Chapter 35

138 6 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Charlotte's POV

Siguro ilang hours na ko nagjajogging ngayon.

Hingal na hingal akong humawak sa tuhod ko sa sobrang pagod.

Tumutulo na talaga ang pawis ko, dahil kanina pa ko tumatakbo.

Nang makapagpahinga ako ng konti, ay nagpunas ako ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa leeg ko.

Naglakad lakad ako at naghanap ng malapit na convenience store para makabili ng tubig.

Ilang minuto lang ay nakahanap na ko kaya pumasok na ko para bumili.

Nang makabili na ko, ininom ko na ang binili ko at tumambay na muna ko sa convenience store dahil medyo pagod pa ko at tinatamad pa kong umuwi.

Nagsound trip muna ko gamit ang earphones ko at tumingin na lang muna sa labas.

Umupo kasi ako sa harap ng glass window ng convenience store kaya nakikita ko ang labas.

Kalahating oras na ang lumipas kaya naisipan ko nang umuwi.

Naglakad lang ako pauwi dahil nagjogging lang naman ako.

Ilang minuto rin ang lumipas ay sa wakas, nakauwi na ko.

Dumeretcho na ko sa room ko para makapagshower dahil nakapagpahinga na rin naman na ko.
----
Nathan's POV

Tulad nga ng inaasahan, hapon na ko nakauwi dahil sa dami naming ginawa sa project namin.
Pagkauwi ko, hinanap ko si Charlotte.

Mukhang di pa ata sya nakakauwi ah.

Ang tagal naman ata nya nagjajogging.

Umupo muna ko sa sala para makapagpahinga, dahil napagod ako kanina.

Habang nagpapahinga, may bigla akong naisip.

Isang buwan na ata akong nakatira dito sa bahay ni Charlotte pero wala pa ata akong natutulong dito.

Tama ba tong naiisip ko?

Ewan ko pero dapat di ko na iniisip ang bagay na to dahil hindi ko naman ginusto na tumira ako dito dahil kinuha lang naman nya ko ng sapilitan eh...

Pero bakit parang nagiguilty ako dahil parang wala akong ginagawa dito?

Napangiti ako ng may bigla akong naisip.

Pumunta muna ko sa kwarto ko para makapagpalit.

Nang makapagpalit na ko ng pambahay ay mabilis akong bumaba dahil gagawin ko na ang naisip ko.

Ang naisip kong gawin....
.

.

.

.

.

.

....Ay magluluto ako tutal wala pa namang nakakapagluto ngayon.

Nakita ko naman ang mga maids ni Charlotte.

"Pwede po ba ko magluto dito?" Tanong ko sakanila.

"Sige po sir Nathan kung yan ang gusto nyo" sabi ng isa sa maid.

"Oo nga po, sige, maiwan na po namin kayo" nakangiting sabi nila at iniwan na ko.

Nginitian ko naman sila.

Tinignan ko ang laman ng ref sa kusina, tulad ng inaasahan, marami tong laman kaya napangiti ako.

Binuksan ko rin ang cabinet kung nasan ang mga kakailanganin ko.. Ayos kumpleto rin.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon