Chapter 15

149 6 0
                                    


Nathan's POV

Nang makarating na ko sa bahay ni Charlotte ay pinapasok agad ako ng maid nya.

Kilala na kasi nila ako dito.

Pagkabukas ko ng pinto, ay nagpunta agad ako ng sala.

Naabutan ko naman dun si Charlotte, na nanoood ng tv.

Nang makita nya ko, tinignan nya lang ako saglit, pagkatapos ay binalik na ulit ang tingin nya sa tv.

Dinaanan ko na lang sya para umakyat na sa kwarto ko para makapagpahinga, pero may naalala akong sabihin sakanya.

"Nga pala, di mo sinabi sakin kanina na nakaalis ka na sa coffee shop" sabi ko sabay lingon sakanya dahil paakyat na sana ako.

"Bakit kailangan ko pa sabihin sayo na umalis na ko dun?" Tanong nya sakin.

Napangisi tuloy ako sa tanong nya, sabay tinalikuran sya.

"Oo nga naman, bakit kailangan mo nga pala sabihin sakin? Ako lang naman yung taong kinuha mo na walang dahilan dahil napagtripan mo lang" sabi ko ng nakatalikod pa rin sakanya sabay akyat na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ay humiga agad ako sa kama.

"Oo nga naman Nathan, bakit pa nya kailangan sabihin kanina sayo na aalis na sya? Pakialam mo ba kung umalis sya? Basta kapag may nangyari sakanya, hindi ko kasalanan yun dahil di sya nagsasabi sakin, kaya wag nya ko sisisihin tss.." Sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos ko sabihin yun ay tumayo na ko para makapagpalit at maligo, kumain naman na ko sa coffee shop kanina.

Matapos kong maligo ay naghanda na ko para matulog.

----
Charlotte's POV

Nang makauwi ako galing kila Tamara ay nagpalit na ko ng pambahay ko at nagluto dahil nagugutom ako, dapat sa bahay ni Tamara ako kakain, pero naisipan ko na lang na dito kumain.

Isa pa, baka di pa kumakain si Nathan kaya magluluto ako.

Matapos kong magluto at kumain ay tinabi ko yung tirang food na niluto ko para sana kay Nathan.

Hinihintay ko dumating si Nathan kaya tumambay muna ko sa sala, dahil wala naman ako magawa ay naisipan ko na lang buksan ang tv.

Habang nanonood ay napapatingin ako sa relo ko, tinitignan ko kasi kung nasan na si Nathan dahil nga may GPS yung suot nyang choker, nakikita ko kung nasaan na sya, malapit na sya dito kaya nanood na lang ulit ako.

Mga ilang minuto lang ay bumukas na ang pinto, alam kong si Nathan na yun, kaya nagpretend akong busy sa panonood kahit ang totoo naman talaga ay kanina ko pa sya hinihintay.

Nang makarating sya sa sala ay tinignan ko lang sya saglit at tinuon ko na lang ulit ang sarili ko sa tv, para kunwari, wala akong care nung dumating sya.

Dinaanan naman nya ko sa sala, tatanungin ko pa sana kung kakain sya nang bigla syang nagsalita.

"Nga pala, di mo sinabi sakin kanina na nakaalis ka na sa coffee shop" biglang sabi nya sakin.

"Bakit kailangan ko pa sabihin sayo na umalis na ko dun?" Tanong ko dahil nagtaka ako kung bakit kailangan ko pa magsabi sakanya, concern ba sya?

Mukhang na misunderstood naman nya yung tanong ko dahil akala nya ata sinusungitan ko sya.

"Oo nga naman, bakit kailangan mo nga pala sabihin sakin? Ako lang naman yung taong kinuha mo na walang dahilan dahil napagtripan mo lang" sagot nya sakin sabay akyat sa room nya.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon