"Lihim ng Kahapon" (34)

134 2 0
                                    

Ika-Tatlumput Apat na Kabanata:

LOS ANGELES, CALIFORNIA - Tila nagkahiyaan pa sina Dino at Rain ng magkita ang dalawa sa coffee shop kung saan sila parehong nagtatrabaho. Kunyare ay abala si Rain sa kanyang mga gawain ngunit hindi mapakali ang kanyang isipan na kausapin ang boss nya. Matapos nyang ihatid ang kape at tinapay na order ng dalawang kanong customer nila agad syang nagtungo sa maliit na opisina ni Dino.

Kumatok muna ito bago pumasok. "Hey! Can we talk?" wika ni Rain ng masilip si Dino na naka upo sa kanyang mesa. Pumasok ito at umupo sa harapan ng boss nya kahit hindi naman sya inalok nito. "Hi! Sure, tungkol saan?" sagot naman ni Dino sa kanya. Hindi agad nakapag salita si Rain, hindi nya kasi alam kung paano sisimulan, kaya si Dino na ang nagsalita. "Kung tungkol ito sa nangyari sa atin, I would like to say sorry! It's all my fault! Sana mapatawad mo ako Rain", mahinahong banggit nya.

"No, it's not about what had happened to us, I badly need your help!" tugon ni Rain, nakatitig ito sa binata at halatang may pag-alala sa kanyang mukha. "Like?" tanong naman ni Dino. "You told me before na ex Mayor ang Tito mo in Nueva Ecija, right? Kasalukuyan kasing naka kulong ang kaibigan ko, baka pede siyang matulungan ng Tito mo!" panimula ni Rain.

"What? How?" hindi makapaniwalang tanong ni Dino sa kanya. "Seriously? Paano siya nakulong?" dagdag pa nya. "It's a long story, but I will explain to you the whole story basta tulungan mo lang ako, please", pagmamakaawa ni Rain sa kanya. "Ok, I will try to help you but not a promise, kasi I am not pretty sure kung nasa Pinas si Tito at the moment", tugon naman ni Dino.

"Yes, please, ngayon pa lang ay magpapasalamat na ako sayo", wika ni Rain. "H'wag ka munang magpasalamat kasi hindi ko pa naman nakausap ang Tito Bong ko, saka nalang kapag ok na", tugon naman ni Dino at pa simpleng ngumiti ito kay Rain. Nakahinga ng maluwag si Rain sa narinig, kahit papaano ay alam nyang matutulungan sya ni Dino.

Matapos nilang mag-usap tatayo na sana si Rain at magpaalam ng biglang hinawakan ni Dino ang kanyang kanang kamay na naka patong sa mesa. "Rain, yong, tungkol sa nangyari sa atin", nahihiya pang banggit ni Dino sa kanya. "Sssshhh, ano ba ang gusto mong mangyari?" wika ni Rain na tuluyang tumayo at lumapit kay Dino.

Kinabahan bigla si Dino hindi nya alam kung matutuwa sya sa gagawin ni Rain. Tumayo din sya at sinalubong si Rain. "Na miss kita!" pag-amin nya. "Na miss ko ang iyong mga halik!" dagdag pa nya na akmang hahalikan nya sana ang mga labi ni Rain. "You're naughty!" bulong ni Rain sabay hawak sa junjun ni Dino na tigas na tigas. "Oh! Please!" bulong naman ni Dino na sarap na sarap sa ginagawa ni Rain.

"Tulungan mo muna ako saka natin ituloy ang balak mo", dagdag pa ni Rain saka hinalikan sa labi si Dino bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Biglang nabuhay ang diwa ni Dino at hindi nya hahayaang matapos ang araw na hindi nya mailabas ang init ng kanyang katawan.

MANILA - Wala sa sarili si Chris ng pumasok ito sa opisina, hindi nya paring maiwasang isipin ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Mary Ann. Lalo na ang pag amin ng dalaga na mahal pa rin sya nito hanggang ngayon. Hindi nya alam kung bakit hindi mawala wala sa kanyang isipan ang dalaga, marahil at nakaramdam na din ito ng kakaiba.

Hindi na sya umasang tatagal pa ang relasyon nila ni Rain, ayaw man nyang isipin ngunit kailangan nyang tanggapin. Kailangan na nyang palayain ang kanyang sarili at palayain na rin ang puso't isipan ni Rain. Wala man silang formality break up ngunit nag padala sya ng mensahe para kay Rain. Masakit ngunit wala ng ibang paraan para ipaglaban pa nya ang kanyang pagmamahal kung kusa ng bumitaw ang isa.

Palabas na sana sya ng opisina upang kumain ng tanghalian sa baba ng kanilang gusali ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Rain ang tumatawag. Hindi nya alam kong matutuwa ba sya o hindi, malamang ay nabasa na nito ang kanyang mensahe kaya ito tumawag sa kanya. Dali-dali sya lumabas ng kanilang opisina bago sinagot ang tawag, ayaw nya kasing may makarinig sa kanilang usapan.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon