Ika-Apatnapu na Kabanata:
SURIGAO CITY - Isang karumaldumal na trahedya ang nangyari sa mga magulang ni Fritz. Na aksidente ang mga ito ng pauwi na sana sa kanilang bahay. Hindi nakaligtas sina Elvie at Rod sa nangyari. Nakiramay ang lahat ng kanilang kamag-anak at kaibigan lalo na ang pamilya ni Lita at Betty na dati nyang mga matatalik na kaibigan.
Dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos ng libing ng dalawa, mag-isang dumalaw si Lita sa bahay nila ni Fritz upang kausapin ito ng masinsinan dahil hindi sya mapakali kung hindi masagot ang mga katanungang naglalaro sa kanyang isipan. Mabuti nalang ay nakabalik na ng Cagayan de Oro City sina Betty kasama si Hannah at ang kanyang Anak na si Gab at si Aling Purin.
"Fritz, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, alam kong nagkikita na tayo dati, gusto ko lang malaman kung ikaw ba talaga ang dating kaibigan ng Anak kong si Rain?" deretsong tanong ni Lita sa kanya. Hindi agad naka sagot si Fritz sa tanong ni Lita, hindi nya alam kung magsisinungaling sya o aaminin nya ang totoo. Nakatingin lang ito sa kanyang mga mata saka pa dahan-dahang bumuka ang kanyang bibig.
"Tita, patawarin nyo po ako kung iniiwasan kita noong nag tagpo ang mga landas natin noong libing ni Tito Julio", paninimula ni Fritz. "Ayoko na kasing dagdagan pa ang problema ng mga panahon na yon dahil tiyak akong magkakagulo na naman lalo na't hindi pa ayos ang lahat", dagdag pa niya.
Niyaya nya si Lita na mag-usap silang dalawa sa maliit na cottage sa gilid ng kanilang bahay. "Totoo po ang lahat ng mga iniisip ninyo", pag-amin ni Fritz, nakayuko ito na tila nagi-guilty sa kanyang sarili. Tumabi si Lita at humawak sa kamay ni Fritz. "Anak, wala kang dapat na ipaghingi ng tawad, naiintindihan ko naman kaya nga hindi na ako nag-usisa pa dahil alam kong magkakagulo na naman sa panig ng Mama mo at sa akin", sagot ni Lita.
"Ang hirap Tita, hindi ko alam kong paano ko harapin ang aking sarili. Hindi ko alam kong matatanggap mo ako, dahil hindi po tanggap ng aking mga magulang ang mga nangyari sa akin, sa amin ni Hannah at sa amin ni Rain", wika ni Fritz na tuluyan ng naiyak. Ramdam naman ni Lita na may namamagitan sa kanilang dalawa ni Fritz at Rain. Hindi lang nya ito pinahalata dahil alam nyang hindi naman ito aaminin ng kanyang Anak.
"Alam kong may namamagitan sa inyong dalawa ng Anak ko dahil minsan ko ng nababasa ang mga love letters ni Rain para sayo", pag bulgar ni Lita. "Hindi ako galit dahil mahal ko si Rain at tanggap ko naman kung ano ang pagkatao nya. Kahit ang pagiging aktibista nya ay sinusuportahan ko sya ng hindi alam ng kanyang Ama", pagpapatuloy ni Lita.
"May mga sulat po si Rain para sa akin Tita?" Tanong ni Fritz na hindi makapaniwala. "Oo Anak, kaya lang nakatago sa isang maliit na box, noong umalis sya sinunog nya lahat". Mahinahong sagot ni Lita. "Naging kayo ba talaga?" Matapang nyang tanong kay Fritz. Napaisip si Fritz sa tanong ni Lita, alam nyang ito na ang tamang pahanon upang aminim nya ang lahat.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Opo Tita, may nangyari na sa amin at mahal ko po si Rain kahit hindi kami naging official na magkarelasyon, at sya po ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapakasal kay Hannah". Pag-amin ni Fritz, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan na sa wakas ay naamin na nya ang totoo.
"Alam ba ito ng mga magulang mo Hijo?" Tanong ni Lita. "Tita, alam po nila ang nangyari sa amin ni Rain ng mahuli nila kaming magkatabing natulog sa kama ko. Kaya nga lubos ang galit nila sa akin kaya pinipilit nila akong layuan ko si Rain, ngunit hindi nila alam na Anak mo si Rain, not unless kong naikwento mo si Rain sa kanila noong nagkausap kayo", sagot ni Fritz.
Naalala ni Lita buti nalang ay hindi nya naipakita ang litrato ni Rain kay ELvie noong nag-uusap silang magkakaibigan matapos ang libing ni Julio. "Actually nag hahanap ng litrato ni Rain ang Mama mo, buti nalang wala akong naipakita sa kanya. Naging interesado sya lalo na ng malaman nyang naging aktibista ang Anak ko. Naging aktibista ka rin ba?" tugon ni Lita.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...