"Lihim ng Kahapon" (5)

323 9 0
                                    

Pang-limang Kabanata:

SAN MIGUEL – Ligtas namang nakarating ang grupo nila ni Fritz sa bayan, agad silang dumeretso sa lugar kung saan gaganapin ang community projects ng SSG. Hindi nga birong puntahan ang lugar. Mahirap at delekado. Pero namangha siya sa mga tanawin at sa naglalakihang mga puno sa kabundokan, sa katunayan panay ang kuha nya ng mga litrato sa paligid.

Bago nagpahinga ay kumain muna sila ng hinandang pagkain ni Datu Otu, isa itong adobong baboy ramu, at may tinolang manok. Habang sina Rain, Fritz at Rambie ay nasa labas nakikilamuha sa mga tao. "Fritz, maraming salamat at itong lugar ang napili ninyong tulongan", aniya ni Rambie na tumingin sa kanya. 

"Saludo ako sa inyong mga adhikaing tulungan ang tulad nila", sagot naman ni Fritz na naka tingin sa mga taong nasa paligid. "Sila ang mga taong pinagkaitan ng karapatan, marapat lamang na sila ay tulungan dahil parte din naman sila ng ating lipunan", pagpapaliwanag ni Rambie.

"Mr. President sana next time sa ganitong lugar uli tayo magpunta, ang sarap sa pakiramdam ang tumulong sa ganitong klaseng kumunidad", pagpapahayag ni Rain. "Tama si Rain, Fritz lalo na pag bukas sa puso mo ang tumulong", pag sang-ayon naman ni Rambie.

Matagumpay na natapos ang kanilang community projects. Nagkaroon sila ng feeding program, dental check up, libreng patuli sa mga batang lalaki at nagtuturo sila ng mga pangunahing kaalaman paano bumasa't sumulat.

Bago umalis ay nag iwan sila ng mga goods at gamit ng mga bata sa skwelahan. Malaki ang pasasalamat ni Datu Otu at ng kumunidad, umaasa silang matutulongan muli sa susunod kung kailangan nila ng tulong.

ESTRELLA - Nagpaiwan si Rain kasama si Fritz sa bahay nila Rambie, nagyaya kasi itong pumunta sa kabilang bayan. Total wala din namang pasok kaya pumayag si Fritz na sumama sa kanila. Ang apat ay nagtungo sa bayan ng Estrella, isa itong maliit na bayan na kilalang taga suporta di umano ng mga rebelde sa lugar.

Hindi ito alam ni Fritz at wala din syang idea sa lugar. Madalas magpunta dito si Rain kasama si Rambie at ang iba pang mga kasama nila para sa community immersion ng kanilang samahan. Lalo na pag may mga okasyon tulad ng anibersaryo.

Ang lahat ng ito ay bago sa paningin ni Fritz. Mula Estrella ay bumyahe pa sila papuntang Udang, maliit na kumunidad na medyo malayo sa bayan, at walang ibang daan kundi bundok at sapa. 

"Rain, malayo pa ba tayo sa lugar, medyo pagod na ako sa kakalakad", pagrereklamo ni Fritz na halatang pagod na nga ang katawan. "Isang tawid nalang tayo ng sapa at nasa Udang na tayo, kunting tiis nalang po, Mr. President", sagot naman ni Rain sa kaibigan, hinahawakan niya ito sa braso at hinihila sa paglakad.

"Kaya mo yan, ano ka ba, ako nga kinaya ko, ikaw pa, konting kembot nalang yan", pagbibiro pa ni Rain. "Akin na ang bag mo Fritz, ako na ang magdadala para hindi ka masyadong mahihirapan", pag awat naman ni Rambie, sabay kuha ng gamit ni Fritz.

Pag tawid nga ng isang sapa ay tanaw na nila ang mga kabahayan, nabuhayan ng loob si Fritz sa nakita dahil sa wakas ay makapag pahinga na sya sa layo ng kanyang nilalakad ay pagod na ang kanyang katawan. Nang malapit na sila sa lugar ay sinalubong sila ng isang lalaking puno ng putik ang buong katawan, marahil ay galing pa ito sa kanyang sakahan.

"Maayong pag-abot kaubang Rain at Rambie!" bati ni Ka Pagak, lider magsasaka sa kanilang kumunidad. "Salamat Ka Pagak!" si Rain na ang sumagot at nakipag kamay ito sa kanya.

"Kumusta na po kayo at ang mga kasamahan ninyo? Masaya kaming naka bisita uli dito sa lugar ninyo", dagdag pa nya. "Sya nga pala siya Fritz at Joan, ang mga bago naming kaibigan", pagpapakilala ni Rambie sabay turo sa mga kasama at nakikipag kamay kay Ka Pagak.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon