Ika-Tatlumput Dalawang Kabanata:
CAGAYAN DE ORO CITY - Nang mahimasmasan na si Fritz, pumasok ito sa loob ng bahay at agad na nagtungo sa kwarto si Hannah at nagligpit ng kanyang mga gamit. Agad syang nilapitan ni Hannah ng makitang naka kalat sa kama ang kanyang mga damit.
"Fritz, what do you mean by this? Are you leaving?" tanong ni Hannah na namumugto pa rin ang kanyang dalawang mga mata. "We're leaving!" matapang na sagot ni Fritz. "Mag ligpit ka na rin ng mga gamit mo kung gusto mong sumama sa akin", utos pa nya, sabay pasok ng kanyang mga gamit sa maleta.
"Anak, paki-usap, h'wag kang umalis, mag-usap tayo, ayosin natin ito", pagmamakaawa ng kanyang Ina, pumasok din ito sa loob ng kanyang kwarto at pilit na pinipigilan si Hannah. "Ma, hindi ko alam kung ano ang tamang gawin, hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko, sa ngayon mas kailangan namin ni Fritz ang isa't-isa", tugon ni Hannah sa Ina.
"Tita Betty, mas makakabuti siguro kung uuwi muna ako sa amin kasama si Hannah, gusto kong kausapin si Mama patungkol dito", wika ni Fritz, lumapit ito kay Betty at humawak sa kanyang kamay. "Naiintindihan kita Anak, hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ng iyong Mama, patawarin nyo kami ng asawa ko", mangiyak-ngiyak pang banggit ni Betty.
"Hayaan nyo po Tita, gagawa po ako ng paraan upang magkikita at magkakausap kayong muli, lalo na ngayon magkakaroon na kayo pareho ng apo galing sa amin. Nagugulohan man ako ngayon, ngunit alam kong sa makalawa ay maiintindihan ko din ang mga pangyayari", wika ni Fritz.
"Maraming salamat Anak, sana magkaayos na kami, lalo na sila ng Tito Julio mo", mas napahagulhol si Betty ng banggitin ang pangalan ng kanyang asawa. "H'wag po kayong mag-alala Tita, darating din ang tamang panahon para magkakaayos kayo. Hindi man madali ang lahat ngunit nagagawan naman ng paraan", aniya ni Fritz.
"Mama, ikaw na ang magsabi kay Papa na umalis na kami", banggit ni Hannah sa Ina. Hanggang ngayon ay nagkulong pa rin ang kanyang Papa sa kwarto nila. "H'wag kang mag-alala Anak, ako na ang bahala sa Papa mo, mag-ingat kayo sa byahe at balitaan mo agad ako pagkadating nyo sa Surigao City", bilin ng kanyang Ina saka yumakap ng mahigpit sa Anak.
Matapos silang mag empake agad na lumabas ang tatlo sa loob ng kwarto ni Hannah. Nang tuluyan na silang makaalis ng bahay nabalot ng katahimikan ang buong kabahayan, pati ang kanilang alagang aso ay hindi na kibo tila nagluluksa din sa malungkot na mga nangyayari.
LOS ANGELES, CALIFORNIA - Nagising si Rain ng hubo't hubad ang kanyang buong katawan. May katabi syang nakabalot ng kumot ang buong katawan sa lamig ng aircon sa loob. Masakit ang kanyang ulo at mabigat ang kanyang pakiramdam, para bang nabugbog sya kagabi ng maraming beses. Dahan-dahan syang tumayo at dali-daling nag suot ng kanyang damit saka tuluyang lumabas ng kwarto.
Pagka labas agad nyang napansin ang malaking picture frame na naka sabit sa may baba ng orasan. Si Mr. Gwapo ang nasa larawan. Hindi nya akalaing na lasing na naman sya kagabi at nadiligan na naman ang kanyang halaman sa di inaasahan. Pagkatapos nyang titigan ay agad nyang hinanap ang susi ng bahay. Agad nyang kinuha ang susing naka patong sa ref katabi ang pitaka.
Pagkakuha ay agad nyang binuksan ang pintuan saka tuluyang nilisan ang condo ni Dino. Lutang ang kanyang isipan at hindi halos maalala ang mga nangyayari kagabi sa bar. Pagka labas nya ng building ay agad syang sumakay ng taxi at nagpahatid sa kanilang bahay.
Halos mag alos onse na ng umaga ng magising si Dino, wala na sa kanyang tabi si Rain. Nahihilo pa ito ng tumayo at muntikan pang matumba. "Shitttt!! Sakit ng buong katawan ko!" pagrereklamo ng kanyang isipan, saka dinampot ang kanyang mga damit na naka kalat sa sahig.
Agad syang nagtungo sa ref upang kumuha ng malamig na tubig, may napansin syang note na naka dikit sa pintuan ng ref. "Thank you! I was having fun last night and I enjoyed it! -Rain :)". Bigla nyang naalala ang mga nangyayari kagabi. Pagkatapos uminon umupo ito sa sofa at napangiti na lamang.
BINABASA MO ANG
Lihim ng Kahapon - Completed
RomanceUmuwi galing Amerika si Rona para sa libing ng kanyang namayapang Ama na matagal ng may tampo sa kanya. Sa di inaasahang pagkakataon ay nagtagpo muli ang landas nila ni Fritz. "Ano na kaya ang nangyari sa buhay nya?" bulong ng kanyang isipan. Si F...