"Lihim ng Kahapon" (23)

165 7 0
                                    

Ika-Dalawamput Tatlong Kabanata:

KASALUKUYAN.... Paki review ang Chapter 14.. 😉

ISAW NI KADING RESTAURANT – "Fritz!" sigaw ni Rona sabay tulak ng labi ni Fritz na dumampi sa mga labi nya. Napahiya si Fritz sa kanyang ginawa, ang akala nya'y na miss ito ni Rona tulad ng kanyang inaakala.

"I am so sorry! Na bigla lang ako", wika nya sabay dumistansya kay Rona. Hindi maipaliwanag ni Rona kung bakit pero parang nakuryente sya sa mga halik ni Fritz. "Pasensya ka na rin, na bigla lang din ako", sagot naman ni Rona.

"Naku madaling araw na pala", pag-iba ni Rona ng usapan. Totoo din naman talaga halos mag alas dos na ng umaga hindi lang nila namalayan. "Oo nga, inumaga na tayo", tugon naman ni Fritz sabay tingin sa relos nya.

"Paano, sa susunod nalang nating pagkikita", aniya ni Fritz. "Teka kailan pala ang balik mo sa Amerika?" tanong pa nya. Pa simpleng naka ngiti si Rona na naka tingin kay Fritz bago nagsalita. "Medyo matagal-tagal pa naman, dito muna ako para makasama ko ang Mama", sagot nya.

"Salamat nga pala", banggit ni Fritz. "Salamat din at nagkita tayong muli, akala ko hindi na kayo dito nakatira", aniya ni Rona. Hindi maipinta ang tuwa't sayang nadarama ni Fritz, kahit may ibang mahal na si Rona, umaasa pa rin syang sana'y maibalik sa dati kahit ang kanilang pagkakaibigan man lang.

Halos magka sunod lang silang umalis sa lugar. Hindi maipaliwanag ni Rona kung bakit, ngunit may mga ngiting namumuo sa kanyang mukha. Aminado syang na miss nya si Fritz, at sa di maipaliwanag na dahilan naging interesado sya ng malamang binata pa rin ito hanggang ngayon.

TANGHALI na ng magising si Rona. Agad nyang kinuha ang cellphone upang tingan kung anong oras na. May na tanggap syang text message galing kay Fritz. "Good morning Ulan! Salamat nga pala kagabi, napasaya mo akong muli", ito ang nakasulat na mensahe.

Napangiti bigla si Rain at sa tagal ng panahon ngayon lang sya muling nakaramdam ng kilig. Hindi nya muna ito ni-replyan baka kasi iba ang iisipin ni Fritz. Kahit pa friendly text lang ito ngunit iba sa iniisip nya.

"Good morning Ma!" bati ni Rona pagka labas ng kanyang kwarto. Napatingin sa orasan ang Ina saka tumingin kay Rona. "Tanghali na kamo!" pag saway ng Ina. "Tinanghali na pala ako ng gising!" pagbibiro nya sabay tawa. Lumapit ito sa Ina at umupo sa tabi nya.

"Kumain ka na muna, kakatapos lang naming kumain ni Tyrone, sinilip kita kanina sa kwarto mo kaya lang napaka himbing ng tulog mo kaya hindi na kita inistorbo", wika ng Ina. "Inumaga ka na yata ng uwi mo kagabi ah", dagdag pa ng Ina.

"Napadami ng kwentuhan si Fritz kaya kami inumaga", sagot naman ni Rona. Tumayo ito at nagtungo sa mesang may mga pagkaing naka handa. "Sya ba yong schoolmate mo na minsa'y dumalaw dito?" Tanong ng Ina.

"Opo Ma, sya nga yon", tugon nya. Tumayo ang Ina at lumapit sa kanya. "Alam mo anak, noong nasa Amerika ka na nagpunta sya dito sa bahay at hinahanap ka", pag kwento ng Ina. "Dati mo ba syang karelasyon?" tanong ni Lita.

Nanlaki ang dalwang mata ni Rona sa tanong ng kanyang Ina. "Bakit mo naman natanong yan Mama?" aniya ni Rona. Nakatingin ito sa kanyang Inang nakatayo sa harap nya. "Eh, kasi madalas syang magpupunta dito at makipag kwentuhan, sa katunayan kinuha pa nga nya ang numero at buong address mo sa Amerika.

Bigla syang naka ramdam ng galit sa sarili. Gumawa pala ng paraan si Fritz upang ma kontak sya, ngunit hindi nya ito naisip. Mas nanaig kasi ang galit nya kesa marinig ang paliwanag sana ni Fritz. Simula kasi noong huli nilang pagkikita sa condo nya ay agad syang nagpalit ng e-mail address at lahat ng social accounts nya. Ngunit bakit wala syang natanggap man lang na sulat galing kay Fritz o di kaya tawag?

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon