"Lihim ng Kahapon" (9)

219 9 0
                                    

Pang-siyam na Kabanata:

SAN MIGUEL – Isang field works ang trabaho na naka assign kay Rain kasama si Rambie at iba pang mga volunteers. Nagpupunta sila sa mga malalayong lugar ng San Miguel upang mangunsulta at mamimigay ng gamot pangkalusogan. 

Seryoso si Rain sa pagtulong lalo na sa mga taong mahihirap, sa katunayan minsan doon sya mag stay ng ilang araw para lalo nyang masubaybayan at maalagaan ang mga taong nagkakasakit lalo na ang mga bata sa kumunidad.

Aktibo din sya sa pagsama kay Rambie na sumusuporta sa hanay ng mga rebelde. Ito ang isa sa dahilan kung bakit pinili nya ang lugar na ito, dahil gusto nyang maranasan ang buhay ng mga nagtatago sa mata ng gobyerno.

Dito nya lalo naintindihan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa din ang kanilang pakikipaglaban dahil sa bulok na sistema ng ating lipunan. Naniwala silang balang araw ay makamit din nila ang tunay na kalayaan at kapayapaan ng bawat Pilipino.

TALISAY CITY – Maaga pa lang ay dumating na si Fritz sa kumpanyang papasukan nya pansamantala. Naghihintay ito sa receiving area habang hinihintay ang pag dating ng HR ng kumpanya. Maya maya ay may pumasok na magandang babae, halos kasing tangkad nya ito malamang ay nasa 5'6" ito kase nasa 5'7" sya.

Maikli ang buhok nito na bagay na bagay sa kanyang itsura. Naka slacks ito ng light brown, tapos long sleeves na dark blue na fitted sa kanyang katawan at high heels na tama lang ang tangkad. Ngumiti ito sa kanya ng dumaan sa reception area.

Siya ang HR na hinihintay nya, si Hannah. Fresh graduate ito ng BS Psychology sa isang kilalang University sa Cebu City at nag-aaral ng MA. Mas matanda ito sa kanya ng isang taon, dalaga pa at ang alam nila ay hindi ito tumatanggap ng mga manliligaw ngunit may tinatagong secreto sa buhay.

"Mr. Guardalupe!" tawag ng receptionist sa kanya. "Sir, pasok na daw po kayo sa HR office", dagdag pa nya sabay turo kung saan ang opinina ng HR. Kumatok muna sya bago pumasok sa loob.

Pagkapasok ay nagulat sya sa kanyang nakita. Hindi nya akalaing ang babaeng dumaan kanina na ubod ng ganda ay makakausap nya. "Come in, Mr. Guardalupe", aniya ni Hannah na nakatingin sa kanya. "Good morning Ma'am", bati ni Fritz sabay abot ng kanyang kanang kamay. "Good morning too, have a seat please", sagot naman ni Hannah na nakipag kamay din sa kanya.

Para ba syang nakuryente ng mahawakan ang kamay ni Hannah at halatang lutang na lutang ang kanyang isipan. "So, ikaw yong ni refer ni Kuya Martin na mag OJT dito?" tanong nya kay Fritz. "Yes po Ma'am. Ako nga po", mahinahong sagot nya. "Just call me Hannah", banggit nya kay Fritz.

Habang nag-uusap sila hindi maiwasang mapatitig si Hannah sa kaharap, ayaw man nyang aminin ngunit gusto nya ang tipo ni Fritz, at hindi naman maipagkailang gwapo talaga ito.

Hindi nya alam kung bakit sa daming lalaking nagkakagusto sa kanya na mga tisoy din naman kay Fritz sya nagkaroon ng interest. Pagkatapos nilang mag-usap ay agad syang hinatid ng receptionist sa opisina ni Engr. Alfe Jacobe, doon sya magtatrabaho bilang assistant engineer.

Madalas na ang panglalandi ni Hannah kay Fritz. Minsa'y niyaya nya itong kumain ng lunch sa baba ng kanilang building, syempre kailangan niyang makisama lalo na't HR pa ito ng kumpanyang pinapasokan nya. "Fritz, I just want to be honest with you, type kita!" deretsong pag amin ni Hannah.

Hindi na nagulat si Fritz sa narinig dahil halatang halata naman sa mga ikinikilos ni Hannah mula ng magkita ang mga landas nila. "Oh! Thank you, maganda ka din naman", sagot naman ni Fritz sa kanya. "Pero, h'wag mong seryosohin dahil wala pa akong balak na ligawan ka", pagbibiro ni Hannah sabay halakahak.

Napatawa na din si Fritz sa mga sinasabi ni Hannah, kalog din pala itong kasama. Nagyaya pa nga ito na mag bar minsan kasama ang mga ka-trabaho nila.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon