Chapter 16

152 6 0
                                    

A/N: yung pinag uusapan po dito nina Nathan at Ynna ay nung nangyari sa chap. 9 geh basa na po ulit.

Nathan's POV

Matapos naming kumain sa cafeteria ay naisipan na naming bumalik sa room namin.

Habang naglalakad, nakita ko si Ynna na naglalakad di kalayuan samin.

"Guys, una na kayo may pupuntahan lang ako saglit" sabi ko at di na sila hinintay magsalita.

Pinuntahan ko agad si Ynna, nang maabutan ko ay hinarap ko sya sakin, nasa likod nya kasi ako.

"Ynna!" tawag ko sabay pinaharap sya sakin.

Mukhang nabigla naman sya, ewan ko kung nabigla sya dahil bigla ko sya pinaharap o dahil sa nakita nya ko.

"N-nathan.." Gulat nyang tanong sakin.

"Ok ka lang ba? Pansin ko kasi iniiwasan mo ko nitong mga nakaraang araw eh, may problema ba?" Tanong ko sakanya.

"W-wala naman, sige alis na ko m-may project pa kasi kami eh" sabi nya at bigla akong tinalikuran.

Pinaharap ko ulit sya.

"Project? Classmates kaya tayo, kaya kung may project ka, dapat lahat tayo may project" takang tanong ko sakanya.

"H-hindi kasi a-ano eh... Special project yung ginagawa ko... Ako lang may project sating lahat hehe.." sabi nya sabay iwas ng tingin.

"Ganun ba? Gusto mo ba tulungan na kita sa project mo?" Tanong ko sakanya.

"WAG NA!... I mean.. Ok lang kaya ko na haha" sabi nya sabay takbo palayo sakin.

Nakakapagtaka talaga si Ynna, sure akong may tinatago sya sakin eh.

Nag ring na yung bell kaya nagmadali na kong bumalik sa room namin.

Pagkarating ko sa room, nakita ko na si Ynna na nakaupo na, pero mukhang malalim ang iniisip nya, tulala kasi eh.

Dumeretcho na lang ako sa upuan ko, nang makita ako nila Andrei ay nagsalita sila.

"Saan ka galing pre?" Tanong ni Andrei.

"Wala nagcr lang ako" palusot ko na lang, ayoko kasi sabihin sakanila ang tungkol kay Ynna dahil sure akong kukulitin nila si Ynna.

Bigla naman dumating ang teacher namin kaya nagsitahimik na kami.

Mamaya ko na lang ulit sya kakausapin, dahil sure akong nagsisinungaling sya sakin.

----

Matapos ang ilang subjects ay uwian na rin sa wakas, kakausapin ko pala ulit si Ynna.

Hinintay ko na lang masilabasan ang mga classmates ko sa room para makausap ko si Ynna.

"Pre, di ka pa uuwi?" Tanong sakin ni Dwayne.

"Sige, una na kayo, may aasikasuhin lang ako" sagot ko at nginitian sila.

"Ok, sige una na kami" paalam nila sakin.

Matapos nila lumabas ay lumapit na ko kay Ynna, palabas na sana sya ng pigilan ko sya.

"Sandali Ynna, sabihin mo sakin ang totoo, bakit mo ko iniiwasan?" Seryosong tanong ko sakanya.

"May nagawa ba kong di maganda? Kaya mo ko iniiwasan? Alam kong wala ka talagang special project" Dugtong ko dahil hindi pa rin sya nagsasalita.

Nakayuko lang sya sakin, parang iniisip kung sasabihin nya ba sakin o hindi ang totoo.

"Gusto mo malaman Nathan?" Sabi nya sabay tingala sakin, mukhang seryoso sya.

"Gusto mo malaman kung bakit?" Ulit nya ulit sa tanong nya.

"Oo" sagot ko.

"Lumalayo ako sayo dahil tinakot ako ni Charlotte, sabi nya sasaktan nya ulit ako kapag lumapit pa ko sayo" sabi nya sabay yuko sakin.

Nabigla ako sa sinabi nya, pinalayo sya ni Charlotte sakin?

"C-charlotte? Si Charlotte Son ba ang tinutukoy mo?" Pagkukumpirma ko sakanya.

Tumango naman sya bilang sagot.

"Nung nagkita tayo sa may garden at nag usap, diba sabi ko nun magccr lang ako, sinundan nya ko, siguro nakita nya tayong magkasama nun, kaya sinampal nya ko at tinulak kaya napaupo ako sa sahig" sabi nya ng di nakatingin sakin.

Nagulat ako sa sinabi nya, ginawa ni Charlotte yun?

Di ako nakapagsalita sa sinabi nya kaya nagsalita ulit sya.

"Tinakot nya ko na layuan kita Nathan, kaya nilalayuan kita" sabi nya sakin na nang gigilid yung luha sa mata nya.

"Natatakot ako Nathan" dugtong nya at bigla na lang umiyak.

Mabuti na lang at kami na lang ang nandidito sa room.

Bigla ko syang niyakap.

"Bakit di mo sinabi sakin Ynna? para may nagawa ako" tanong ko ng seryoso sakanya.

"Sinabi nya ba ang dahilan kung bakit gusto ka nyang palayuin sakin?" Dugtong ko sabay tanggal ng pagkakayakap ko sakanya.

"H-hindi eh, di ako nagsumbong dahil tinakot nya ko, dahil ayaw nya masira ang image nya, kaya pinagbawalan nya kong magsumbong" sabi nya at bigla akong niyakap, umiyak lang sya sakin.

Napakuyom ko na lang yung kamao ko sa galit.

Matapos naming mag usap ni Ynna ay hinatid ko na sya hanggang sa labas ng school nang mahimamasan na sya.

"Salamat Nathan" sabi nya at nginitian ako.

"Wag kang mag alala Ynna, nandito lang ako, pwede mo ko kausapin, wag mo syang sundin sa sinabi nya na layuan ako" sabi ko ng seryoso sakanya.

P-pero paano kung- di ko na tinuloy ang sasabihin nya nang magsalita ako.

"Ako ang bahala Ynna, trust me kakausapin ko na lang sya" sabi ko sakanya.

"Pero Nathan, sya si Charlotte Son" nag aalalang sabi nya sakin.

"Wala akong pakialam kung sya si Charlotte Son, hindi ibig sabihin nun ay may karapatan na syang manakit ng ibang tao" galit kong sabi sakanya dahil hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Charlotte kay Ynna.

Nginitian naman nya ko at niyakap.

"Salamat Nathan" sabi nya habang nakayakap pa rin sakin.

Matapos naming mag usap ay umalis na sya.

Habang ako naiwan dito, iniisip kung bakit nagawa yun ni Charlotte.

Di ko aakalaing magagawa ni Charlotte yun.

Kung sabagay, dapat di na ko magtaka, dahil kung ako nga kinukuryente nya, ibang tao pa kaya di nya kayang saktan?

Napakuyom ko ulit yung kamao ko sa galit pag naiisip kong sinaktan nya si Ynna.

Kung di bale sana ako na lang saktan nya, pero kapag mga kaibigan ko na ang sinaktan nya, hindi ko na sya mapapatawad.

Ang di ko pa maintindihan, kung bakit kailangan nya pa palayuin sakin si Ynna.

Charlotte.. Ano ba talaga dahilan mo? Bakit mo to ginagawa..

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon