Ika-Dalawampu Na Kabanata:
PATRICK & GABRIEL CONDOMINIUM – Pagkapasok ni Rain ng condo ay nakita nyang nakahiga sa sofa ang kaibigang si Josein, malamang lasing ito dahil may mga bote ng beer na nasa mesa nagkalat. Nilagay nya ang gamit sa may upuan saka nilapitan ang kaibigan at ginigising.
"Kapatid! Kapatid! Kapatid! Hoy, gising!" sigaw nya sabay tapik sa mukha nitong naglalaway pa ang bibig. Hindi pa din naimik si Josein at mahimbing ang tulog.
"Ah! Teka alam ko na, ayaw mo talagang gumising ah", wika ni Rain. Nagtungo ito sa banyo kumuha ng tabong may tubig saka bumalik sa natutulog na kaibigan at winisik-wisikan ng tubig ang mukha. Maya-maya ay nakaramdam na si Josein na basa na ang kanyang mukha. Dinilat ang kanang mata at nakitang naka bungaw sa kanya ang kaibigan.
"Ano ba yan! Istorbo ka! Tulog pa nga ang tao eh binubulabog mo na", pag rereklamo nya. Gusto nyang tumayo ngunit nahihilo sya kaya nanatili muna itong naka upo. "Aba eh, anong petsa na? Wala ka bang pasok?" aniya ni Rain. "Naka leave ako", sagot ni Josein. "Oh, ayan punasan mo yang basa mong mukha", sabay abot ng tuwalya. Tinggap ni Josein ang tuwalya at nagpunas ng kanyang mukha saka tumayo.
"Oh, dahan-dahan lang parang may amats ka pa yata!" pag awat ni Rain sa kanya. Hinawakan nya ito pinaupo sa may dinning table. "Anyare bakit ka nag lasing?" tanong niya, nagtungo ito sa kusina para ipag templa ng kape si Josein. "Gago yang si Mark eh!" sagot nya.
"Huh! Bakit? Ano ang nangyari?" aniya ni Rain, bumalik ito sa mesa dala ang kape at naupo kaharap ang kaibigan. "Ayan mag kape ka muna ng mahimasmasan ka", dagdag pa nya. "Hanggang ngayon kasi di pa din nagpaparamdam, sino bang hindi mag-alala nun?" galit na sagot nya. Mula kasi ng umuwi si Mark sa kanilang probinsya isang beses lang itong tumawag noong dumating lang doon, pagkatapos nun ay hindi na ito nagpaparamdam at saka laging off ang telepono.
"Eh, baka naman busy lang yong jowa mo, ikaw naman di makapaghintay!" tugon nya. "Kapatid mag isang linggo na, anong ibig sabihin nito?" pag reklamo ni Josein. "Ubos na mga luha ko sa kakaiyak at pagod na pagod na ang utak ko sa kakaisip kung ano na ang nangyari sa kanya, di ba nya naisip yon?" dagdag pa nya.
"Masyado kang emotera, eh alam mo naman ang sitwasyon ng jowa mo, isa pa kasama nya pamilya nya, intindihin mo nalang, magpaparamdam din yon, magtiwala ka!" wika ni Rain. "Alam mo iligo mo nalang yan, amoy kanal ka na!" pag saway nya sa kaibigan saka tumayo at nag tungo sa kanyang kwarto upang magpahinga.
Habang nakahiga sya sa kanyang kama ay naalala nya ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Chris. Di nya lubos maisip ang mga nagaganap, at bigla syang nakaramdam ng konsensya sa kanyang nagawa. Gusto naman nya si Chris ngunit bakit parang may kulang? Biglang sumagi si Fritz sa kanyang isipan.
Napatayo ito at hinanap ang pirasong papel na inabot sa kanya ni Fritz, nakalagay ito sa drawer ng mesa nya. Nang makita nya saka ito bumalik ng kama at nahiga. Iniisip nyang puntahan si Fritz bukas ng gabi sa kanyang condo.
GABI na ng magising si Chris, malamang dahil sa sobrang pagod. Lumabas ito ng kwarto at nag handa ng makain sa hapunan maya maya pa habang nagluluto sya ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Dali-dali itong nagtungo sa kwarto nya at dinampot ang telepono. Hindi naka rehistro ang numero, napaisip sya kung sino ang tumawag.
"Hello! Good evening!" mahinahong sagot nya. "Hi! Is this you Chris?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya. "Yes speaking, do I know you?" wika nya.
Lumabas ito ng kwarto at nagtungo sa kusina upang patayin ang kalang naka sindi. "Finally!" sigaw ng babae. Palaisipan pa din kay Chris kung sino ang kausap. "It's me, Mary Ann!" pagpapakilala niya na halatang natutuwa sa kausap. Napaisip si Chris kung sinong Mary Ann.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...