"Lihim ng Kahapon" (6)

277 9 0
                                    

Pang-anim na Kabanata:

KASALUKUYAN....

SURIGAO CITY – biglang nagising si Rona sa katok ng kanyang kapatid na si Tyrone, hindi nya akalaing naka idlip pala sya sa sobrang pagod. "Ate, naka handa na po ang hapunan", aniya ni Tyrone na nasa labas ng pintuan ng kanyang kwarto.

Dali daling bumangon si Rona para lumabas at nagtungo sa kusina kung saan nag hihintay ang hapunan. "Napasarap yata ang tulog mo anak", aniya ng kanyang Mama Lita na naka upo na sa mesa. "Sobrang pagod siguro Ma", mahinahong sagot ni Rona na tila ba'y inaantok pa.

"Halika ka na at kakain na tayo", dagdag pa ng kanyang Ina. "Kailan nga ang balik mo sa Amerika anak?" tanong niya. "Matagal pa po Ma, dalawang buwan po kasi ang bakasyon ko, kaya magkakasama-sama pa tayo", aniya ni Rona na lumapit sa Ina at yumakap.

"Eh ikaw bunso, kumusta naman ang trabaho mo?" tanong nya sa kapatid. "Ok lang naman po Ate, nakakaya pa naman", pabirong sagot ni Tyrone saka tumawa. Si Tyrone ay isang Municipal Accountant ng kanilang bayan, hindi na ito umalis sa kanilang lugar dahil ayaw nyang iwan ang kanyang Ina.

May girlfriend na ito si Ara kaya lang nasa Maynila nagtatrabaho bilang teller sa isang banko. Pareho silang nagtapos ng Accountancy sa St. Claire University at sa ngayon ay wala pa silang balak na magpakasal.

Dahil Linggo ngayon ay naghahanda sina Rona, Tyrone at ang kanilang Ina para magsimba. Pagka dating sa simbahan ay naunang pumasok ang Mama ni Rona kasama si Tyrone sa loob dahil naghahanap pa sya ng parking ng sasakyan nila.

Sa di inaasahan ay magka tabi sila ng parking ni Fritz na noo'y magsisimba din. Pagkababa ni Rona ng sasakyan, ay syang pagbaba naman ni Fritz. Biglang nagkatinginan ang dalawa.

"Hey! Good morning!" bati ni Rona kay Fritz na wagas ang ngiti sa mga labi. "Hi! Good morning too!" sagot naman ni Fritz na nakangiti din. Mag-isa itong mag simba, suot ang polo shirt na light blue, naka maong at naka shoes na bagay na bagay sa looks nya.

"You must be Rona, right?" aniya ni Fritz na nakipag kamay sa kanya. "Exactly!" sagot naman nya.

"You know what, I was trying to remember you as you told me na magkasama tayo sa SSG before during our college days, but unfortunately wala akong maalala", pagpapaliwanag nya. "Not unless nagbago ka ng name at nagbago ka ng anyo", dagdag pa nya na pabiro.

Ngumiti lang si Rona sa kanya at nakakatitig sa gwapong mukha ng binata. "I forgot to tell you something, I am really sorry for that!" tugon ni Rona. "Honestly I am Rain!" pag-amin ni Rona. Natutula at hindi nakapagsalita agad si Fritz sa nalaman.

Hindi ito si Rain na nakilala nya. Ibang-iba ito sa dating Rain. Mas gumanda ito ngayon, mahaba ang buhok na nakalugay, bagay sa suot nyang white polo shirt, skinny jeans at high heels na tama lang ang sukat.

"As in ULAN! Ikaw na ba yan?" hindi pa din sya makapanila. "Yes, Mr. President, ako nga si Ulan!" deretsong sagot ni Rona na ngumiti sa kanya. "Grabe ang transformation mo Ulan! I swear di talaga kita nakilala", aniya ni Fritz natutuwa sa nalaman.

"Mas maganda ba ako ngayon Mr. President?" pabirong tanong ni Rona. Aminin man o hindi ni Fritz talaga namang gumanda sya lalo ngayon. "Hindi lang ako makapaniwala", sagot ni Fritz.

Sabay ng pumasok ng simbahan ang dalawa ngunit magkahiwalay sila ng upuan. Nag-usap naman silang magkikita mamayang bagi for dinner para makapag kwentuhan at kumustahan.

Sabik si Rona na maka bonding uli ang Mr. President ng buhay nya, ganun din ang nararamdaman ni Fritz. Kung wala pa nga sanang misa ay nakapag kwentuhan na ang dalawa. Maalala pa kaya ni Fritz ang mga nangyayari sa kanila?

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon