"Lihim ng Kahapon" (17)

179 6 0
                                    

Ika-Labing Pinto Na Kabanata:

PATRICK & GABRIEL CONDOMINIUM – Hindi pa man naka pasok ng condo si Rain ay tumawag na si Chris sa kanya. Kinikilig naman ito habang tinitingnan nya ang pangalan ni Chris na nag appear sa kanyang cellphone na tumatawag. Wagas ang mga ngiti nito ng sagutin nya.

"Hey! Kakausap pa lang natin kani-kanilang lang na miss mo na agad ako!" bungad ni Rain. Natatawa naman si Chris na nasa kabilang linya. "Ewan ko ba parang kay tagal na nating di nagkita. Pasensya ka na, na miss agad kita eh!" pagpapaliwanag nya, hindi pa kasi nagsimula ang meeting nila kaya napatawag sya.

"Ganito lang talaga siguro ang nararamdaman ng taong inlab!" Hirit pa ni Chiris. Gustong matunaw ni Rain sa narinig ngunit hindi ito nagpadala sa mga sinasabi nya. "Naks naman, h'wag masyado kasi paano nalang pag nasa Amerika na ako?" aniya ni Rain.

Huminga muna ng malalim si Chris bago nagsalita. "Hayyy! Nalulungkot na nga ako eh, kahit di mo pa nga ako sinagot eh feeling ko nasasaktan na ako ngayon pa lang, paano na kaya pag sinagot mo na ako, tapos iiwanan mo lang?" pag e-emote ni Chris na totoo naman talagang nalulungkot na sya.

"Kung pede nga lang sanang pigilan kita ay gagawin ko na ngayon pa lang", dagdag pa nya. "Ang O.A mo ah!" pag saway ni Rain. "Ma miss din naman kita, kayo ng mga kaibigan ko!" tugon nya.

"O.A ba ang tawag sa taong inlab?" Pangungulit pa nya. Gusto ni Rain tumawa ngunit pinipigilan lang nya, nasa labas pa din ito ng pintuan, naghihintay na matapos ang kanilang usapan. "Sa ngayon h'wag mo munang isipin ang pag-alis ko", dagdag pa nya.

"Gusto mo mag out of town tayo this weekend?" pag-yaya ni Chris. "May alam akong magandang puntuhan at tiyak na magugustohan mo, isa itong Zipline at Adventure Park na matatagpuan sa Laguna", dagdag pa nya.

Napaisip si Rain, mukhang maganda ito at interesting. "Wow! Sure, walang problema!" pag sang-ayon agad ni Rain. Isa kasi ito sa mga gusto nyang gawin kaya pumayag agad syang sumama, halatang excited itong puntahan ang lugar, na miss nya ang mga adventures na ginagawa nya noong nasa San Miguel pa sya. "Great! Sige, ako na ang bahala! Kaya h'wag ka ng magalala pa!" aniya ni Chris.

"If you like, we can invite Josein and Mark too", tugon nya. "Sige, I'll ask them!", sagot naman nya. Di nag tagal ay tinawag na sya dahil magsisimula na ang meeting nila kaya nagpaalam na ito. "Rain, I have to go, mag simula na daw ang meeting namin, basta I'll let you know if ok na, see you this weekend, bye!" dagdag pa nya sabay putol ng linya.

Pagkapasok nya sa kwarto ay nakita nya sa sahig ang maliit na pirasong papel. Ito yong papel na inabot sa kanya ni Fritz. Dinampot nya ito at tiningnan. Nagdadalawang isip ito kung tatawagan ba nya si Fritz o hindi. Ngunit hindi sya mapakali, para bang may bumubulong sa kanyang isipan na tawagan niya ito. Lumabas ito ng kwarto at nagtungo sa salas bitbit ang papel at telepono.

JOERGENIA TOWER 1 – Nagising sa tawag si Fritz na noo'y naka idlip pala sa pagkahiga ng bumangon kanina. Pilit nyang binubuka ang dalawa nyang mata na gusto pang matulog habang dinadampot ang telepono. Hindi familiar ang numerong tumatawag. Kaya't minulat nya muli ang dalawang mata saka sinagot ang tawag.

"Hello!" matamlay na bati si Fritz. Napansin agad ni Rain na nasa kama pa ito at natutulog pa. "Fritz? Fritz, ikaw ba ito?" tanong ni Rain. Nang mapansin ni Fritz na boses ito ni Rain ay bigla syang nabuhayan, tumayo agad ito sa pagkahiga at nagtungo sa binata at binuksan ang kurtina.

"Ulan!" Malakas na sigaw nya. "Ako nga 'to! Salamat at tumawag ka na, kahapon ko pa hinihintay ang tawag mo eh", aniya ni Fritz na matamis ang ngiti sa kanyang mga labi. "Sorry naging busy lang", pagdadahilan nya. "Kumusta na?" tanong ni Fritz. "Ok lang naman ako, ikaw ang kumusta? Ano ang ginagawa mo dito sa Maynila?" balik na tanong nya.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon