Pang-sampung Kabanata:
SURIGAO CITY – Natataranta ang pamilya ni Rain ng malamang nahuli sya at nakakulong sa San Miguel Police Station. Malaki ang paniniwala ng kanyang Ina na ang pagiging aktibista ni Rain ang dahilan ng lahat. Alam nyang kumikilos ang anak sa loob ng University at minsa'y nakikita nya ito sa lansangan, nakikibaka kasama ang mga mangagawa't magsasaka ngunit hindi nya iniisip na isang rebelde ang anak.
Siguro nga ay tumutulong ito pero hindi ibig sabihin na kabilang na sya sa sinabing rebelde ng ating lipunan. Hindi nya tuloy maiwasang isipin na baka si Rain ang magpapatuloy ng kanyang nasimulan. Dating lider studyante si Lita sa Public University na pinapasukan nya, matapang na aktibista at kalaunay naging rebelde.
Halos limang taong din syang namumundok dala-dala ang adhikaing makamtan din ng bawat Pilipino ang tunay na kalayaan at kapayapaan. Ngunit noong nagkasakit ang kanyang Ama, kailangan nyang umuwi para alagaan, dahil abala ang Ina sa pagtatrabaho bilang empleyado ng kanilang Munisipyo.
Mag-isang anak si Lita kaya wala ng ibang mag-aalaga pa sa kanyang Ama, ngunit makalipas ang ilang buwan ay binawian din ng buhay ang kanyang mahal na Ama. Hindi na pumayag pa ang kanyang Ina na bumalik si Lita sa bundok, at hiling din ito ng kanyang Ama bago namatay na samahan ang kanyang ulilang Ina.
Nagtapos si Lita ng Elementary Education sa isang Public University sa bayan ng Carrascal. Habang nagtuturo sya sa kanilang bayan doon nya nakilala ang Papa nila Rain at Tyrone, si Tiko, isang military na naka base sa bayan nila. Gwapo si Tiko, matangkad, maganda ang mata, kayumanggi at higit sa lahat ay napakabait.
Masugid nya itong manliligaw, halos araw-araw itong pumupunta sa bahay nila at nililigawan ang kanyang Ina. Kalauna'y nahulog na din ang loob ni Lita sa kanya kaya pumayag na syang ligawan. Hindi nya lubos maisip kung bakit sya umibig sa taong tinuturing nyang kalaban.
Kaya ng mabalitaan ng kilusan ay binabawalan muna syang makipag ugnayan sa kanila dahil nga isang military ang kanyang napangasawa. Alam ni Tiko ang kanyang nakaraan ngunit ni minsan ay hindi ito nag sumbong sa mga pulis. Ganun nya ka mahal si Lita.
Hindi rin ito alam ng kanyang mga anak dahil wala namang dahilan para malaman nila ang kanyang nakaraan, tanging si Tiko lang ang may alam. Kaya mula ng malaman nyang aktibo ang anak na si Rain ay hinayaan nya lang ito dahil naiintindihan nya kung ano ang pinaglalaban ang anak. Hindi nya ito pinaalam sa kanyang asawa dahil alam nyang pagbabawalan lang ang anak.
"Tiko, kailangan mong tulungan ang anak mo, nakakulong ito ngayon sa San Miguel Police Station, may suspetsang sumusuporta ito sa mga rebelde", paki-usap ni Lita sa asawa na napapaiyak na. "Naka-usap ko na ang anak mo, kaya h'wag ka ng umiyak at ginagawan ko na ng paraan", aniya ni Tiko na nasa kabilang linya halatang galit na galit ito ngunit mahinahon paring nakikipag-usap sa asawa.
"Suspetsa pa lang naman at hindi naman rebelde ang anak mo", pagtanggol naman ni Lita sa anak. "Kahit na, actual na nakita ng mga militar na ginagamot nya ang rebeldeng sugatan at isa pa tagpuan ang lugar na iyon ng mga rebelde, paano napunta ang ank mo doon?", dagdag pa nya.
"Porke't tumutulong eh rebelde na agad?" pagmamatigas ni Lita, dahil alam nyang hindi ganun ang kanyang anak. "Yang anak mo talaga may pinagmanahan!" tugon ni Tiko saka pinutol ang telepono.
TALISAY CITY – "Congratulations Fritz! Job well done", aniya ni Engr. Jacobe na nakikipag kamay sa kanya sabay abot ng envelope laman ang performance grade ng OJT nya. Last day of duty na ni Fritz ngayon bilang intern ng kanilang kumpanya.
"Thank you so much po Engr. Jacobe", aniya ni Fritz na sobrang tuwang-tuwa sa grades na binigay sa kanya ng makita. "You deserved it, the fact magaling ka, kaya pagbutihin mo pa", dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...