Chapter 9

177 7 2
                                    


Charlotte's POV

"Charlotte oh" abot sakin ng kamember ko ng bottled water.

"Thanks" sabi ko at binuksan yun at ininuman.

HOW TO BE A BOTTLED WATER CHARLOTTE?!

Muntik ko na mabuga yung tubig na iniinom ko dahil nabigla ako sa sinigaw nila.

Napatingin tuloy ako sa mga audience, pero iba yung nahagip ng mata ko.

Si Nathan.

Totoo ba tong nakikita ko?
Si Nathan ba talaga yun?
K-kanina pa ba nya ko pinapanood?

Nagulat ako dahil nandito pala sya pero syempre di ko pwede ipakita na nagulat ako, nakatingin din sya sakin, expressionless lang yung mukha ko, pero ayaw tumigil ng puso ko kumabog.

Siguro dahil ngayon ko lang sya nakita na pinanood ako na nagprapractice.

Gusto ko syang ngitian para malaman nya na masaya ako dahil nandito sya pero.. Alam kong hindi pwede.

Tumingin ako ng walang emotion sakanya, pero deep inside, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nagtaka naman ako kung bakit bigla syang tumayo at umalis bigla, oo nga pala galit pala sya sakin.

"Coach, pwede na po ba ko umalis, tapos na po kasi ako magpractice" paalam ko kay coach.

"O sige sige, pwede ka naman na umalis anytime Charlotte" sabi sakin ni coach.

"Thank you po coach, sige una na po ako" sabi ko at tuluyan ng umalis.

Umalis ako dahil gusto kong sundan si Nathan, saan ba sya pupunta? Para kasing nagmamadali sya.

Naglakad lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa may garden ng school.

Nakita ko dun si Nathan, lalapitan ko na sana sya para tanungin kung bakit nya ko pinanood kanina kaso may nakita akong kasama nya..... Isang babae.

Kaya di na lang ako lumapit, nalungkot naman ako bigla, nakita ko pang nagtatawanan silang dalawa, kaya mas lalo akong nasaktan.

Mukhang masaya sya dun sa kasama nya babae.

Nakita ko naman na paalis yung kasama nyang babae.

"Wait Nathan, cr lang ako ah" rinig kong paalam nya kay Nathan.

"Ok sge Ynna" rinig ko namang sabi ni Nathan, so Ynna pala ang name nya.

Pagkaalis nya, sinundan ko sya papuntang cr, sumandal ako sa may lababo at hinintay ko syang lumabas ng cubicle tutal kaming dalawa lang naman ang nandidito.

Pagkalabas nya, halatang nagulat sya ng makita ako.

"Ikaw ba si Ynna?" Tanong ko kahit alam ko naman na sya yun.

"O-oo, bakit may kailangan ka ba Charlotte?" Tanong nya sakin.

"May gusto ka ba kay Nathan?" Tanong ko at di pinansin ang tanong nya kanina.

Halata naman na nabigla sya sa tanong ko kaya di sya nakapagreact agad.

Naghehesitate sya kung sasagutin nya ba yung tanong ko pero bandang huli wala rin syang nagawa kundi sumagot, dahil nakita nyang serious ako.

"O-oo, may problema ba dun?" Tanong nya sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"O-oo, may problema ba dun?" Tanong nya sakin.

"Layuan mo si Nathan" nakacross arms kong sabi sakanya.

Naguluhan naman sya sa sinabi ko pero agad nakarecover.

"At bakit ko naman gagawin yun, anong bang karapatan mo para utusan ako?" inis na sabi nya.

"Nathan is my property, kaya may karapatan akong palayuin ang taong gustong kumuha ng property ko" seryoso kong sabi sakanya.

"At kelan mo pa naging pagmamay ari si Nathan?" Inis nya tanong sakin.

"None of your business, just don't come near what's mine" walang emotion kong sabi sakanya.

Sinamaan naman nya ko ng tingin.

"Isusumbong kita kay Nathan" pananakot nya pa sakin.

"Sumbong? Ano ka bata? Sge sabihin mo, akala mo naman natatakot ako sakanya, gusto mo samahan pa kita eh" sabi ko sakanya.

Mas lalo naman sumama ang tingin nya sakin.

"Kung ganun, ipagkakalat ko na lang na may gusto ka kay Nathan, sure akong masisira image mo at pagchichismisan ka" pananakot nya ulit.

Go ahead, i don't care about my image naman eh, pero di lang naman ako ang magkakaroon ng issue, pati na rin si Nathan, kapag sinabi mo yan, sure akong maraming magagalit sakanya dahil malilink sya sakin, magkakaroon sya ng maraming haters, gusto mo ba mangyari yun? Sabi ko habang papalapit sakanya at sya naman napapaatras sakin.

"Kung ako sayo, sundin mo na lang yung sinasabi ko dahil baka...magsisi ka" sabi ko hanggang napasandal na sya sa wall ng cr kakaatras nya sakin.

"T-tinatakot m-mo ba ko?" Tanong nya sakin.

"No, pinapaalalahanan lang kita"
Sabi ko ng walang emotion sakanya at iniwan sya mukhang takot na takot.

Habang naglalakad, naisipan ko magshower dahil masyado akong pinagpawisan sa pagtakbo ko kanina.

To be honest, wala naman akong gagawing masama kay Ynna, pinagsabihan ko lang syang lumayo kay Nathan, sadyang medyo nainis lang ako sakanya dahil tinatakot nya ko, di naman ako ganung kasama.

Pumunta muna kong sa locker ko para kunin yung uniform ko tsaka na ko nagshower.

Ilang minuto, natapos na ko at lumabas na ng shower room, nakapagpalit na ko ng uniform, nagpupunas na lang ako ng buhok.

Wala na kong nakikitang students dito sa corridor, siguro nandun na sila nakatambay sa library.

Habang naglalakad, ngayon ko lang napansin si Nathan ng medyo makalapit ako dahil busy ako sa pagpapatuyo ng buhok ko.
Kanina pa ba sya nakatayo dito?

Tara na, uwi na tayo" pag aaya ko sakanya at nilagpasan na lang sya bigla, baka kasi matitigan ko pa sya ng matagal eh.

Naramdaman ko naman na sumunod sya sa likod ko hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Pagkasakay namin, hinagis ko na lang yung towel ko sa likod ng kotse at nag drive na.

Habang nasa byahe, tahimik lang kami ng biglang nagsalita si Nathan.

"Sikat talaga kayo ni Tamara sa school no?" Rinig ko tanong nya dahil nakatingin lang ako sa daan.

"Oo" tipid kong sagot dahil wala naman akong iba pang masasabi sa tanong nya.

"Lahat talaga ng tao sa school nasa inyo yung atensyon, pati sa pagpractice mo kanina kung makasigaw sila akala mo naman nasa totoong laban ka" natatawang sabi nya sakin.

Di na lang ako sumagot sa sinabi nya.

Pero maya maya bumulong ako.

'Buti pa nga ibang tao binibigyan ako ng atensyon, pero yung nag iisang tao na gusto kong mabigyan ako ng attention, di nya magawa' mahinang bulong ko sa sarili ko.

"Ano? May sinabi ka ba?" Tanong nya, narinig nya pala.

"Sabi ko magseatbelt ka bibilisan ko na kasi magdrive" palusot ko na lang.

Nagseatbelt naman sya, kaya binilisan ko na lang magdrive.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon