"Lihim ng Kahapon" (36)

126 4 0
                                    

Ika-Tatlongput Anim na Kabanata:

SURIGAO CITY MEDICAL HOSPITAL - Dead on arrival si Julio ng dumating sa Ospital. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin na wala na ang kanilang mahal sa buhay. Napag desisyonan ng kanyang pamilya na iuwi agad ang labi ni Julio sa Cagayan de Oro City. Hindi matanggap ni Betty ang nangyari sa kanyang mahal na Asawa lalo pa na hindi pa rin sila nagkaayos man lang ni Elvie bago ito namatay.

"Mama, hindi ka man lang ba dadalaw sa libing ni Tito Julio?" tanong ni Fritz sa Inang naka upo sa may bintana sa loob ng kanilang kwarto malalim ang iniisip at malayo ang mga tingin. Walang kibo ang kanyang Ina, tulala ito at hindi pa rin makapaniwala. Kung hindi dahil sa galit nya inisip nyang baka buhay pa hanggang ngayon ang dating nobyo. "Mama, patay na yong tao bakit hindi mo pa sya kayang patawarin?" dagdag pa ng kanyang Anak na lumapit at umupo sa harapan nya.

Tumayo si Elvie at uminom ng tubig saka inaalala ang nakaraan:

"Elvie, kailangan mong makaalis pansamantala dito sa Pilipinas sa lalong madaling panahon", wika ni Julio na halatang nag-alala sa kanyang nobya. "Mainit ka sa mata ng mga Militar ngayon, kailangan mong magpalamig muna, dahil paniguradong hindi ka bubuhayin kung mahuli ka nila!" dagdag pa ni Julio. Kasama kasi si Elvie sa mga sumugod na bombahin ng mga rebelde ang isang Banana Plantation sa Davao ng napabalitang hindi ito nagbibigay ng tamang pasahod sa kanilang mga empleyado.

"Ngunit paano? Hindi ko alam kung papayagan ako ng kilusan na bumaba, at paano ka? Paano tayo?" sagot naman ni Elvie. Ang dalawa ay palihim na nagkikita sa loob ng simbahan ng magkaroon ng pagkakataon. "Kung hindi ka rin naman aalis sa pagiging rebelde mo walang mangyayari sa relasyon natin", tugon ni Julio.

"Kailan ka pa ba titigil sa pagiging rebelde mo? Paano na ang mga pangarap natin? Elvie matagal na akong naghihintay sayo, ang sabi mo dalawang taon ka lang doon, bakit umabot ng tatlong taon?" panunumbat pa nya. "Alam mo ang dahilan kung bakit nanatili parin ako sa bundok, hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin, akala ko ba'y naiintindihan mo ako", sagot naman ni Elvie sa nobyo tumayo ito at pa lakad lakad.

Si Elvie at Julio ay magkarelasyon na simula pa noong nag-aaral sila sa kolehiyo. Magkaiba nga lang ang kanilang papanaw sa buhay si Elvie ay isang studyanteng aktibista habang si Julio nama'y nag-aaral ng Criminology at ng magtapos ay pumasok ito sa PMA. Pumayag naman si Julio na mamundok si Elvie sa isang kondisyong babalik sya matapos ang dalawang taon. Si Elvie ang natahasang makikipag usap sa mga kaalyado sa lungsod upang humingi ng suportang pang medical.

"Gumawa ka ng paraan na makaalis ka kaagad sa kilusan. Sabihin mong mag masteral ka sa US!" wika ni Julio. "Hindi ganun ka dali ang lahat Julio, pero sige gagawan ko ng paraan", sagot ni Elvie. "Kung talagang mahal mo ako, gagawin mo para sa ating kinabukasan. Mahal na mahal kita alam mo yan kahit pa na magkaiba tayo ng mundong ginagalawan", aniya ni Julio, lumapit ito sa dalaga at yumakap ng mahigpit. "Mahal na mahal din kita Julio, lage mong tatandaan yan", bulong nya sa binata.

Pagkatapos nyang maalala ay bigla nalang uli syang napaluha. Nagtungo sya sa kama at kumuha ng tisyu.

"Anak, matagal ko na silang napatawad. Hindi ko lang maiwasang magalit ulit noong nalaman kong sila pa ang mga magulang ni Hannah. Hindi ko alam kong pinaglalaruan ba ako ng tadhana o ito na ang paraan upang mag tagpo muli ang aming mga landas sa matagal na panahong hindi na kami nagkikita", mahinahong banggit ni Elvie, kalmado na ito ngayon hindi tulad ng dati. "Ngunit wala na sya", pagpapatuloy pa nya at dahan dahang nahuhulog ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Lumapit si Fritz at niyakap ang Ina. "Ma, kung gusto mong dumalaw sa libing ni Tito Julio sasamahan kita, panahon na para magkaayos kayo ni Tita Betty", wika ni Fritz sa Ina. Tumango lang si Elvie hudyat na pumayag sya sa alok ng Anak at yumakap ito ng mahigpit sa kanya.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon