Chapter 1

811 21 13
                                    


Nathan's POV

Napamulat ako sa liwanag na galing sa bintana, lumingon lingon ako para makita kung nasan ba ako. Pero sigurado ako di akin tong kwarto.

Nagulat ako ng may biglang nagsalita.
"Gising ka na pala" napalingon ako sa harap ng kama at napabalikwas.
May nakita akong magandang babae na prenteng nakaupo sa single sofa naka dequatro ang paa, nakapatong ang siko sa armrest ng sofa, nakapatong naman ang pisngi nya sa kanyang kamay, na parang bang bored na bored.

"S-sino ka?! Nasaan ako?! B-bakit ako nandito?!" Sunod sunod kong tanong sakanya.

Ngumiti lang sya ng matipid sakin.

"Ang dami mong tanong ah, sige sasagutin ko yan. Una, ako si Charlotte Son. Pangalawa nandito ka sa bahay ko. Pangatlo nandito ka dahil kinuha kita" sabi nya habang pinapakita ang kamay nya na nagbibilang ng hanggang tatlo.

"Kailangan ko na umalis" sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto pero napahinto ako na magsalita ulit siya.

"Subukan mong lumabas ng kwartong to... Magsisisi ka.. "Sabi niya ng mariin.

Lumingon ako sakanya, nakaupo pa rin siya sa sofa at nakatingin sakin.
"Wala akong pakialam"sabi ko at lumapit na ko sa pinto para lumabas, kaso di ko pa napipihit yung doorknob may naramdaman ako.

"AHHHHHHHH!!!" napahawak ako sa leeg ko sa sobrang sakit parang kinukuryente ako sa leeg.
Bigla naman nawala yung kuryente sa leeg ko kaya nakahinga ako ng maluwag at napahiga sa sahig.

"Diba sabi ko sayo pag lumabas ka magsisisi ka? "Sabi nya sakin.

Tinignan ko sya ng masama, "anong ginawa mo sakin" sabi ko sakanya habang nakadapa pa rin ako sa sahig, nanghina ako sa naramdaman ko kanina sa leeg ko.

Napansin mo ba yang nasa leeg mo? Pagkasabi nya nun hinawakan ko leeg ko, kelan pa ko nagkaroon ng kwintas?
Kinapa ko yung kwintas at tinignan malapit sa salamin, mukha naman syang normal na kwintas pero fitted lang siya sa leeg ko at kulay itim na parang choker ang itsura, choker ata ito bakal lang.

"Dyan nanggaling yung kuryente na naramdaman mo kanina, kinabit ko yan sayo habang natutulog ka kanina"sabi nya.
Pagkasabi nya nun sinubukan ko agad tanggalin yung choker.
Pero ayaw maalis kahit anong pilit ko.

"Kahit anong gawin mo di mo matatanggal yan, tanging ako lang makakatanggal nyan"sabi nya.
Tsk bwisit! Ano ba kailangan nya sakin? Sabi ko sa isip ko.

"Lumapit ka dito" utos nya sakin. Pero Hindi pa din ako lumalapit sakanya, nakatingin lang ako ng masama, bwisit ano ba trip nito sakin? Bakit nya ba ko ginaganito? Napakuyom ko na lang yung kamao ko sa galit.

Kung hindi lang sya babae kanina ko pa sya nasaktan eh.

"Lalapit ka.. O magsisisi ka?" Sabi nya ng paseryoso.

Pero di pa rin ako natinag, Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

"You have me no choice" pagkasabi nya nun may pinindot sya sa relo nya at...

"AHHHHHHHHH!!" naramdaman ko nanaman yung kuryente sa leeg ko.
Napaluhod ako sa sakit.
Nakahinga ako ng maluwag ng huminto yung kuryente.

"Lalapit ka na ba?" Rinig kong sabi nya.

Wala akong nagawa kundi ang lumapit sakanya dahan dahan dahil nga nanghihina pa rin ako sa sakit ng naramdaman ko sa leeg ko.
Pagkalapit ko agad sakanya hinablot nya agad ako sa T-shirt ko pababa dahil nga nakaupo pa rin sya, magkalapit na ngayon yung mukha naming dalawa.

"Simula ngayon akin ka na naiintindihan mo ba?" Sabi nya habang magkalapit pa rin mukha naming dalawa.
Gulat ako kaya di ako nakakibo agad sa sinabi nya.

Pagkasabi nya nun binitawan nya na ako at tumayo para lumabas na, pero nagsalita ako.

"Kung ikukulong mo ko dito sa bahay mo paano na ko makakapasok sa school?, paano na ko makakapagtrabaho sa pinagpapart time ko? " tanong ko sabay lingon sakanya, lumingon din sya sakin at ngumiti ng matipid.
"Wag ka mag-alala di naman ako ganun kasama, papayagan kita pumasok sa school tutal magka schoolmates naman tayo, papayagayan din kita magtrabaho sa part time job mo.. Basta kasama ako" sabi nya.

"Mabuti naman kung ganun, pero hindi naman talaga yun yung gusto ko tanungin eh.. Gusto ko malaman kung bakit nya ba ko kinuha, pero wala na kong pakialam dun kailangan ko na makaalis dito" Sabi ko na lang sa isip ko.

"Nga pala wag mo nang isipin na tumakas dahil hindi mo ko matatakasan, may GPS kasi yang choker sa leeg mo kaya kahit saan ka magpunta mahahanap at mahahanap kita"sabi nya, teka nabasa nya ba yung nasa utak ko?
"Waterproof din yan pati na rin tong relo ko kaya kahit maligo ka nang nakasuot yan, hindi masisira, tulad din ng choker mo di rin basta basta natatanggal tong relo ko, ako lang ang makakaalis nito mula sakin kaya wag mo na balakin pang alisin ito sakin, at wag ka mag alala di nakakamatay yang kuryente sa leeg mo, masasaktan ka lang" dugtong pa nya.

Paalis na sana sya nang lumingon sya ulit sakin.
"Nga pala wag mo nang subukang sabihin sa iba ang tungkol sa pagkuha ko sayo, dahil namomonitor ng choker kung ano ang sinasabi mo sa ibang tao, kapag nagsumbong ka, kusang mag seself destruct ang choker na yan, kapag nangyari yun pati ikaw damay sa pag self destruct nyan" pag eexplain nya sakin.

"Grabe wala pala talaga akong takas sa choker na to"sabi ko na lang.

Ngumiti naman sya, "buti alam mo dahil pinagawa ko talaga yan para di ka makatakas mula sakin" sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Pumunta na lang ako sa may bintana at sumilip, mukhang di pa ko napapadaan sa lugar na to.
Umupo na lang muna ko sa gilid ng kama.
Bakit ba nangyari to?
Pagkagising ko nasa ibang bahay na ko at masaklap pa dun kinidnap pala ako ng babae na kilala ko sa coffee shop kagabi.

Sabi nya magka schoolmates daw kami hindi kaya nagkikita na kami matagal na pero di ko lang sya napapansin?
Ibig sabihin kaya matagal na nya ko kilala?
At ano naman ang ibig nyang sabihin na sakanya na ko?
Tanong ko sa isip ko.

"Pero wala na akong pakialam dun at wala rin akong pakialam kung maganda sya, pipilitin kong makaalis dito, gagawa ako ng paraan"sabi ko sa sarili ko.

---
A/N:
Sorry kung walang kwenta tong story XD
bigla lang kasi tong pumasok sa isip ko kaya napagtripan kong gawan ng story haha.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon