"Lihim ng Kahapon" (47)

131 5 0
                                    


Ika-Apatnaput Pitong Kabanata:

SURIGAO CITY HOSPITAL – Pa lakad-lakad si Rona sa lobby ng Ospital ng dumating si Fritz. Agad itong lumapit at yumakap ng mahigpit sa nobyo ng makita nya ito. "Okey ka lang ba? Lubos ang pag-alala ko sayo" Tanong ni Fritz habang nakayakap kay Rona. "Mabuti at hindi ka nadamay sa gulo", dagdag pa nya sabay halik sa noo ng nobya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa pagka baril kay Rambie, wala akong ibang hinala na gumawa sa kanya kundi ang mga Militar", wika ni Rona. Napag-alaman din ni Rona na mainit muli ang isyu ng dating kaibigan simula noong nakatakas ito sa pagkahuli. "Hindi ko pa na kontak ang pamilya at mga kaibigan ni Rambie kaya hindi ko alam kung saan ko ihahatid ang kanyang bangkay", pagpapatuloy nya.

Kahit na matagal ng hindi sila nagkikita at nagkaka-usap ni Rambie at Fritz nalungkot din ito sa pagkamatay ng kanyang dating kaibigan. Alam nyang mabait ito at walang hinahangad kundi ang tunay na kapayapaan at pantay-pantay na pagkilala sa lahat ng antas ng buhay sa ating lipunan. Naalala pa nya ng minsan silang nagkita ni Rambie noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

"Maraming salamat sa tulong mo kaibigang Fritz", aniya ni Rambie, ang dalawa ay nasa loob ng isang tent kung saan doon naka imbak ang lahat ng mga donasyong pagkain. May dala itong singkwentang sakong bigas at iba pang mga canned goods. "Walang anuman kaibigang Rambie, kahit hindi na ako aktibo sa ganitong gawain ay handa pa rin akong tumulong, binago ni Rain ang pananaw ko sa buhay noong minsan tayong magkasama sa mga medical missions natin noon", pagpapaliwanag ni Fritz.

"Sa katunayan ay saludo ako sa mga katulad ninyo na tagalang nilaan ninyo ang inyong buong panahon sa ganitong pagtulong sa kapwa". Dagdag pa ni Fritz. "Kahit sino naman ay pwedeng tumulong at magsilbi sa ating bayan", pag sang-ayon naman ni Rambie. "Salamat sa pagpunta at pagdala ng iyong donasyon, malaking tulong ito sa mga nasalanta ni bagyong Yolanda", tugon ni Rambie sa kaibigan. "Basta nandito lang ako kung kailangan ninyo ng tulong ko", aniya ni Fritz.

"Isang tunay na bayani ang dati nating kaibigan, kung saan man sya ngayon alam kong masaya sya. Sana nga lang makamit nya ang hustisya kung sino man ang pumatay sa kanya!" wika ni Fritz sa nobya. "Sana, ipagdasal nalang natin ang kanyang kaluluwa", pag sang-ayon ni Rona.

Ang dalawa ay nakaupo sa labas ng morge ng may napansin syang babaeng paparating. Nagkataon namang papunta ng banyo si Fritz kaya hindi na nya nakita si Joan. Naka long sleeves ito at naka pantalon, may shades ang kanyang mga mata at naka suot ng sombrero. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil ramdam nyang si Joan ito. Agad syang tumayo at sinalubong ang babaeng paparating.

"Miss! Miss! Excuse me!" Tawag nya kay Joan na tuloy-tuloy ang lakad papuntang nurse station. Bigla nyang naalalang hindi nga pala sya kilala nito dahil sa pagbago ng kanyang pisikal na anyo. "Joan!" Pag tawag nyang muli. Napahinto si Joan at napalingon ng marinig ang kanyang pangalan. "Yes po! Ako ba ang tinatawag ninyo?" sagot ni Joan. Agad na lumapit si Rona kung saan huminto si Joan.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong nya. "Bakit? Tungkol saan? Magkakilala ba tayo?" Sunod-sunod na tanong nya. "Saka ko na ipaliwanag ang lahat, pwedeng mag-usap tayo sa labas ng ospital?" pag-alok ni Rona. Nagtaka si Joan kung bakit sya kilala ng babaeng ito, hindi nya ito kilala at kahit kailan ay hindi pa nya ito nakita. Ramdam nyang may kinalaman ito sa pagkapatay ni Rambie, kaya't sinundan nalang nya si Rona palabas ng Ospital.

Matapos makabili ni Rona ng yosi ay nagtungo ito sa smoking area na nasa gilid ng gusali ng Ospital. "Sino ka ba talaga?" Agad na tanong ni Joan. "Mag yosi ka muna", pag-alok ni Rona sabay abot ng sigarilyo sa kanya. "Buntis ako! Hindi ako pwedeng mag yosi", pag tanggi nya. "Talaga? Pasensya ka na, hindi ko alam", tugon ni Rona sabay patay ng yosing kanyang hinihithit dahil masamang malanghap ni Joan ang usok ng sigarilyo. Hindi nya alam kung paano magsisimula, kumuha muna sya ng lakas ng loob bago nagsalita.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon