Special Chapter 2

79 4 0
                                    

°~First Meet/ Chared~°

Third Person's POV

12 years ago

"Welcome to our new home baby princess!" Sabi ng mga parents ni Charlotte sakanya pagkapasok nila sa bagong tayong mansyon nila. Kakalipat lang nila sa bago nilang bahay ngayong araw at sinigurado ng parents ni Charlotte na bago sila lumipat ay kumpleto na ang lahat.

Hindi naman sumagot ang batang Charlotte at mangha lang tinignan ang bago nilang mansyon na mas malaki pa sa luma nilang bahay.

Natawa na lang ang mga magulang ni Charlotte sa reaksyon nya kaya binuhat sya ng papa nya at kinurot ang pisngi nito.

"You like it baby princess?" Tanong ng mama nito kaya agad naman syang tumango habang mangha pa rin na nakatingin sa bago nilang bahay.

Kahit mamimiss nya ang luma nilang bahay ay di pa rin maiwasan matuwa ng batang Charlotte sa bago nilang titirhan.

"Pasok na tayo" nakangiting sabi ng papa ni Charlotte habang buhat sya nito kasunod ng mama nya.

Mas lalo namang namangha ang batang Charlotte sa ganda at laki ng loob ng mansyon nila kaya naisipan na syang ilapag ng papa nya para makapaglibot sa bahay.

Natawa na lang ang magulang nya ng tumakbo tumakbo sya sa sala na para bang tinitignan ang bawat sulok nito.

Napailing na lang ang mama nya sa kacutetan nya habang pinanood sya na tumakbo takbo sa sala.

"We'll fix our things first princess, gusto mo ba munang libutin ang front yard sa labas?" Tanong ng mama nya kaya agad naman syang tumingin dito at tumango.

"Alright, manang pakisamahan si princess sa labas" sabi nito sa nanny ni Charlotte kaya agad namang tumango ito at inaya si Charlotte sa labas.

Nang makalabas sila sa front yard ay agad namang naglakad lakad si Charlotte sa damuhan at nilibot ito.

Nang mapagod sya sa paglibot dahil sa lawak nito ay inalalayan syang umupo ni manang sa swing chair na nakita nya sa tabi.

Napangiti naman ng bahagya si Charlotte ng matitigan nya ang tanawin ng malawak na front yard nila.

"Gusto mo ba ng snacks Charlotte?" Tanong sakanya ni manang at hinagod ang buhok nya.

Tumango naman sya at ngumiti bilang sagot kaya nagpaalam naman saglit ito para kumuha ng meryenda nya.

Habang naghihintay ay naisipan nya munang magbasa ng favorite book nya, kinuha nya kasi ito bago sya lumabas.

Mahilig kasi sya sa mga libro kaya madali na lang sakanya matuto magbasa, kaso dahil maliit pa sya ay medyo bulol at mabagal pa sya magbasa.

Habang busy sya magbasa at mag antay kay manang ay may narinig sya sumisitsit.

"Pssst..." Rinig nya kaya napakunot naman ang noo nya pero hindi pa rin nya inalis ang tingin sa libro nya.

"Pssst..." Rinig nya ulit pero hinayaan nya na lang at hindi pinansin.

"Psssssssssssst!!!" Hindi pa rin tumitigil ang kung sino man ang sumisitsit sakanya kaya naalis na nya ang tingin nya sa libro nya at hinanap ang kung sino man ang tumatawag sakanya.

Nagpalinga linga sya nang mapatingin sya sa malaking gate nila.

Mas lalo namang napakunot ang noo nya nang malaman na batang lalaki ang tumatawag sakanya sa labas ng bahay nila.

Naglakad naman sya papunta sa tapat ng gate nila at nilapitan ang batang lalaki.

"Bakit hindi ka namamansin kanina?" Tanong nito sakanya pero tinignan nya lang ito ng walang reaksyon.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon