Ika-Labing Amin Na Kabanata:
CHRISTIAN JOY RESTO BAR – Nasa isang bar sina Fritz at King, na matatagpuan sa Ortigas City, kumakain muna sila ng hapunan saka umiinom. "Bro, gagu ka talaga, iniwan mo ako kanina!" aniya ni King sa kaibigan. "Para akong baliw dun sa kakahintay sayo, di mo man lang sinasagot ang mga tawag ko! Mabuti nalang eh nakaalis na ako dun bago pa man sumabog ang bomba!" dagdag pa ng binata.
"Pasensya ka na talaga Bro, hinahabol ko lang kasi si Rain kanina, alam mo namang matagal ko na syang hinahanap", pagpapaliwanag nya.
"Kaya dapat libre mo ako ngayon!" Pagbibiro ng kaibigan sabay taas ng baso saka sumigaw ng "Cheers!" Kakatapos lang nilang kumain kaya nagsimula na silang mag-inoman. "Bad trip pa nga ako dun sa kasama nyang lalaki, hindi man lang lumalayo ang gagu sa kanya, halatang may gusto kay Rain eh", pagrereklamo nya sabay tungga ng beer. "Ahahaha! Kaya ka pala nagyaya ka dito dahil nasaktan ka!" pang-aasar pa ng kaibigan saka tumawa ng malakas.
"Sira ulo! Syempre ayokong may kaagaw ako sa puso nya, kahit wala pa kaming confirmation talaga eh ramdam naman naming mahal na mahal namin ang isa't-isa, kahit medyo kumplikado ang sitwasyon namin naniniwala pa din ako sa tibok ng aking puso", pagpapatuloy pa nya.
"Teka, eh ba't di mo sya kinausap kanina?" tanong ni King. "Paano ko sya kakausapin eh yong mukong na yon hindi humihiwalay kay Rain, mabuti nalang at nasimplehan kong iabot sa kanya ang address at number ko", tugon ni Fritz. "Eh, ang tanong tumawag na ba?" tanong ni King. Natahimik bigla si Fritz at nabaling ang tingin sa mga kumakantang banda bago nagsalita. "Hindi pa nga eh, baka ayaw na nya akong maka-usap pa", malungkot na banggit nya.
"Ahahaha! So nag e-emote ka ngayon dahil sa kanya! Aba eh, mukhang tinamaan ka na nga Bro! Kaya h'wag mo ng palagpasin pa ang pagkakataon!" aniya ng kaibigan. "Sa totoo lang ngayon lang akong naglakas loob Bro na harapin sya at aminin sa kanya na mahal na mahal ko sya, ngunit paano ko gagawin ngayon ito eh baka may mahal na syang iba", pagpapatuloy pa nya.
"Alam mo saludo ako sayo Bro, at sa lahat ng mga lalaking katulad mo na totoong magmahal, ang katulad ni Rain ay isang espesyal na nilalang, hindi ganun ka dali ang nararamdaman mo", aniya ng kaibigan. "Salamat Bro, salamat at naiintindihan mo ako, sana balang araw ay matanggap din ng aking pamilya ang sitwasyon ko", banggit ni Rain. "Tandaan mo Bro, hindi masama ang umibig, walang pinipiling tao, lugar, or estado ng buhay", dagdag pa nya.
Ramdam naman ni King ang pinagdadaanan ng matalik na kaibigan. Alam nyang nasaktan ito, ngunit wala din naman syang magawa kundi ang damayan lang sya.
PATRICK & GABRIEL CONDOMINIUM – Umaga na ng magising si Rain, hindi na nya namalayang nakatulog na pala sya noong nakahiga sya sa kama nya, malamang sa sobrang pagod ng kanyang katawan, hindi na nga ito nakapag bihis ng damit at nakapag tanggal man lang ng sapatos na suot nya. Bago lumabas ay nag palit muna ito ng damit, pagka bukas ng pintuan ay amoy na amoy nya ang niluluto ng kaibigan, sinampalokang baboy.
"Uhhhmmmm! Kapatid! Ang sarap ng niluluto mo! Bigla akong nagutom! Patikim nga!" aniya ni Rain, lumapit ito sa kaibigan na nagluluto, kumuha ng kutsara at tinikman ang niluto. "Wow! Grabe ang sarap!" dagdag pa nya. "Uy, maghilamos ka muna, yang mukha mong amoy bomba pa!" pag saway sa kaibigan. "Ito na nga papasok na sa banyo", tugon naman ni Rain.
"Sya nga pala tawagan mo na ang Mama mo baka isipin nilang hindi kita sinabihan! Kahapon pa yon naghihintay ng tawag mo" sigaw pa nya sa kaibigang pumapasok na ng banyo. "Yes! Ma'am!" sagot naman ni Rain saka sinarado ang pintuan ng banyo.
Matapos nilang kumain ay agad namang tinawagan ni Rain ang kanyang Mama na kahapon nag-alala para sa kanya. Nasa terrace ito nakatayo at malayo ang tingin. "Hello! Ma!" aniya ni Rain. "Anak, ano na naman ba ang pinaggagawa mo dyan? Kitang-kita ka sa TV kahapon sa balita, lubos ang pag-alala namin sayo baka kung ano na ang nangyari", aniya ng kanyang Ina, naka upo ito sa labas ng kanilang bahay. "Ang Papa mo ay galit na galit sayo, hindi ko na nga alam kung paano sya kakausapin", pag kwento nya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...