Chapter 24

140 7 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po ulit yung song sa multimedia kung gusto nyo, para po may background music po ulit kayo XD

----
Nathan's POV

Hinila ko lang si Charlotte hanggang makalabas kami ng gate ng school.

Nang makalabas na kami ay tsaka ko na binitiwan ang kamay nya.

Ang lambot pala ng kamay nya? Kung sabagay, ano ba ineexpect ko sa isang mayaman diba?

"Why did you drag me here?" Rinig kong sabi nya sa likod ko.

Napalingon naman ako sakanya, nakatingin lang sya sakin with an emotionless face.

Di ako sumagot kaya tumabi sya sa gilid ko.

Mabuti at walang dumadaan na mga estudyante dito, kundi baka kanina pa kami pinag uusapan ngayon.

Naglakad lang kaming dalawa palayo sa school.

Habang naglalakad walang ni isa samin ang balak magsalita.

Siguro na awkward sya sa paghila ko sakanya kanina o ako ata yung na awkward saming dalawa?

Aish! Bigla bigla na lang kasi ako nanghihila eh.

Pero baka kasi kapag hindi ko ginawa yun baka hindi sya sumama sakin kaya napilitan akong hilahin sya.

Isa pa malapit na rin naman kami makarating sa pupuntahan namin, although ako lang ang nakakaalam kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman sinabi sakanya kung saan.

Medyo malapit lang naman yun sa Amethyst High kaya pwede lakarin.

Ayoko kasi sabihin sakanya kung saan kami pupunta dahil baka di sya pumayag.

Mga ilang minuto rin kaming naglakad at sa wakas nakarating na rin kami dito sa park malapit sa school.

Oo, dito ko sya dinala sa park.

Mukhang natigilan naman sya ng makita nya kung saan ko sya dinala.

Nginitian ko naman sya at hinila ulit papasok sa park.

Pagkapasok namin ay binitiwan ko na agad ang kamay nya at agad pumunta kay manong na nagtitinda ng ice cream.

"Manong ano pong mga flavors ang meron kayo dyan?" Tanong ko kay manong na nagtitinda ng ice cream.

"Cheese, Chocolate at Strawberry iho" nakangiting sagot sakin ni manong.

Napangiti naman ako.

"Sige manong pabili ng isang chocolate at isang strawberry" sabi ko kay manong sabay abot ng bayad ko.

Nagsandok naman sya ng ice cream sa cone tsaka binigay sakin.

"Salamat po" nakangiting sabi ko kay manong.

Pagkabigay sakin ni manong nung dalawang ice cream ay inabot ko naman yung strawberry ice cream kay Charlotte, na kanina pa pala nakatingin samin ni manong.

Sandali nyang tinignan yung ice cream na inabot ko pero bandang huli, kinuha nya rin naman.

"Mahilig ba yung girlfriend mo sa strawberry iho?" Biglang tanong sakin ni manong.

Muntik ko na mabuga yung kinakain kong ice cream sa tinanong ni manong.

"A-ah hindi ko po sya girlfriend manong hehe" sabi ko sabay himas sa batok ko.

"Ganun ba? Akala ko kasi girlfriend mo sya, bagay kasi kayo" nakangiting sabi nya sakin.
Natawa na lang ako sa sinabi nya.

"F-friend ko lang po sya" sabi ko kay manong.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon