Ika-Labing Siyam Na Kabanata:
SURIGAO CITY – Habang kumakain ng agahan ang mag-inang Lita at Tyrone ay biglang napa tawag ang kanyang Asawang si Tiko. Linggo ngayon kaya allowed ang mga sundalong tatawag sa kani-kanilang pamilya. Nasa cottage ito naka upo at may dala dalang kape.
"Hello Lita, kumusta na kayo dyan?" Agad na tanong ng kanyang asawa. Tumayo sila at nagtungo sa may pintuan. "Ok naman kami dito ni Tyrone, ikaw ang kumusta dyan?" sagot ng asawa. "Mabuti naman din sa awa ng Diyos, baka sa susunod na buwan ay makauwi ako kung papalarin", pag kwento ni Tiko.
Masaya si Lita sa balita, hiling pa nga nya ay sana'y matuloy ang bakasyon ng asawa, matagal na din itong hindi nakauwi sa kanila. "Salamat Tiko kung ganoon, sana nga ay pahintulutan ka para magkakasama sama naman tayo mag pamilya", nakangiting tugon ni Lita. "Si Tyrone kumusta?" tanong ng Asawa. Tumingin si Lita sa anak na kumakain sa mesa bago nagsalita.
"Mabuti naman si Tyrone, hindi na nga sya lumalabas masyado ng bahay, mula ng umalis ang kapatid nya", aniya ni Lita. Natahimik bahagya si Tiko, alam nyang si Rain lang minsan ang kasama ni Tyrone na lumalabas tuwing walang pasok. Lalo na ngayong buwan ng Mayo, madalas silang nagpupunta sa mga kamag-anak nila at dumadalo sa fiesta kung saan-saang lugar.
"Si Rain ano na ang balita sa US visa processing nya?" tanong ni Tiko. "Ang sabi ay tatawag sya kung ayos na, sa ngayon hindi pa tumatawag ang anak mo", sagot ng Asawa. "Galit ka pa ba sa anak mo?" tanong niya. Hindi umimik si Tiko sa tanong ni Lita, malamang ay galit pa din ito sa sariling anak, kaya hindi na nya pinagpilitan pa.
"Kumain ka na ba?" pag-iba nya ng usapan. "H'wag mong pababayaan ang sarili mo dyan, at palagi kang mag-iingat", dagdag pa nya. "Nagka kape pa lang ako ngayon, baka maya maya pa ako kakain ng agahan, oh sya sige at may gagawin lang ako, mag-iingat din kayo dyan", sagot ni Tiko sabay patay ng telepono.
Kahit sa ngayon ay masama pa din ang loob ni Tiko sa kanyang anak, umaasa naman syang magbabago din si Rain. Baka nga pag nasa Amerika na ito ay makakalimutan na nya ang pagiging aktibista.
KAMUNING HEAD QUARTERS – Nasa H.Q ng mga manggawang magsasaka sina Rambie at Joan. Ang dalawa ay pupunta sa bayan ng Pangasinan sa susunod na araw para tulungan ang mga magsasakang nawalan ng sakahan dahil sa sapilitang pagpapalayas sa kanila sa lugar.
Ayon sa balita ay naging marahas ang pagpapalayas sa kanila, maraming nasaktan at daan-daang tao ang nawalan ng bahay at trabaho.
Ngayon pa lang ay abala na ang dalawa sa paghahanda lalo na sa mga gamit na kakailanganin nila. Naisip ng dalawa si Rain. Ilang araw na din kasi itong hindi nagpaparamdan sa kanila. Kinuha ni Rambie ang kanyang telepono na naka charge at tinawagan ang kaibigan.
Nagising si Rain sa tawag, halos hindi pa ma buka ang mga mata nito sa sobrang hapdi. Late na din kasi silang natulog ni Chris. Pagkatingin sa telepono si pala Rambie ang tumatawag.
"Hello Rambie", mahinang sagot nya, na halatang inaantok pa. "Hi Rain, sorry kung naabala kita, magandang tanghali nga pala", sagot naman ni Rambie. "Mukhang nagising ka yata sa tawag ko", dagdag pa nya. Biglang nahimasmasan si Rain ng malamang tanghali na pala, tumayo ito at sumilip sa bintana. Mataas na nga ang sikat ng araw, naisip nyang paano na ang planong swimming nila ni Chris na dapat kaninang umaga pa.
"Ok lang, napatawag ka", wika ni Rain. "Nasaan ka ba ngayon? Gusto sana kitang makausap ng personal" tanong ni Rambie. Balak nya kasi itong isama na magpunta sa Pangasinan. Napaisip si Rain kung ano ang sasabihin sa kanya ng kaibigan.
"Sige, walang problema, kaya lang andito pa ako ngayon sa Laguna", pag sang-ayon ni Rain. "Balitaan mo ako kapag nakabalik ka na ng Maynila", tugon ni Rambie. "Sige, tawagan agad kita", aniya ni Rain. "Salamat kasama!" pagpapaalam ni Rambie saka pinutol ang linya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomantizmUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...