Chapter 22

150 5 0
                                    


Tamara's POV

Dahil isa akong mabuting bestfriend, ako na lang gagawa ng paraan sa problema ni lotti.

At ang naisip kong paraan...

Ipabubugbog ko si Ynna sa mga tauhan ko...

Pero syempre joke lang yun dahil sure akong babatukan ako ni lotti.

Kakausapin ko lang naman sya.

Dahil nga ayaw ni lotti na kausapin si Ynna, ako na lang kakausap.

Subukan nya lang di makinig sakin, sasapakin ko sya.

Brutal ko ata masyado ah.

Matapos ang klase namin, nagpaalam na ko kay lotti na pupunta na ko sa library, pero ang totoo aabangan ko na si Ynna, para makausap.

Naglakad lakad lang ako dito sa corridor dahil nagbabakasakali akong makita sya.

Habang naglalakad, nakita ko na si Ynna, kaso kasama nya si Nathan... Tss landi talaga nito eh.
Mabuti na lang at nakita kong nagpaalam muna si Nathan sakanya, mag rerestroom ata sya.
Tumigil ako at sumandal sa wall, hinihintay kong dumating sya tutal papunta rin sya sa direction ko.

Nang makadaan sya sakin ay nagsalita na ko.

"Ynna" tawag ko ng makadaan sya sa harap ko.

Mukhang nagulat naman sya sa pagtawag ko pero agad din nakarecover.

"Tamara, bakit? May kailangan ka ba?" Sabi nya ng nakangiti sakin.

Akala mo naman napaka inosente nito psh...

"Wala naman, i just want to talk to you" sabi ko ng nakasandal pa rin sa wall at nakacross arms.

Natawa naman sya bigla.

"Ganun ba ko kaimportante at isang Tamara Chou ang gustong kumausap sakin?" Sabi nya sabay ngisi sakin.

O diba sabi na may natatago ring kamalditahan to eh tss...

"Hindi naman, ayoko talaga sayangin ang oras ko sayo eh, napilitan lang akong kausapin ka" seryoso kong sabi sakanya sabay nginitian sya ng mapang asar.

Mukha naman nainis yung mukha nya sa sinabi ko.

"Ano ba kailangan mo sakin ah" inis at seryoso nyang tanong sakin.

"I just want to talk about what you said about Charlotte to Nathan" sabi ko ng walang emosyon sakanya, nahahawa na ata ako kay lotti eh.

Ngumisi naman sya bigla.

"Bakit ikaw ang kumakausap sakin tungkol dyan? Bakit? Takot ba si Charlotte kausapin ako?" Sabi nya ng mapang asar sakin.

Natawa naman ako bigla sa sinabi nya.

Ang taas din ng confidence ng isang to eh.

Mukha naman nainis sya sa pagtawa ko.

"Sorry, nakakatawa kasi talaga yung joke mo eh" sabi ko pagkatapos ko matawa sa sinabi nya.

Sya naman mukhang nagpipigil na ng inis sakin.

"Hindi, ayaw nya na lang talaga makausap ang isang gaya mo, pero dahil sa mabait ako, kahit ayokong sayangin ang oras ko sayo, ako na lang ang kumausap sayo" sabi ko sabay ngiti sakanya ng mapang asar.

Nakatingin lang sya sakin ng masama kaya nagsalita ulit ako.

"Ibang klase ka rin, sinabi mo kay Nathan na sinaktan ka ni Charlotte para maawa sya sayo at mapalapit ka sakanya" sabi ko ng seryoso sakanya.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon