"Lihim ng Kahapon" (7)

262 9 0
                                    

Pang-pitong Kabanata:

GUARDALUPE RESIDENCE – ngayong araw ang dating ng Mama at Papa ni Fritz galing ng bakasyon. Pagka dating ng bahay ay agad na pinuntahan ni Elvie ang kwarto ng anak dala dala ang kanyang nabiling pasalubong.

Nagtaka ito bakit bukas ang pintuan ng kwarto ni Fritz, ang alam nya ay hindi ito nagbubukas ng pinto. Dahan dahan itong pumasok at nagulat sa nakita, may katabi ito sa kama na naka higa sa kanyang braso at naka balot ng kumot ang mukha.

Hindi nya masyadong makita ang mukha kaya lumapit ito sa bintana at binuksan ang kurtina. Biglang nagising si Fritz dahil sa sikat ng araw na nakatutok sa kanyang mukha. Nagulat sya ng makitang naka tayo ang kanyang Ina malapit sa bintana.

"Hesus Maria Husef! Patawarin mo po sila Panginoong Hesus" aniya ng kanyang Mama sabay sign of a cross. "Sino ang empaktang yan?" sigaw ng kanyang Mama na halatang nagagalit at lumapit sa kanila. Nagising si Rain dahil sa lakas ng pag sigaw ng kanyang Mama.

"Mama! When did you arrived? Let me explain", aniya ni Fritz na natataranta at hindi alam kung ano ang gagawin. Hubo't hubad sila pareho ni Rain at tanging kumot lamang ang naka balot sa kanilang katawan. "At kailan ka pa nag dala dito ng maruming taong katulad nya na sumasama sa lalaki at nakikipagtalik pa?" galit na galit na sabi ng kanyang Mama.

"My God, anak bakit ka pumapatol sa uri nila?" dagdag pa ng kanyang Ina. "Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa mo? At dito mo pa ginawa sa mismong pamamahay natin?" pagpapautloy nya. Gustong maiyak ni Rain dahil sa mga masasakit sa sinasabi ng Mama ni Fritz, ngunit mali naman talaga ang kanilang ginawa.

"Mag bihis na kayo!" utos ng kanyang Ina. "At ikaw, kung sino ka mang haliparot ka, lumayas ka na agad sa pamamahay namin at h'wag na h'wag kang magkakamaling bumalik pa dito, tandaan mo yan!" galit na galit na utos ni Elvie saka ito lumabas ng kwarto, nakasalubong nya ang asawa sa hagdanan na paakyat dala dala ang kanila maleta.

"Anong nangyari, naririnig kitang sumisigaw?" tanong ng kanyang asawang si Rody. "Naku, yang anak mo may dalang pokpok andun sa loob ng kwarto nya, matagal na nya sigurong ginagawang motel itong bahay natin sa t'wing wala tayo dito", pagsusumbong nya. Dali dali itong bumaba at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig at uminom.

"Fritz, anak!" ang kanyang Papa na kumakatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Agad naman itong binuksan ni Fritz kasama si Rain. "Anong ibig sabihin nito anak?" tanong ng kanyang Papa na kalmado lang hindi tulad ng kanyang Mama.

"Pa, I am so sorry for what I have done, magpapaliwanag ako mamaya, ihatid ko lang si Rain sa labas", aniya ni Fritz sa Ama saka bumaba ang dalawa. Hindi makakibo si Rain dahil sa kahihiyang ginawa nya, gusto nga nya sanang takpan ang kanyang mukha ngunit huli na ang lahat dahil pinagdidirian na sya ng mga magulang ng mahal nya.

Gusto nyang kamunghian ang sarili dahil sa maling nagawa ngunit hindi nya pinagsisisihan ang nangyari sa kanilang dalawa ng mahal nya. "Rain, I am sorry kung humantong pa sa ganito, hindi ko alam na ngayong araw pala ang dating nila Mama at Papa galing bakasyon", paghingi nya ng paumanhin habang hawak-hawak ang kamay rin Rain.

Di napigilan ni Rain ang maiyak. Hindi sya kumikibo hanggang sa naka sakay na ito ng taxi pauwi sa kanilang bahay.

"Anak naman anong nakain mo at pumatol sa isang tulad nya?" paninimula ng Mama ni Rain habang ang tatlo ay nasa salas. "Hindi po sya masamang tao tulad ng mga iniisip ninyo", pagtatanggol ni Fritz kay Rain.

"Mama, Papa, pasensya na sa mga nagawa kong pagkakamali, aminado akong hindi ko dapat ginawa iyon lalo na dito sa pamamahay natin", mahinahong sagot ni Fritz sa kanyang mga magulang. "Pero mahal ko po sya!" pag-amin nya sa magulang.

Nanlaki ang dalawang mata ng mga magulang nya sa narinig. Tumayo ang kanyang Mama at simigaw sa galit. "Anak! Paano nangyari ito? Baliw ka na ba? Ano ba ang pagkukulang namin bakit ka nagkakaganyan?" Ang Papa naman nya ay hindi makapaniwala. "Fritz, anak, pag-isipan mo muna ang mga sinasabi mo baka naman nabigla ka lang, nag-iisang anak ka lang namin at ayaw namin na maging miserable ang buhay mo, naniniwala kaming hindi kayo bagay para sa isa't-isa", tugon ng kanyang Papa.

"Fritz, magpakatotoo ka, hindi ko ito matanggap, baka ito pa ang ikakamatay ko, pakiusap anak layuan mo sya, at h'wag mo ng ipagpatuloy pa kung ano man ang mga nasaisip mo, isa yang malaking pagkakamali anak, matakot ka sa Diyos, sa mga ginagawa mo", pagmamakaawa ng kanyang Inang umiiyak sa harapan niya.

Hindi na nakapagsalita muli si Fritz dahil baka atakehin pa sa puso ang kanyang Mama. Unti-unti na ring nahuhulog ang mga luha sa kanyang mga mata. Naawa sya sa kanyang Ina, at hindi nya alam kung ano ang gagawin, kaya niyakap nalang niya ito.

GUILLEN RESIDENCE – nagkulong sa kanyang kwarto si Rain mula ng dumating ito sa bahay nila. Hindi ito lumalabas at kumakain. Nagi-guilty sya sa nagawa nya, pero na realized nyang wala namang mali dahil nagpakatotoo lang naman sya nararamdaman nya, wala syang pinagsisisihan dahil ginusto din naman nya, nagkataon nga lang na sa bahay pa ng mga Guardalupe sya nag kalat.

Pinatay nya ang cellphone baka tatawag si Fritz, hindi nga sya nagkakamali dahil maka ilang ulit syang tinatawagan nito.

SSG OFFICE – "Good morning everyone!" pagbati ni Rain na kakapasok lang sa kanilang opisina, dumaan muna ito sa mesa ni Fritz na nasa kabilang cubicle. "Good morning Mr. President!" aniya ni Rain na nakatitig sa kanyang mga mata.

Nanibago si Fritz sa ikinikilos ni Rain, kakaiba ito ngayon, parang hindi na ito affected sa nangyaring pambabastos ng kanyang Mama. "Rain, ok ka lang ba? Can we talk outside, please" pa simpleng tanong ni Fritz sa kanya. "I've been calling you pero naka off ang cellphone mo", dagdag pa nya na halatang nag-alala. "Ok lang ako, sure we can talk", pag sang-ayon naman ni Rain.

Nagpunta ang dalawa sa rooftop ng kanilang building para mag usap. "Sorry kung nasaktan ka sa mga sinasabi ng Mama, nagulat lang talaga sya at hindi makapaniwala", aniya ni Fritz.

"Ako nga dapat ang mag sorry dahil mali naman talaga ang ginawa ko", tugon naman ni Rain na malayo ang tingin. "Kalimutan na natin, isipin nalang natin na walang nangyari", dagdag pa nya. Gustohin man sanang sabihin ni Fritz ang tunay nyang nararamdaman para kay Rain, ngunit iniisip nya ang kanyang Mama, napakahirap mag desisyon lalo na't pareho nyang mahal ang dalawa.

"Ulan, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko pinagsisihan ang nangyari, espesyal ka para sa akin", bulong ni Fritz saka yumakap sa kanya. Gusto nyang matunaw sa tuwa at isigaw sa buong mundo na mahal nya si Fritz ngunit pinipigilan lang nya baka sya ay mapahiya.

Dahil ang paniniwala nya ay imposibleng mangyari yon, masaya na syang natikman nya ang lalaking pinagnanasahan hindi lamang ng mga kababaihan pati na din ang mga beki sa paligid. "Mr. President, teka baka may makakita pa sa atin, mahirap na", pagrereklamo nya saka tinulak si Fritz habang naka yakap sa kanya.

Abala si Rain sa pag-aasekaso para sa kanyang OJT. Tulad ng kanyang pangako kay Rambie, sa bayan sya ng San Miguel mag OJT bilang health worker volunteer sa kanilang Hospital.

Excited itong magpunta sa lugar para makatulong. Si Fritz naman ay sa Cebu City mag OJT, pareho silang malalayo, siguro ito na ang tamang panahon para makalimutan nila ang isa't-isa pansamantala.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon