ang dalaga na hindi sang-ayon si Fritz sa gusto nya.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon