Chapter 63

95 5 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Charlotte's POV

"Ms. Son kakaalis lang po ni sir Nathan papuntang trabaho nya" sabi ng isa sa mga maid ko pagkagising ko pa lang.

Tinanguan ko na lang sya bilang sagot dahil tinatamad pa ko.

Gulo gulo pa yung buhok ko at kusot kusot ko pa yung mata ko ng pumunta akong kusina para kumain ng niluto ni Nathan kanina.

Tinatamad akong mag ayos tutal maaga pa naman.

Isa pa medyo gumaan na pakiramdam ko di tulad kahapon.

Napabuntong hininga na lang ako nung naisip ko yung kahapon.

Kaya ayokong nagkakasakit eh, wala akong naaalala pagkatapos kong magkasinat, Hindi ko rin alam kung bakit.

Alam ko naman, may sinat ako nun, pero di ko naman alam ang ginagawa ko pag may sakit ako hay..

Habang kumakain, tinanong ko yung isa sa mga maid ko.

"Ate, may nagawa ba ko kahapon nung may sinat ako?" Tanong ko sabay subo sa food ko.

"Nagawa po? Mmmm..." Sabi nya at nag isip.

"Ah! Naalala ko pong may nasabi si sir Nathan na iba raw ang kinikilos nyo kahapon, tapos hindi po sya mapakali at namumutla pa po sya nun" sabi nya kaya napakunot yung noo ko.

"Mukhang may nagawa o nasabi kayo nun kay sir Nathan ms. Son, kaya nasabi kong may sinat kayo at masama ang pakiramdam nyo" dugtong nya pa.

Nagawa o nasabi? Wala talaga akong matandaan tss.. Hayaan na nga.

Tumango naman ako pagkatapos ay nag ayos na dahil pupunta si Jared para gawin ang project namin.

Dapat kahapon pa namin yun gagawin pero nagkasakit nga ako kaya ngayon na lang namin magagawa, bukas pa naman na ang pasahan ng project namin.

Mabuti na lang at ilang buwan posponed ang competition namin sa ibang schools kaya kahit papaano nakapagpahinga ako.

Pero bukas, start na ng practice ko dahil malapit na ang competition kaya magiging busy na ko masyado.

Matapos ko ayusin ang sarili ko dahil mukhang bagong gising pa ko, ay hinintay ko na si Jared dumating.

Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating na si Jared na dala na ang art materials.

Dali Dali naman syang umupo at dinikit ang likod ng palad nya sa neck ko, pati na rin sa forehead ko.

"Ok ka na ba Charlotte? May sinat ka pa ba? Nagdala ako ng gamot dito baka kailanganin mo, sorry hindi kita napuntahan kahapon may pinagawa kasi sakin si lolo sa house eh, ano ayos ka na ba?" Sabi nya agad sakin na nag aalala.

Napabuntong hininga na lang ako sakanya.

Sinabi ko kasing nagkasinat ako kahapon kaya ganyan sya makareact.

Hindi ko na sinabi kay Tamara na sumama pakiramdam ko dahil sure akong sobrang mag aalala yun.

"Ok na ko Jared don't worry, kailangan na nating gawin yung project natin, ipapasa na to bukas" sabi ko at nginitian sya.

Inayos na namin yung mga gagamitin naming materials ng magsalita ulit sya.

"Ang cute naman ng T-shirt mo, bagong bili mo ba yan Charlotte? 'Cute monster' talaga ah" sabi nya at biglang ginulo ang buhok ko, pagkatapos ay nagstart na syang gawin ang project namin.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon