Chapter 28

128 8 1
                                    

A/N: iplay nyo lang po ulit yung song sa multimedia kung gusto nyo, para po may background music po ulit kayo XD
----
Nathan's POV

Nang makarating na ko sa parking lot ay hinintay ko na si Charlotte dahil sabay kami.

Habang naghihintay, may naramdaman akong pumatak sa kamay ko.

Umaambon na pala, open area kasi tong parking lot namin sa school.

Aish! Wala pa man din akong dalang payong hays..

Unti unti naramdaman kong lumalakas na yung ulan kaya sumilong muna ko sa malapit na pwede kong silungan.

"Hays, badtrip naman oh" sabi ko sa sarili ko habang pinapanood yung ulan bumuhos.

Magpapaalam na nga lang ako sa manager ko sa coffee shop na hindi ako makakapasok ngayon, mabuti na lang mabait yun.

Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin tumitila ang ulan.

Habang pinapanood ko ang pagbuhos ng ulan, ay bigla akong may naalala.

Si Charlotte hindi pa dumarating.

----

Charlotte's POV

Matapos kaming idismiss ng teacher namin ay nagsilabasan na kami ng room.

"Tara sabay na tayo pumuntang parking lot lotti" sabi sakin ni Tamara.

"Sige mauna ka na, ibabalik ko lang tong books ko sa locker ko" sabi ko sakanya.

"Sure ka? Una na ko ah" sabi nya sakin.

"Ok, ingat ka" sabi ko at nagpaalam na kami sa isat isa.

Pumunta na ko sa locker ko para ilagay dun yung books ko ng may marinig ako sa labas.

Pumunta naman ako sa entrance ng school para tignan, ang lakas na pala ng ulan.

Kaya pala nagmamadali umuwi yung mga classmates ko dahil makulimlim na raw.

Wala pa naman akong dalang payong ngayon hayss...

Bigla ko tuloy naalala si Nathan, baka hinihintay na nya ko sa parking lot ngayon.

Baka nababasa na ngayon sya ng ulan.

Sana okay lang sya ngayon.

Kailangan ko na makapunta dun ngayon dahil baka mapano sya.

Kaso sa lakas ng ulan, looks like di ako makakaalis dito.

May nasisilungan kaya sya?

May payong kaya sya?

----

Nathan's POV

May payong kaya yun?

Pero kung meron, dapat kanina pa sya dumating.

Nang maisip ko yun, agad ako tumakbo at sumugod sa ulan para makabalik sa school.

Nang makarating ako sa loob ng school, ay agad ko pinagpagan ang uniform ko at ginulo ang buhok ko para matuyo kahit papaano.

Agad kong hinanap si Charlotte dahil hindi pa rin sya dumating sa parking lot.

Wala ng masyadong estudyante dito, siguro nagmadali na silang umuwi dahil umuulan.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero di ko pa sya nahahanap.

"Aish, nasan na ba yung babaeng yun?" Sabi ko sa sarili habang hinahanap sya.

Habang palinga linga, nakita ko sya sa tapat ng entrance ng school, nakatayo at mukhang pinapanood na bumuhos ang ulan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon