"Lihim ng Kahapon" (41)

134 5 0
                                    

Ika-Apatnaput Isang Kabanata:

KASALUKUYAN... Paki balikan ang Kabanata 24....

CANTILAN, SURIGAO DEL SUR - "May naalala nga pala ako, you sent me a picture with a new born baby long time ago, was that Gab?" Tanong ni Rona kay Fritz. Nakangiti lang ito habang nakatitig sa kanya bago nagsalita. "Si Gab ba 'yon?" Ulit nyang tanong. "Yeah, si Gab nga!" Pag-amin nya. Nanbilog ang dalawang mata ni Rona sa nalaman, so totoo pala talaga ang kutob nya ng matanggap ang larawan nilang dalawa na magkasama.

"Bakit hindi mo man lang pinakilala sa akin? I mean wala man lang mensahe kundi picture nyo lang talaga", pag-usisa ni Rona. "Kaya ba hindi ka nag reply?" Tanong naman ni Fritz. "Oo, kasi hindi ko naman alam kung bakit ka nagpadala ng ganoong larawan. Isa pa inisip ko talaga na Anak mo sya kaya hindi na ako nag tanong pa. At ayokong makasira ng relasyon ninyo ni Hannah na ang buong akala ko ay nagkatuluyan talaga kayo", pagpapaliwanag ni Rona na kunyare ay nakatingin sa malayo.

Nabalot na ng dilim ang paligid ngunit palakad-lakad pa rin si Rona sa may tabing dagat na napapalibutan din naman ng mga ilaw habang nakasunod naman si Fritz sa kanya. "Rona, saglit lang", pag-awat ni Fritz sa kanya sabay hila ng kanyang kanang kamay. "Bakit?" lumingon si Rona at biglang nagpang-abot ang kanilang mga labi. Biglang kinabig ni Fritz ang kanyang mukha at hinalikan ng walang pagdadalawang isip. "Mahal pa rin kita!" Pag-amin pa nya.

Biglang nanginig ang mga tuhod ni Rona at hindi makapagsalita. Tila ba'y nabagsakan sya ng isang balding tubig na sobrang lamig at biglang nanghina ang kanyang buong katawan. "Ulan mahal na mahal kita!" Pag-ulit pa ni Fritz sabay yakap sa kanya na halatang sabik na sabik. Hindi makapaniwala si Rona, at lalong hindi nya inaasahan na hahantong sa ganitong eksena ang kanilang pagkikita.

Tinulak ni Rona si Fritz na naka yakap sa kanya ng mahigpit bago ito nagsalita. "Fritz, hindi na pwede! Ikakasal na ako next month pagbalik ko ng Amerika", bulalas nya. "Tigilan mo na ang kahibangan mo! Baka nabigla ka lang sa mga sinasabi mo!" Dagdag pa nya. "Hindi pa naman huli ang lahat, diba? Ramdam kong mahal mo pa rin ako", pagpupumilit ng binata, lumuhod pa ito sa harapan ni Rona at nagmamakaawa.

"Please Ulan! Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataong ipakita ko sayo at sa buong mundo na mahal na mahal kita!" wika ni Fritz na may namumuo ng luha sa kanyang mga mata. "Fritz, pakiusap tumayo ka!" Utos ni Rona. "Tumayo ka!" Pag-ulit nya sabay hila ng mga braso ni Fritz ngunit hindi ito sumunod sa utos nya.

"Huli na ang lahat! Nasaan ka ng kailangan kita? Nasaan ka ng mga panahong ikaw lamang ang lamang ng puso't isipan ko? Nasaan ka ng mga panahong sinaktan mo ang buo kong pagkatao? Nasaan ka? Nasaan ka? Nasaan ka?" Bulalas ni Rona at hindi na nya napigilang mapaiyak sa sobrang galit. Sa matagal na panahon ngayon lang nya nasabi kay Fritz ang lahat ng sama ng loob nya.

"Hindi lang isang beses mo akong sinaktan, maraming beses Fritz! Paulit-ulit pa!" Pagreklamo pa nya. "Pero tinanggap ko ang lahat dahil mali din naman talaga ang ibigin ka, diba? Pero tang-ina bakit hindi mo ako ipinaglaban? Bakit mo akong hinayaang masaktan lang? Tapos ngayon babalik ka at muli akong paasahin at saktan? Putang-ina!" Malakas na sigaw ni Rona at sa sobrang gigil ay napahagul-hol nalang ito sa iyak sabay walk out.

Tumayo si Fritz at hinabol si Rona na mabilis na naglalakad. "Ulan, please! Magpaliwanag ako. Paki-usap patawarin mo ako sa lahat ng mga kasalanan ko at sa lahat ng mga pagkakamali ko. Naging duwag ako at hindi ko pa lubusang kilala ang sarili ko noon kung ano ba talaga ang hinahanap ng puso't isipan ko. Naguguluhan ako noong mga panahong magkasama tayo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Sana'y naiintidihan mo ako", pagmamakaawa ni Fritz habang naglalakad ito.

Huminto si Rona at humarap sa kanya sabay sampal ng malakas, sobrang lakas! "Pumatol ka sa akin! At pinatulan mo rin si Hannah! O baka naman may iba pa bukod sa aming dalawa. Hindi pa ba malinaw ang lahat? Paano ka naguguluhan eh malinaw na namangka ka sa dalawang ilog?" Sigaw ni Rona na feeling nya sila lang dalawa ni Fritz ang tao sa paligid. "Naiintindiha kita kaya ako nalang ang lumayo. Dahil alam ko namang sunod-sunuran ka sa mga magulang mo, na kahit ako ay hindi mo man lang naipaglaban sa kanila!" Sumbat ni Rona.

Lihim ng Kahapon - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon