Chapter 7

198 6 0
                                    


Nathan's POV

Bakit ba ganito makareact yung puso ko? Masyado na ata ako naiistress kaya ganto nangyayari sakin.

Umiwas agad ako ng tingin sakanya dahil pakiramdam ko mamamatay ako sa tingin nya.

"P-pre, cr lang ako" paalam ko sakanila.

Nagsitanguan naman sila kaya tumayo na ko para umalis.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko hindi ko dapat pinapanood si Charlotte eh.

Saan ka kasi nakakita ng taong may gana pang panoorin yung kumidnap sakanya sa pagpractice tumakbo diba?

Dapat talaga galit ako sakanya eh.

Pero sa totoo lang di naman talaga ako mag ccr eh, gusto ko lang talaga makaalis dun, ayaw kasi tumigil nitong puso kong kakakabog parang tanga lang eh.
Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa may garden.

Doon muna ko tumambay, umupo lang ako sa isa sa mga bench dun.

"Huy puso kumalma ka nga parang kang baliw eh, kung makatibok ka ng mabilis kanina para kang tumakbo ng ilang milya, eh nakita lang naman ako ni Charlotte kanina" sabi ko sa puso ko.

Nang medyo kumalma na puso ko ay naisipan ko na lang magmuni muni dito.

Nagpapahangin lang ako dito sa may garden ng may tumawag sa pangalan ko.

"Nathan!" Sigaw ng isang babae.

Pagkatingin ko, si Ynna lang pala. Classmate ko sya, medyo close na rin kahit papaano.

"Anong ginagawa mo dito bat nag iisa ka?" Tanong nya sakin ng makalapit sya at umupo sa tabi ko.

"Wala naman nagpapahangin lang" sagot ko sakanya sabay ngiti.

"Bat ayaw mo manood dun sa track and field? Nandun si Charlotte diba?" Tanong nya sakin.

"Wala ayoko lang" sagot ko pero ang totoo, nakapanood ako.

"Ahh.. Bakit di ka ba fan ni Charlotte? " tanong nya ulit.

"H-hindi eh" sagot ko na lang.

"Eh bat hindi ka pumunta sa library? Nandun si Tamara ngayon, for sure yung ibang students nandun para lang makita si Tamara na nag aaral" natatawang sabi nya sakin.

"Grabe nandun lang sila para makita si Tamara na nag aaral? Buti di natutunaw si Tamara sa library tuwing nag aaral sya" pagbibiro ko sakanya.

"Oo nga eh, tourist spot si Tamara tuwing nandun sya sa library" natatawang sabi ni Ynna.

"Buti di sya naiirita na maraming nakatingin sakanya" sabi ko na lang.

"Sanay na kasi si Tamara na maraming nakatingin sakanya, matagal na kasi sila ni Charlotte na sikat dito simula nung unang pasok nila" sabi nya sakin.

"Kung sabagay, pero nakakairita yun no?" Sabi ko ulit.

"Ikaw Nathan, bakit ka nandito? Ayaw mo rin ba tumingin sa library?" Tanong nya sakin.

"Ayoko lang" sagot ko sakanya.

"Bakit? Di ka ba fanboy ni Tamara?" Tanong ulit nya.

"Hindi naman" sagot ko ulit.

"Eh si Charlotte, fanboy ka ba nya?" Tanong ulit nya.

Pansin ko lang ang dami nyang tanong ah.

"H-hindi rin" di ko alam kung bakit ako nautal dun.

"AYOS!!" sigaw nya at napatayo pa.

Weirdo talaga minsan tong si Ynna eh.

"Ayos? Bakit ayos?" Tanong ko dahil nagtaka naman ako kung bakit sya sumigaw ng ganun.

Mukhang natauhan naman sya sa sinigaw nya kaya napaupo ulit.

"A-ah.. Eh.. Ano... Ayos kasi di mo iniintindi ang mga sikat dito sa school dahil tingin ko maaabala ka lang sakanila, kaya ayos pala kung hindi diba? Hehehe" pag eexplain nya naman.

"Ahhh.. Akala ko naman kung ano na Ynna, ang weird mo talaga minsan" natatawang sabi ko sakanya.

Napakamot naman sya ng ulo at natawa na lang, kaya natawa na rin ako, nagtawanan lang kami.

"Wait Nathan, cr lang ako ah" paalam nya sakin.

"Ok sge Ynna" sabi ko at umalis na sya para mag cr.

Pero makalipas ang ilang minuto di pa rin sya dumarating.

"Ano kaya nangyari dun?" Sabi ko sa sarili ko.

"Ah baka umuwi na sya" dugtong ko.

Bigla naman nag ring yun cellphone ko, si Andrei tumatawag, oo nga pala iniwan ko sila sa field kanina kaya siguro tinatawagan nila ako.

"Hello?"

["Uy pre, asan ka na sabi mo mag ccr ka lang, bakit ang tagal mo? Akala nga namin nilamon ka na ng kubeta dyan eh"]

"Sira!! Nandito lang ako sa may garden, tinamad na kasi ako bumalik dyan eh"

["Psh ganyan ka pre eh nang iiwan ka na"]

"Letche! Bakit ba?"

["Sama ka ba samin sa library? Pupunta kami dun ngayon"]

"Let me guess, dahil kay Tamara no?"

["Haha! Paano mo nalaman pre?"]

"Eh hindi naman kayo mahilig mag aral nila Mike eh kaya yun lang naiisip kong dahilan kung bakit kayo pupunta sa library"

["Pakshet ka pre! Ganyan talaga tingin mo samin ah"]

"Oo"

["Psh.. Ano nga sama ka?"]

"Wag na uwi na ko"

["Ok sabi mo eh, geh pre babye"]

"Geh bye"

End Call

Matapos yung tawag ay naisipan ko ng umalis sa may garden para hanapin si Charlotte.

Tatanungin ko kasi sya kung sabay ba kami uuwi,natandaan ko na kasi yung daan pauwi sa bahay ni Charlotte eh, baka kasi pag nalaman nya na ako unang umuwi, parusahan nanaman nya ko, isa pa masyado namang nakakahiya kung ako unang uuwi sa bahay nya eh bahay nya yun, syempre may hiya naman ako sakanya kahit papaano kahit ganun ugali nun.

Sure naman ako na wala na sya sa field dahil kanina pa natapos practice nya kaya inikot ko na lang yung buong corridor, nagbabakasakaling makita ko sya.

Ako na lang ata nag iisang pagala gala rito, siguro dahil yung ibang estudyante, malamang nasa library dahil kay Tamara buti na lang malaki library namin, yung iba ata umuwi na dahil kanina pa uwian.

Naglakad lakad lang ako ng matagal ng matanawan ko si Charlotte, papunta sa direksyon ko.

Mukhang bagong shower sya, dahil basa buhok nya at nakapagpalit na ng uniform, nagshower sya siguro dahil sa dami ng pawis nya kanina nung tumakbo sya.

Huminto lang ako sa harapan nya, hinihintay sya makarating, mukhang di nya ko napapansin dahil busy sya sa pagpupunas ng buhok nya ng towel, bakit feeling ko nag iislowmo sya papunta sa direksyon ko?

Ito nanaman puso ko, ayaw nanaman tumigil sa pagbilis ng pagtibok.

Ewan ko ba kung ano nangyayari sakin.

Di kaya dahil sa pagkukuryente nya sakin pati puso ko nagkaroon ng damage?

Magpapacheck up na talaga ako, nako pag nalaman kong may sakit ako sa puso, sisisihin ko si Charlotte.

Hinawakan ko lang yung dibdib ko, kasi nga nababaliw nanaman.
"Tara na, uwi na tayo" sabi nya at nilagpasan lang ako na parang hangin.

Sumunod na lang ako sakanya,
Natuwa naman ako dahil magkasabay kami.

Uy wag kayo mag isip isip ng kung ano ano ah, gusto ko lang sya kasabay dahil para di na ko maglakad pauwi sa bahay nya, may kotse nga sya diba.

Tama, yun lang yung dahilan ko, yun lang.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon