Ika-Tatlumput Siyam Na Kabanata:
TatlongTaon ang nakalipas....
LOS ANGELS, CALIFORNIA - Napuno ng tuwa at saya ang maliit na condo unit nila ni Dino at Rain ng magsipagpuntahan ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan upang pagpugayan siya. "Congratulations Rain!" bati ng kanyang Tita Emmie sabay humalik at yumakap sa pamangkin. "Finally natapos mo din! I am so happy for you!" dagdag pa nya.
"Thank you po Tita, sa wakas at natupad ko na din po ang aking pangarap na maging Doctor!" tugon naman ni Rain na gumanti din ng mahigpit na yakap. Yakap na sana'y para sa kanyang mahal na Ina, Ama at Kapatid. Naging emosyonal pa nga ito at maluha-luha ang kanyang mga mata ng maalala ang kanyang pamilya na sana'y kasama nyang nag celebrate ngayon.
"I am so proud of you Couz!" wika ni Keana na nakipag beso-beso sa kanya. "Ikaw na talaga! Ikaw na ang may bagong career, may seryosong jowa at ikaw na ang pinagpala ng lahat ng birheng maria! Sayo na lahat napunta ang grasya habang ako'y nagluluksa!" pagbibiro pa nya sabay tawanan ang dalawa.
"Salamat Couz! Ano ka ba, nagkataon lang. But Thank God talaga! At alam ko na ang nangyari sayo. Hayaan mo na darating din ang lalaking nakalaan para sayo, basta't maghintay ka lang", aniya ni Rain na niyakap ang pinsang nagdadalamhati ngunit wala naman sa kanyang hitsura. Alam nya kung gaano kasakit ang nararamdaman ng pinsan dahil minsan na nya itong napagdaanan.
Habang abalang kumakain ng hapunan ang kanilang mga bisita at kamag-anak ang dalawa nama'y nagpunta sa balcony at nagpapahinga saglit. "Good job Rain! Congrats again! I am the proudest boyfriend tonight!" wika ni Dino na nagnakaw pa talaga ng halik sa kanya. May hawak-hawak itong dalawang baso ng wine, binigay kay Rain ang isa. "Thank you mahal! Thank you for everything! I love you!" sagot naman ni Rain na gumanti ng yakap sa nobyo. "Cheers!" bulalas ni Dino. "Cheers!" sigaw naman ni Rain sabay taas at umpog ng kanilang mga hawak na baso saka uminom.
"It's about time na siguro upang paghandaan na natin ang ating kasal", suhestiyon ni Dino na nakatitig sa maamong mukha ni Rain. Gumanti lang din ng ngiti si Rain sa kanya bago nagsalita. "Masaya naman tayo kahit hindi pa tayo kasal, right?" aniya ni Rain habang nakahawak sa dibdib ni Dino. "But being officially married is a big way different! Aren't you dreaming for it?" tugon ng binata na may lungkot sa kanyang mukha.
"Of course I do, I do! Pero wala pa akong work, we need to save and plan it well! The fact kailangan ko munang ayusin ang problema ko sa pamilya ko, especially my Dad", pagdadahilan ni Rain, na ang totoo naman talaga ay hindi pa sya sigurado sa alok ni Dino. "We can fix it together my love! If you like I'll come with you kung uuwi ka ng Pilipinas para makilala ko ang parents mo", sagot ni Dino.
Napaatras si Rain sa narinig, alam nya kasing seryoso ito sa kanyang mga sinasabi. Sa oras na sumang-ayon sya sa balak ni Dino hindi ito magdadalawang isip na gagawin ang gusto nito. Kaya iniba nya agad ang atensyon ni Dino, hinaharot nya ito hanggang sa bumigay na nga ang binata at hindi na nangulit pa.
Napakaganda ng tanawin sa paligid, iba't-ibang kulay ng ilaw ang kumikinang-kinang at tila ba'y napaka perfect time para sa isang romantic moment nilang dalawa. Lumipat ng pwesto si Dino, nasa likuran siya ni Rain habang kinulong nya sa kanyang mga bisig ang nakatayong si Rain. Kahit malamig ang dampi ng hangin sa katawan ni Rain tila ba'y may kung anong init ang nananalaytay sa kanyang katawan na may kakaibang liyab ng apoy.
Kalaunay naging malikot na ang mga dila ni Dino at kung saan-saang sulok na ng kanyang leeg ito naglilinis. "Ssssshhhh. Dino, not now", pag reklamo ni Rain na kahit gusto nyang gawin ay hindi pwede. "Don't mind them, tayo lang ang tao dito", sagot naman ni Dino na nakatutok ang bibig sa kanyang tenga sabay halik. Napapakagat labi nalang si Rain ng maramdamang tumitigas na ang Junjun ng kanyang nobyo habang himas-himas nya ito.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...