"Lihim ng Kahapon" (29)

130 2 0
                                    

Ika-Dalawamput Siyam Na Kabanata:

LOS ANGELES, CALIFORNIA – Sinadya talaga ni Dino na late na din sya lalabas ng coffee shop para maka sabay nya si Rain na abala pa sa pagliligpit at paglilinis. Nasa loob pa din ito ng kanyang maliit na opisina kunyare may ginagawa. Matapos gawin ni Rain lahat ng kanyang mga gawain dumaan ito kay Dino upang magpaalam.

"Hey Dino! Busy?" wika ni Rain ng makitang abala ito sa kanyang laptop. Napatingin si Dino sa kanya at ngumiti lang. "Not really, are you done?" sagot naman ng binata. "I can drop you in your home, tamang-tama tapos na din ako", dagdag pa nya.

"Yeah, I'm done, thank you, pero mag commute nalang po ako", tugon ni Rain na may pag-aalinlangan. Pinatay ni Dino ang kanyang laptop at nagligpit na din ito ng kanyang mga gamit. "Come on Rain, ihatid na kita, don't be shy!" pagpupumilit ni Dino.

Kinabahan si Rain sa kung ano man ang balak ni Dino, alam nyang may lihim itong plano. Nahiya man sya ngunit wala na syang magagawa, baka isipin pa ni Dino na masyado syang pakipot. "Are you sure? Baka maabala ka pa nyan", aniya ni Rain. Ngumiti lang si Dino sa kanya. "Yes, I am pretty sure Miss beautiful!" walang dudang sagot ni Dino.

Habang nasa byahe ang dalawa marami silang napag kwentuhan, tungkol sa mga buhay nila, kaibigan at pamilya. Masaya ang dalawa at kampante na agad sa isa't-isa. Very friendly and approachable din naman kasi si Dino kaya magaan na agad ang loob ni Rain sa kanya. Hindi nya akalain na sobrang daldal pala nitong si Dino.

"Saan nga pala kayo nakatira sa Pinas?" tanong ni Rain ng makarating na sila sa may tapat ng kanilang bahay. "Sa probinsya, somewhere in Neuva Ecija", mahinahong sagot ni Dino. Kilala ang kanilang pamilya doon dahil former Mayor ang kanyang Tito, ang kapatid ng kanyang Mama. Nanlaki bigla ang dalawang mata ni Rain. Naisip nyang baka pwede syang matulungan nito sa mga kaibigan nyang nahuli ng mga military.

"Seriuosly?" tanong ni Rain na hindi makapaniwala. "Of course! Former Mayor ang Tito ko doon. The fact I lived with them when I was still in the Philippines", pag kwento ni Dino. "Bakit? Parang ayaw mo yata maniwala", dagdag pa niya na sobrang slang sa pagbigkas ng tagalog. Sabay lumabas ng kotse ang dalawa, lumapit si Rain kay Dino upang magpaalam.

"May naalala lang kasi ako, but anyway, thank you sa paghatid", wika ni Rain sabay ngiti sa kanya. "My pleasure! I'd love to do it again, kaya please pagbigyan mo nalang ako", hirit pa ni Dino sabay kuha ng dalawang kamay ni Rain at hinalikan ito. Napa atras si Rain at hindi nya alam kung ano ang kanyang gagawin ngunit naka hawak parin ito sa kamay ni Fritz.

"Oh! Sorry Rain, I don't mean it! Really!" pag awat agad ni Dino. "It's ok, nabigla lang ako", aniya ni Rain. "Naku, nakakahiya naman, baka kung ano pa ang isipin ng mga kasama natin sa trabaho", dagdag pa nya sabay bawi ng kanyang dalawang kamay na hawak-hawak ni Dino, pero deep inside ay kinikilig ito.

"Good night Dino, thank you again!" wika ni Rain sabay halik sa pisngi ng binata. Pagkapasok nya sa bahay saka pa umalis si Dino at umuwi. Hindi maipinta ang tuwa at saya na kanyang nadarama, ngayon lang uli ito umibig at umaasa syang sana sa pagkakataong ito ay magtagumpay na sya.

NUEVA ECIJA – Kasalukuyang nakakulong pa din sina Joan at iba pang mga kasamahan sa medical mission isang linggo na ang nakalipas. Habang naka hiwalay naman si Rmabie sa kanila, bugbog sarado ito, lalo na ng makilala ito ng Ama ni Rain. Pilit itong pinapaanim na kasapi sya di umano ng mga rebelde.

Kinulong ito sa ibang lugar at doon pinapahirapan. "Umamin ka na kasi!" sigaw ng isang milatray saka sinuntok sya ng tatlong beses sa tiyan. "Arayyyyyyyyy!" pag reklamo ni Rambie, nakatayo ito habang nakatali ang kanyang dalawang kamay. "Masahol pa kayo sa hayop!" sigaw ni Rambie. "Kayo ang mga hayop! Mga salot sa lipunan!" sigaw ng isa pang lalaki saka pinagsasampal sampal si Rambie at sunod-sunod na pinapaso ang ibang parte ng kanyang katawan ng naka sinding sigarilyo.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon