"Lihim ng Kahapon" (48)

142 7 0
                                    


Ika-Apatnaput Walong Kabanata:

SAN MIGUEL, SURIGAO DEL SUR – Bago pa mang tuluyang umalis sa lugar sina Rona at Fritz ay inimbitahan sila ng mag asawang Ka Laya at Ka Lawin sa isang malayong lugar kung saan sila nagtatrabaho bilang mga Doktor sa mahabang panahon. Isang NGO ang sumusuporta sa kumunidad na hinahawakan ng mag-asawa.

"It's been a while na hindi na ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar, malayo sa gulo at tahimik na namumuhay ang mga tao dito. I guess it's more than ten years now, kaya sobrang miss ko ang ganitong lugar", pag kwento ni Rona habang malayo ang mga tingin sa kabundukan. Tila bumabalik muli ang mga masasayang araw kung saan ganitong klase ng buhay ang meron sya dati bago pa man sya nanirahan sa Amerika. Malayo sa maraming tao at simple lang ang pamumuhay.

Naantig muli ang kanyang puso na pagsilbihan ang ganitong klase kumunidad kung saan tila kinalimutan na ng ating pamahalaan. Lalo na ngayong totoo na talagang magkarelasyon na sila ni Fritz nais nya lang makasama ang mga mahal sa buhay at ang masa. Tanging problema lang nya ay kung paano nya ipagtapat kay Dino ang tungkol sa kanilang dalawa, sa ngayon hindi na nya ito iniisip muna dahil sa ngayon isa lang ang alam nya, masaya syang kasama si Fritz.

"Dahil sayo nabago mo ang pananaw ko sa buhay, kung dati ay wala akong pakialam sa mga nangyayari, ngunit mula ng makilala kita during our college days at magkasama pa tayo sa isang organisasyon, at lalo na noong muntikan na tayong mahuli ng mga Militar, lalo ako naging matapang." Aniya ni Fritz habang hawak-hawak ang kamay ng nobya.

"Ikaw din ang nagbigay ng lakas ng loob para harapin ko ang lahat ng hamon sa buhay sa kabila ng lahat. Dahil ramdam kong tanggap mo ako kung sino at kung ano ako, kahit pa hindi man natin nasabi sa isa't-isa ang tunay nating nararamdaman noon, alam kung nag-uusap na ang ating mga puso". Nakangiting sagot ni Rona sabay yakap sa kanya.

"Kung dati rati ay hindi ko man masabi sayo ang tunay na tinitibok ng aking puso, ngayon ay kaya ko ng ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal kita Ulan! Patawad kung dati ay naging duwag ako at hindi man lang kita naipaglaban sa mga magulang ko, pero ngayon kaya na kitang protektahan, pangako yan!" Wika ni Fritz na gumanti din yakap sa kanya. "Mahal na mahal kita Ulan!" Malakas nyang sigaw, sa sobrang lakas pa nga ay nagulat ang mga ibon at sabay na nagliparan.

"Maraming salamat sa walang sawang pagmamahal kahit nilayo man tayo ng tadhana sa matagal na panahon. Pangakong pagsisilbihan kita at ang Anak mo, mamahalin ko kayo sa habambuhay", tugon naman ni Rona. "Mahal na mahal din kita Mr. President!" Malakas ding bulalas nya.

Kung titingnan mo ang dalawa tila ba'y nanumpa na sila sa isa't-isa, marami man silang pinagdaanan sa buhay ito ngayon ang dalawa, muling nagmamahalan at nangakong hindi na iiwan ang isa't-isa.

"Aba'y may kasalan na palang nagaganap dito, hindi man lang kayo nagpasabi para may maka saksi sa inyo", pagbibiro ni Dok Laya sa dalawa. Kakatapos lang nyang mag bahay-bahay para tingnan ang mga batang kakapanganak pa lang. Habang si Dok Lawin naman ay abalang nag handa ng kanilang tanghalian.

"Pwede pa naman naming ulitin Dok, diba Ulan?" Pagbibiro naman ni Fritz sabay tawanan ang tatlo. "Tama po si Fritz Dok, pwedeng pwede talaga! At syempre kayo ni Dok Lawin ang aming mga saksi!" Pag sang-ayon naman ni Rona sabay tawanan muli ang tatlo. "Naku, walang problema! Makakaasa kayo!" Tugon naman ni Dok Laya sa kanila.

"Maiba tayo, babalik ka pa ba ng Amerika?" Tanong ni Dok Laya kay Rona. "Nangangailangan kasi kami ng volunteers na tutulong sa isang proyekto namin sa kabilang bayan", Pagpapatuloy ni Dok Laya. "Kailangan namin ang katulad mo Dok Rona, sana pag-isipan mo", dagdag pa nya.

Nag-isip muna ng malalim si Rona bago sinagot ang alok ni Dok Laya, tila naguguluhan pa sya kung ano ang dapat na gawin, kaya si Fritz muna ang nagsalita. "Kung ano ang sinasabi ng puso mo, yon ang nararapat na sundin mo", aniya ni Fritz. "Pero kung ako ang tatanungin, syempre gusto kitang makasama kaya hihilingin ko din na sana manatili ka nalang dito sa Pilipinas kasama ko at ang mga masa", dagdag pa ni Fritz.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon