Chapter 74

95 9 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Nathan's POV

Nag magstart laban, isa isa na tinawag ang mga players ng Opal High.

Syempre chinicheer sila ng mga kapwa schoolmates nila ngayon....

Hanggang sa yung mga players na ng Amethyst High na ang isa isang tinawag....

"AND LAST BUT NOT THE LEAST.... NUMBER 17! CHARLOTTE SON!" tawag ng announcer.

WHOOOOOOOOOHHH!

Grabe sigawan ng mga tao ngayon tulad sa laban ni Tamara kanina....

Lumabas naman sya at isa isa nakipag apiran sa mga kateammates nya habang nakangiti ng matipid.

Bakit ang cute nya?....

WE LOVE YOU CHARLOTTE!

Ngumiti naman sya sa mga audiences dahil sa sigawan nila.

Nagulat naman ako ng biglang nakunwaring naghimatayan yung mga audiences, mga sira talaga, sabay sabay pa.

"Grabe muntik na kong malusaw sa ngiti ni Charlotte pre" sabi ni Dwayne habang nagkukunwaring hihimatayin talaga.

"Grabe best day ever na to sakin, nang makita ko yung ngiti ni Charlotte" sabi naman ni Andrei na mukhang nagdedaydream na.

Napatingin naman ako kay Mike dahil hinintay kong may sasabihin pa sya, kaso mukhang sya ata yung malala sa lahat eh.

Paano ba naman mukhang kinuha na yung kaluluwa nya dito ngayon, natulala na habang nakanganga pa.

Napailing na lang ako ngayon sa mga tao dito dahil hanggang ngayon hindi sila makamove on sa smile ni Charlotte kanina....

Kung sabagay, hindi ko talaga sila masisisi dahil minsan lang talaga ngumiti ang babaeng yun eh.

Kaya para sakanila, nakakabaliw ang bawat ngiti ni Charlotte....

Kahit ako rin naman, parang humihinto na lang ng kusa yung mundo ko... Makita ko lang ang bawat ngiti ni Charlotte.... Her every smile is so precious... That sometimes I feel like I don't deserve to see her smiles....

"Guys! Ano napicturan nyo ba yung pagngiti ng beloved Charlotte natin?!" Malakas na tanong ng leader ng Chara kaya nabalik ako sa realidad.

"Oo naman sir! Kami pa ba? Lagi kaming ready since laban pa ng beloved Tamara natin!" Proud na sabi ng isang member ng Chara ng may nakasabit na DLSR sa leeg nya, mukhang sya ang tagakuha ng pictures nila Charlotte at Tamara sa fansclub.

"Good good! Magpatuloy ka lang sa pagkuha ng pictures, bawat galaw ng beloved Charlotte natin, dapat mapicturan natin" rinig kong sabi ng leader namin.

Nakita ko namang nagthumps up yung photographer namin at nagpatuloy na kumuha ng pictures ni Charlotte.

Gusto ko tuloy manghingi hays.....

"Let's Start the game!" Rinig naming sabi ng announcer.

Pumwesto na ang mga players ng Opal at Amethyst High para sa jump ball.

At tulad ng inaasahan, sa Amethyst High napunta ang bola.

Pinasa nila agad yun kay Charlotte kaya naman agad syang hinarangan ng mga kalaban nila.

Ito namang mga audiences, walang humpay ang pagcheer kay Charlotte.

Tapos panay picture naman ng iba kay Charlotte habang dinidribble ang bola at sinusubukang makalusot sa mga kalaban.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon