Ika-Tatlumput Isang Kabanata:LOS ANGELES, CALIFORNIA – "You look so beautiful tonight Rain", wika ni Dino na pa simpleng ngumiti sa kanya, ang dalawa ay nasa isang Italian restaurant upang maghapunan. "Bolero!" tugon naman ni Rain sabay tapik sa kamay ni Dino na naka hawak sa kanyang kamay. "But thank you!" dagdag pa nya. "I hope you like it here, masasarap ang food dito, I am pretty sure na magugustuhan mo", aniya ni Dino.
"Sure I do, kahit saan naman eh walang problema sa akin basta may kanin!" napatawa pang banggit ni Rain. "If I only knew, eh di sana sa bahay ko nalang tayo nag dinner", pagbibiro naman ni Dino sabay tawa. "But you're such a very special to me kaya memorable dapat ang gabing ito para sayo", pagbawi agad nya. "You mean a lot to me, Rain", dagdag pa ng binata.
Ngumiti lang si Rain sa kanya at hindi na nag komento pa, sa totoo lang kasi hindi pa nya alam kung ano ang gagawin nya. Gusto naman nya ang binata kaya lang takot syang mahulog sya ng tuluyan kay Dino tapos naghihintay pa rin hanggang ngayon si Chris. "Thank you Dino, pero my boyfriend na ako!" pag-amin ni Rain. "Of course I know that you're already taken, your cousin Keanna told me once", pag sang-ayon naman ni Dino.
"Then why are you still trying to get me?" deretsong tanong ni Rain. "Honestly, I don't know, to make friends?" nagugulohang banggit ni Dino. "I am so sorry pero hindi ko alam sa sarili ko, the only thing I know is mahal kita, and that is really for sure", walang pagdadalawang isip na pag-amin ni Dino. Natatakot man syang aminin ngunit wala ng ibang oras o panahon upang patagalin pa nya ang panliligaw kay Rain, kahit alam naman nyang malabong mangyari.
"Salamat Dino, pero hindi tama ang patulan kita hangga't may jowa pa ako", tugon ni Rain na nakatitig sa mga mata ni Dino. "I am willing to wait", bulong ni Dino. Ramdam ni Rain na totoo si Dino sa kanyang mga ginagawa at sinasabi, kapag ipagpilitan pa din nito ang panliligaw malamang ay bibigay din sya.
Magulo din ang takbo ng utak ni Rain lalo na ang kanyang puso. Kaya pagkatapos nilang mag hapunan nagyaya syang lumabas at mag bar. Nagpunta sila sa isang sikat na Filipino Comeday Bar, gusto niyang humalakhak ngayong buong gabi at maglabas ng mga problemang dumating sa buhay nya nitong nakaraang linggo.
CAGAYAN DE ORO CITY – "Papa, patawarin nyo na po ako sa mga kasalanang nagawa ko", wika ni Hannah, naka upo ito katabi ni Fritz at kaharap ang kanyang mga magulang. Nakatingin lang sa malayo ang kanyang Papa at hindi maka tingin kay Hannah ng deretso. "Kakayanin ko pong bayaran ang naiwang utang ninyo kay Tito Orly", mahinahong banggit ni Hannah.
Nagulat si Fritz sa narinig, hindi na banggit ni Hannah ang tungkol sa utang. "Tutulongan ka ba ng magiging asawa mo?" galit na pagkakatanong ni Julio. "Papa, wala naman pong kinalaman si Fritz dito, h'wag mo na syang idamay", paki-usap ni Hannah sa Ama. Nabaling ang tingin ni Julio kay Fritz saka nag salita. "Saan galing ang pamilya mo ijo, at anong pangalan ng mga magulang mo?" pabalang na tanong ni Julio.
Naka tingin si Fritz kay Hannah bago nagsalita, hudyat na hindi sya natatakot sa Ama nito, sa katunayan naka ngiti pa nga ito. "Tubong Surigao City po ako, at negosyante po ang mga magulang ko, sina Elvie at Rod Santos", mahinahong sagot ni Fritz. Tila na tigil bigla sa pag hinga si Betty ang Ina ni Hannah ng marinig ang pangalan ng Ina ni Fritz. "As in Elvie del Valle?" tanong ni Betty na namumutla ang mukha sa takot.
Nagulat si Fritz kung bakit alam ni Betty ang tungkol sa kanyang Ina. Habang naka abang naman ni Julio sa sagot ni Fritz kung sya nga ang Ina nito. "Opo, Tita, sya nga po", sagot ni Fritz. Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid. Wala ni isa sa kanila ang nagsalita, kahit si Hannah ay hindi nya alam kung bakit kaya nagkatinginan nalang silang dalawa.
"Mama, bakit po ba?" tanong ni Hannah sa kanyang Ina. Tumingin muna si Betty sa kanyang asawa bago nagsalita. "Uuhhmm, kasi Anak, magkakilala kami ni Elvie, sya ang dating karelasyon ng Papa mo", pag-amin ni Betty. "What!!!???" bulalas nina Hannah at Fritz na hindi makapaniwala sa narinig.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...