Chapter 62

102 4 2
                                    

Nathan's POV

Habang nakasandal pa rin sa sofa, napahilamos na lang ako sa mukha sa nangyari kanina.

Wala na bang normal na araw na na magyayari sakin dito sa bahay na to?

Kahapon yung nangyaring agawan ng relo, tapos ngayon itong itsura at kinikilos naman ni Charlotte?

Nice, hindi na talaga mapapahinga ang puso ko sa babaeng yun tsk!

Pero parang may kakaiba talaga sakanya kanina eh... Parang may mali...

Habang nakaupo sa sofa at nag iisip, biglang napadaan ang isa sa mga maid ni Charlotte at nakita ako.

"Oh, sir Nathan nandyan po pala kayo, ok lang ba kayo? Namumutla kasi kayo eh" sabi ng maid ni Charlotte na may dala dalang tray na may basong tubig at gamot.

"A-ah, o-ok lang po ako, s-si Charlotte kasi, parang iba yung kinikilos nya kanina eh" sagot ko at napasuklay sa buhok ko dahil hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi nya at yung biglaang paglapit nya ng mukha sa mukha ko.

"Bakit may gagawin ka bang masama sakin?"
"Naaakit ba kita?"

"Bakit may gagawin ka bang masama sakin?"
"Naaakit ba kita?"

"Don't worry, magpapalit na ko, baka kasi manosebleed ka na dyan" sabi nya at nginisihan ako.

"Don't worry, magpapalit na ko, baka kasi manosebleed ka na dyan" sabi nya at nginisihan ako

Aargh! Bwisit na utak to oh! Kainis!

Hindi ko alam na nakakangisi ng ganun ang babae na yun hay..

Bigla naman ako napatigil sa pag iisip ng ngitian ako ng matipid ng maid ni Charlotte.

"Ganun ba? Pasensya na kayo kay ms. Son sir Nathan kung may nagawa syang kakaiba sainyo, masama kasi ang pakiramdam nya at sinisinat sya ngayon" sabi nito at nag apologetic smile sakin.

Teka! Kung sinisinat sya, bakit may gana pa syang magsando kanina??

Kung ganun, kakaiba pala si Charlotte kapag nagkasakit??

Nagtaka naman ako bigla sa sinabi nya.

"P-pero, anong kinalaman ng masamang pakiramdam ni Charlotte sa kakaiba nyang kinikilos kanina?" Tanong ko ng nakakunot ang noo.

Napabuntong hininga naman sya at hindi alam kung sasabihin sakin ang dahilan o hindi.

Pero bandang huli nagsalita rin sya.

"Ang totoo kasi nyan sir Nathan, may nag iiba sa ugali ni ms. Son sa tuwing sumasama ang pakiramdam nya... Lalo na kapag nilalagnat na sya" sagot nito kaya lalong napakunot ang noo ko.

"A-anong ibig nyong sabihin?" Takang tanong ko ulit.

"Hindi ko rin maeexplain sayo sir Nathan, dahil hindi ko rin alam kung bakit nag iiba si ms. Son sa tuwing sumasama ang pakiramdam nya, ang alam ko lang kasi, ayaw na ayaw nila mr. at mrs. Son na nagkakasakit si ms. Son simula ng bata pa lang sya, minsan lang sumama ang pakiramdam ni ms. Son pero kakaiba talaga sya pag nagkasakit...lalo na talaga pagnilagnat na talaga sya" sabi nito.

"Bakit naman? Ano bang nagyayari pag nilalagnat si Charlotte?" Curious pa ring tanong ko.

"Nung minsan kasing nilagnat si ms. Son nung junior high pa lang sya ay dinalaw sya ni ms. Tamara dito sa bahay at nagprisinta syang sya ang mag aalaga kay ms. Son, tapos nung pumasok sya sa kwarto ni ms. Son nun ay narinig namin syang nagsisigaw kaya umakyat kami agad nun para kamustahin sila, kaso nung kumatok kami, ayaw naman sumagot ni ms. Tamara kaya hinintay na lang namin syang lumabas nun, nang makalabas si ms. Tamara sa kwarto ni ms. Son ay nagulat kami dahil gulo gulo na yung itsura nya" pagkwekwento ng maid ni Charlotte.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon