Ika-Apatnaput Dalawang Kabanata:
SURIGAO CITY - Hinatid ni Fritz si Rona sa kanilang bahay dahil sa kagustuhan naring makita ang Ina ni Rona na si Lita. Pagka dating ng dalawa aktong palabas naman si Lita sa kanilang bahay kasama si Tyrone ng magsalubong ang mga landas nila. "Hi! Ma!", Bati ni Rona na nabigla sa nakita sabay halik sa Ina. "Saan kayo pupunta?" Tanong pa nya. Nagulat din si Lita ng makita muli si Fritz, may kutob na syang nagkamabutihan na ang dalawa dahil magkahawak kamay sila.
"Uhmm, dadalawin lang namin ang puntod ng iyong Papa, kung gusto mo sumunod ka nalang sa amin", sagot naman ni Lita. "Sige po, susunod ako. Si Fritz nga pala", pagpapakilala ni Rona sabay tingin sa kanya. "Fritz, ang Mama Lita ko", dagdag pa nya. Nagmano si Fritz kay Lita bago ito nagsalita. "Matagal na kaming magkakilala ng iyong Mama", pag-amin nya. Hindi makapaniwala si Rona sa nalaman, dahil ang pagkakaalam nya ay hindi pa nya ito formally naipakilala sa kanyang Ina at sa buong pamilya.
"Oo, Anak! Tama si Fritz! Matagal na kaming magkakilala, at minsan na syang nagpunta dito sa bahay natin noong nasa Amerika ka na. At kaibigan ko pala ang namayapa nyang Ina", pag sang-ayon ni Lita. "Kumusta ka na Hijo? Ilang taon na din ang lumipas ng huli tayong nagkita". Tanong ni Lita, naka ngiti pa ito sa kanila. "Mabuti naman po Tita Lita. Oo nga medyo matagal na ding hindi tayo muling nagkita dahil naging abala ho ako sa pagtuturo. Pero lubos po akong natutuwa na sa wakas po ay naging akin na muli ang inyong prinsesa!" walang pagdadalawang-isip na pag-amin nya.
Biglang kumiwalas si Rona sa pagkahawak sa kamay ni Fritz, ang alam kasi ng kanyang buong pamilya ay ikakasal na sya sa Amerikano nyang nobyo. "Uuuhhhmm, ang ibig nya pong sabihin Mama, bumalik na sa dati ang aming pagkakaibigan", pag depensa nya sa sarili ngunit halatang natataranta itong nagpapaliwanag. Ngumiti lang ang kanyang Ina na nakatingin sa kanilang dalawa. "Mama, please maniwala po kayo!" Pagmamakaawa pa nya para hindi sya pagdudahan nito.
"Anak, masaya ako para sa inyong dalawa. Aminin mo man o hindi alam ko lahat ang tungkol sa inyong dalawa ni Fritz. Pero sana tapusin mo muna kung ano man ang iniwan mo sa Amerika para hindi ka magkakaproblema balang araw", aniya ni Lita. "Oh, sya aalis na muna kami, kayo na ang bahala dito", dagdag ni Lita. Tila gumuho ang mundo ni Rona, hindi nya maiintindihan kung bakit ganun ang reaksyon ng kanyang Ina, so ibig sabihin sang-ayon ito sa kanilang dalawa ni Fritz.
Nang tuluyan ng makaalis ang mag-ina saka pa sya nahimasmasan, bigla nyang ikinahiya ang kanyang sarili, ngayon lang nya na realized na may Dino palang naghihintay sa kanya sa Amerika at ikakasal na pala sya sa pagbalik nya. "Ulan, okey ka lang ba?" Tanong ni Fritz, lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay ng mapansing naiba ang kinikilos nito.
"Ulan, totoo ang lahat ng mga sinasabi ni Tita Lita. Magkakilala sila ng aking Ina, at na kwento ko din sa kanya ang tungkol sa ating nakaraan", pagpapaliwanag ni Fritz. "Pero paano sila nagkakilala ng iyong Mama?" Tanong ni Rona. Niyaya nyang paupuin si Rona sa sofa at doon na sya nagsimulang mag kwento sa kanya.
Mahabang usapan ngunit mahalaga para sa kanya ang lahat ng mga impormasyong nalalaman. Kaya pala hindi hadlang ang kanyang Ina sa mga ginagawa nya ay dahil pareho pala sila ng mga ipinaglalaban, naging sunod-sunuran nalang ang kanyang Ina dahil isang Militar ang kanyang Ama, syempre kung sino ang haligi ng tanahan ay syang nasusunod. Kaya puro pagtatakip ang ginawa ng kanyang Ina sa t'wing nagkakaroon sya ng problema.
"Maraming salamat Fritz, ngayon ko lang nalaman ang lahat", aniya ni Rona. "Walang anuman, dapat nga si Tita sana ang mag kwento sayo nito kaya lang sinabi ko na sayo baka kasi magalit ka pa sa akin, total okey lang din naman kay Tita. Isa pa malalaman mo din naman ang lahat balang araw", tugon ni Fritz. Tumango lang si Rona sinyales na sumang-ayon ito sa kanya.
"Basta ang importante ay mahal natin ang isa't-isa at tanggap naman tayo ng iyong pamilya lalo na ng iyong Mama", wika ni Fritz. "Pero Fritz, may problema pa akong dapat na asikasuhin pagbalik sa Amerika, hindi ko alam kung ano ang problemang haharapin ko, at hindi ko alam kung malalagpasan ko ang lahat ng ito", pagrereklamo ni Rona na may pag-alala sa mukha.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...