Ika –Dalawampu't Dalawang Kabanata:
KAMUNING – Nagulat si Rain ng magising, hindi ito ang kwarto nya. Tumayo ito at tumingin sa bintana, iba ang lugar na ito. Hindi na nya halos maalala lahat ng mga nangyayari kagabi, pero sure syang si Rambie ang kanyang kasama kaya malamang nasa kanlungan sya ngayon ni Rambie.
Hindi na nya alam kung paano sya nakapag bihis dahil sa sobrang kalasingan. Bago lumabas ng kwarto ay inayos nya muna ang sarili.
Agad nyang nakita si Rambie, abala itong nagluluto ng tanghalian. "Uy, magandang tanghali! Gising ka na pala! Kumusta ang iyong pakiramdam?" wika ni Rambie. Medyo nahiya pa si Rain at hindi nakapag salita agad. "Uhhmm, magandang tanghali din! Pasensya ka na kagabi, naabala pa kita", nahihiya pang banggit ni Rain sa kaibigan.
"Ok lang, ano ka ba! Saglit lang ha, malapit ng matapos itong niluluto ko, maupo ka muna", tugon ni Rambie. Nagtungo muna si Rain sa banyo kung saan malapit lang sa kusina saka bumalik at naupo sa mesa.
"Si Joan nga pala, nasaan na?" tanong ni Rain. "Si Joan ay nasa Nueva Ecija na ngayon, pumakat na sa isang kilusan doon", sagot naman ni Rambie. Lumapit ito sa mesa at nilagay ang nilutong sinigang na bangus.
Biglang nakaramdam ng gutom si Rain ng malanghap ang amoy ng niluto ni Rambie. "Na miss ko ang ganitong luto mo!" wika ni Rain. "Salamat!" tugon naman ni Rambie sabay ngiti sa kanya.
"Sorry talaga about last night, nadala lang ako ng emosyon ko, pangako hinding-hindi na mauulit", aniya ni Rain. "Ano ka ba, normal lang yan sa mga nagmamahal at nasasaktan. At least maganda na yong nailabas mo lahat ng sama ng loob mo kesa namang kimkimin mo lang" tugon ni Rambie.
"Pero sana alam mo ding kontrolin ang sarili mo, kasi hindi porke't nasaktan ka ayaw mo ng magmahal, parte yan ng buhay natin. Sabi nga nila pag nagmahal ka handa kang masaktan", payo ng kaibigan. "Parang nasa kilusan lang yan, nag-alay ka ng buhay para sa pagmamahal mo sa bayan", dagdag pa nya.
Tila ba'y may ibang ipahiwatig si Rambie sa kanyang mga sinasabi. Malamang ay nalulungkot ito sa planong pangingibang bansa ni Rain. Alam nya kasing mas marami sanang matutulongan si Rain dito sa Pilipinas, kesa magpaalila sa ibang bansa.
"Gusto sana kitang imbitahin papuntang Nueva Ecija", panimula ni Rambie. Ang dalawa ay nakaupo na sa mesa at nagsimula ng kumain ng tanghalian. Naalala ni Rain na baka ito na nga ang pag-uusapan nila ng kaibigan noong tumawag ito nitong nakaraang araw.
"Eh kung ok lang naman sayo", dagdag pa ni Rambie. Ngumuya muna si Rain bago nagsalita. "Gusto ko sanang sumama kaya lang pupunta ako ng US embassy para kunin ang pasaporte ko sa susunod na araw", pagpapaliwanag nya.
Sa totoo lang, gusto naman talaga nyang sumama sana kaya lang nag-aalanganin sya sa oras. At isa pa baka malaman ng kanyang mga magulang, malaking problema na naman ang kanyang haharapin.
"Alam mo naman ang sitwasyon ko diba, hindi ko na nga alam kung mapapatawad pa ako ng aking Ama", malungkot na banggit ni Rain. "Tutulong nalang ako sa ibang bagay kapag kailangan nyo ng tulong", dagdag pa nya.
"Walang problema Rain, naiintindihan ka namin, sana'y ipagpatuloy mo pa rin ang iyong adhikain kahit nasa ibang bansa ka na", wika ni Rambie.
HALOS dapit hapon na ng magising si Fritz. Lasing ito kagabi kasama ang kaibigang si King. Masakit ang ulo nito at tuyong-tuyo ang lalamunan. Pagka gising ay agad itong nagtungo sa ref upang kumuha ng malamig na tubig.
"Nasaan na kaya si Rain?" tanong ng kanyang isipan. Agad na kinuha ang kanyang telepono nagbabasakaling nag reply si Rain sa kanyang mga text messages ngunit nabigo lang sya dahil wala syang natanggap. Tinawagan nya ito ngunit unattended na ang numero.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomantizmUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...