"Lihim ng Kahapon" (46)

131 6 0
                                    

Ika-Apatnaput Anim na Kabanata:

Pakibalikan ang Unang Kanabata: Ang pagdating ni Rona sa Pilipinas galing Amerika.

At ang Kabanata 42: Ang pagkikita muli ni Rona at Rambie

KASALUKUYAN

SURIGAO CITY – "Hey! It is nice to see you again Ka Rambie, kumusta ka na? Ako ito si Rain!" Nakangiting bati at pagpapakilala ni Rona. "Pero mas kilala na ako sa pangalang Rona", dagdag pa nya sabay abot ng kamay sa binata. Sa sobrang galak ay napayakap si Rambie sa kanya sabay bulong.

"I am so sorry!" Mahinahong banggit nya. "Sorry sa nangyari sa Papa mo", dagdag pa nya. "Thank you, pero ok na ako ngayon at tanggap ko na ang pagkawala ni Papa", tugon naman ni Rona na hindi nya alam kung ano ang ibig ipahiwatig ni Rambie sa paghingi ng pasensya sa kanya.

"Kailan ka pa naging Rona, Ka Rain?" Pagbibiro ni Rambie. "I Swear, hindi ako makapaniwala. Ibang-iba ka na sa dating Rain na kakilala at kaibigan ko". Aniya ni Rambie. "People changed! Pero hindi naman nagbago ang puso't isipan ko ang panlabas lang na anyo. Syempre ako pa din ito ang Rain na kaibigan at kasama mo", pagbawi ni Rona sabay tawanan ang dalawa.

Magkaharap na nakaupo ang dalawa at maya-maya lang ay may lumapit na waiter upang kumuha ng kanilang kakainin. Pagkatapos ay saka pa nagsimulang mag kwento si Rambie. "Na miss ka namin, ang tagal din nating walang kumunikasyon simula ng sumanib ako kanayunan. Pero lagi ako nakikibalita sayo, lalo na noong nalaman kong uuwi ka ng Pilipinas agad akong bumababa upang kausapin ka ng personal", paninimula ni Rambie.

Halata naman sa mukha ni Rona ang pagkasabik na makitang muli ang dating kaibigan at kasama, may saya sa kanyang mga mata at sabik na makita ang iba. "Humihingi pala ako ng tawad sa lahat ng ginawa ng Papa ko sayo at sa iba pa nating mga kasamahan noong panahong nahuli kayo ng mga Militar at si Papa pa talaga ang nagpapahirap sayo", Aniya ni Rona sabay hawak sa dalawang kamay ni Rambie.

Hindi tiyak ni Rambie kung sasabihin pa ba nya ang balak nya, tila nauutal sya at hindi nya magawang aminin ang dapat na pakay nya. "Parte na yan ng buhay ng mga aktibista, ang pagbintangan at pahirapan. Lage naman akong handa kaya tanggap ko na ang nangyari sa akin, kahit alam kong wala akong ginagawang masama at nilabag na batas hindi naman ako paniniwalaan ng mga kalaban. Kaya naman natin ginawa ang ganitong mga bagay ay dahil para sa bayan, at alam mo yan Ka Rona", sagot ni Rambie. Huminga lang ng malalim si Rona at hindi na nagsalita pa tungkol sa sinasabi ni Rambie dahil tama din naman ang lahat ng kanyang sinasabi.

"Sya nga pala, ano yong mahalang bagay na sasabihin mo sa akin?" Pag-iba nya ng usapan. Bahagyang natahimik si Rambie at hindi agad nakapagsalita, nag-iisip pa kung sasabihin nya kay Rona ang totoo o hindi. Pero kailangan nyang sabihin ng hindi na sya dadalawin lage ng kanyang konsensya kahit na ramdam nyang isusumpa sya nito. "Rona, sana mapatawad mo din kami sa nangyari. Mahirap tanggapin ngunit kailangan mong malaman ang katotohan. Kami ang naka baril sa Papa mo!" Pag amin nya.

Hindi malaman sa mukha ni Rona kung ano ang magiging reaksyon nya. Magkahalong galit at lungkot ang kanyang nadarama, tanggap naman nyang wala na ang kanyang Papa ngunit bakit may kirot sa kanyang puso ng aminin ni Rambie ang pagkakasala.

"Patawarin mo sana ako at ang kilusan", pagpapatuloy ni Rambie. "Wala naman sa plano namin ang patayin ang iyong Papa, nagkataon lang talagang kasama pala sya sa mga namatay. Kung hindi mo ako mapapatawad ay maiintindihan ko naman, ang mahalaga ay alam mo ang totoong nangyari sa pagkamatay ng Papa mo", pagpapaliwanag pa nya.

Hindi pa rin kumikibo si Rona, unti-unting nahuhulog ang mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig, dahil tama pala talaga ang kanyang hinala na may kinalaman nga sina Rambie sa pagkamatay ng kanyang Papa. Ngunit hindi naman nya pwedeng sisihin ang kalaban dahil sa trahedya dahil parte iyon ng kanilang trabaho, nagkataon lang ang Papa nya ang namatay dahil kung hindi malamang baka patay na din si Rambie ngayon.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon