Ika-Dalawampu't Isang Kabanata:
DALI daling lumabas ng gusali si Rain, gusto nyang magwala, sumigaw at umiyak ng malakas na malakas ngunit hindi nya magawa. Patuloy ang pag daloy ng mga luha sa kanyang mga mata, halos lahat ng mga taong nakakita at nakasalubong nya ay nagtaka sa kanya.
Lumilipad ang kanyang utak, hindi nya alam kung saan pupunta, gusto nyang makaalis agad sa lugar na iyon, ngunit wala ding bakanteng taxi na kanyang nakita sa paligid, tila ba'y hindi nakikiramay sa kanya ang panahon at pinapahirapan pa sya lalo, kaya nagmadali nalang itong naglakad sa gilid ng gusali dahil alam nyang susundan sya ni Fritz.
Nang makatawid sa kabilang kanto ay may nakita syang taxi, agad nya itong pinara at nagpahatid sa isang inuman, dinala sya ng taxi driver sa isang bar sa Makati City.
Pagka pasok sa loob ay agad syang nag tungo sa counter at kumuha ng order. Pilit nyang kinakalma ang sarili at iniisip kung ano ang gagawin. Hindi nya malimutan ang eksena kanina, preskong-presko pa rin ito sa kanyang isipan.
Sobra syang nasakatan sa nakita. Napatunayan nyang mas mahal nga nya si Fritz.
Naisip nya si Chris. Agad nyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang binata, ngunit naka off ito. Si Josein nama'y nasa airport ngayon at sinundo si Mark. Wala na syang ibang naisip na pwedeng dumamay sa kanya kundi si Rambie.
NAGMAMADALING lumabas ng kwarto si Fritz ng mapansin sya ni Hannah na nakatayo sa may pintuan at naka harang. "Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga. "Don't tell me hahabulin mo siya!" dagdag pa niya na si Rain ang tinutukoy. Hindi kumibo si Fritz at tuloy-tuloy ang lakad nya papalapit sa pintuan.
"For God sake Fritz! Anong meron sya na wala ako?" sigaw pa nya. "That Rain? Sya ba ang nasa puso mo kaya hindi mo ako magawang mahalin?" pagpapatuloy nya. "Fuck!" malakas na sigaw ni Hannah.
"Ginawa ko na ang lahat diba? Ano pa ba ang kulang?" Pagwawala ni Hannah. "Kahit nga alam kong hindi mo ako gusto, umaasa pa rin akong mapansin mo", dagdag pa nya.
"Fritz, mahal kita!" Pag amin ni Hannah. Nanlaki ang dalawang mata ni Fritz sa narinig. Hindi sya nakakibo dahil hindi nya alam kung ano ang sasabihin.
"Please don't leave!" Pagmamakaawa ni Hannah sabay hawak sa mga braso ni Fritz. Ngunit nagpupumilit pa rin si Fritz na maka labas ng condo nya.
"Please Han, saka na tayo mag-usap and you may go now, but if you want to stay here, you can", wika ni Fritz. Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Hannah sa mga nangyari, palpak ang plano nya at malamang ay hindi na mauulit pa, kaya nag pasya na syang umalis na din sa lugar.
"Putang Ina mo Fritz! I'll go ahead! And I won't stay here alone!" galit na banggit ng dalaga, dali-dali nyang kinuha ang bag nya saka tuluyang umalis. Nakahinga ng maluwag si Fritz ng umalis si Hannah. Tinatawagan nya si Rain ngunit hindi ito sumasagot.
"Please Ulan, sagutin mo naman ang tawag ko!" aniya ng kanyang isipan. Tumatakbo ito papuntang elevator at ng maka labas sa gusali ay hindi na nya nakita pa si Rain. Bigla syang nanlumo at biglang nanghina ang buong katawan nya.
Ngayon lang sya nakaramdam ng sakit, gusto nyang umiyak at ipagsigawang mahal nya si Rain. Matagal na panahon nya itong hinintay na magkita sila ngunit pumalpak pa.
Gusto nyang sisihin ang sarili ngunit huli na ang lahat. Hindi na nya alam kung saan hahanapin si Rain. Maraming beses nya itong tinatawagan ngunit hindi talaga sumasagot si Rain.
Pa lakad lakad ito hanggang sa sya'y napadpad sa isang bar. Tinawagan nya si King na nooy hindi pa naka alis ng bansa.
"King, pare nasaan ka?" tanong ni Fritz. Nasa loob na ito ng bar naka upo at umiinom ng beer. "Kakarating ko lang ng bahay pare, bakit anong nangyari?" agad na sagod ni King sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...