Chapter 78

78 5 2
                                    

Third Person's POV

"Please, take me home... Please..." Sabi ni Steffanie kay Nathan habang yakap yakap pa rin ito at umiiyak.

Oo, tama kayo ng nabasa, sya si Steffanie Hwang, ang rival ni Charlotte pagdating sa sports na niligtas kanina ni Nathan.

"S-sige..." Sabi na lang ni Nathan dahil baka nga balikan si Steffanie ng mga lalaki kanina.

Inalalayan naman nya ito tumayo dahil nga sa takot sa mga lalaking gusto sya gawan ng masama kanina.

Mabilis naman pinuntahan ni Nathan ang backpack nya na hinagis nya sa isang tabi at binalikan ulit ang babae.

"Kaya mo ba?" Nag aalalang tanong ni Nathan kay Steffanie dahil naaawa talaga sya dito ngayon.

Sinubukan naman maglakad ni Steffanie pero ilang hakbang lang ay natumba na sya dahil nanginginig pa ang mga tuhod nya sa takot, pero agad naman sya nasalo ni Nathan kaya nagkatinginan sila saglit.

Agad naman lumayo ng bahagya si Nathan at umiwas ng tingin.

"Tawagan ko lang yung manager ko, tapos ihahatid na kita" paalam nito kay Steffanie at ngumiti, mabilis naman tumango ang babae sa sinabi nya.

"Manager, pasensya na pero baka malate ako ng pasok sainyo ngayon, may biglaan lang kasing nangyari" sabi ni Nathan pagkatawag nya sa manager nya.

Pumayag naman ang manager nya at naintindihan sya kaya napangiti sya sa bait ng manager nya.

"Tara na" sabi ni Nathan at dinampot ang bag ni Steffanie na nalaglag nya siguro kanina.

Kumapit naman ito bigla sa braso nya kaya medyo natigilan sya.

Umiling iling na lang si Nathan at hinayaan na lang si Steffanie dahil alam nyang medyo nanghihina pa rin ito dahil sa takot.

Tinuro naman ni Steffanie kung saan nakapark ang kotse nya pagkatapos ay inalalayan sya ni Nathan makasakay pagkarating nila.

Pagkatapos ay sumakay na rin si Nathan at pinaandar na ang sasakyan.

Mabuti na lang at medyo may alam si Nathan sa pagdrive ng kotse dahil lagi nyang tinitignan si Charlotte kung paano ito magdrive tuwing magkasabay sila pumapasok sa school.

Naisip nyang may mabuti rin palang nagagawa ang pagtitig nya minsan kay Charlotte dahil medyo natuto syang magmaneho dahil dito.

----
Nathan's POV

Tahimik lang kami habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Steffanie.

Matapos ko kasi makasakay sa kotse nya ay tinuro nya agad sakin ang direksyon papunta sakanila.

Gusto ko syang kausapin pero, naa awkward ako.

Sino kasi ang hindi diba? Una hindi naman kami close, kilala ko lang sya dahil sikat sya, pangalawa, magkaiba kami ng school na pinapasukan, at pangatlo, sya ang rival ni Charlotte pagdating sa sports....

Kaya hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.... Hindi naman kasi normal yung pagkikita namin eh....

Tinignan ko sya saglit.

Tahimik lang sya at nakatingin lang sa labas ng bintana.

Hinayaan ko na lang sya at binalik na ulit ang tingin sa daan, para kahit papaano makarecover sya sa nangyari kanina.

Medyo nanghina kasi sya dahil sa takot kanina.... Sana maging ok na sya..

Nag aalala kasi ako sakanya dahil babae sya... Kahit kasi magkalaban sila ni Charlotte... Hindi naman ibig sabihin nun, mawawalan na ko ng pake sakanya... Babae pa rin kasi sya...

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon