Chapter 3

260 7 3
                                    

A/N: kadugtong po ito nang chap. 1 guys yun lang geh basa na po ulit 😁
------
Nathan's POV

Mga ilang minuto ay lumabas na ko ng kwarto, hinanap ko si Charlotte, mukhang nandun sya sa kusina dahil may naaamoy akong nagluluto.
Nilibot libot ko ang paningin ko, malaki talaga ang bahay nya sa inaasahan ko, kaya bakit kailangan pa nya mangidnap? Tanong ko sa isip ko.

Tama naman ang hinala ko nandun sya sa may kusina nagluluto pagbaba ko.
"Umupo ka na malapit na to maluto"sabi nya pagkakita nya sakin.
"Psh akala mo naman ang bait bait kung makapagsalita" sabi ko sa isip ko.
Pero wala rin akong nagawa kundi sumunod dahil baka kuryentehin nanaman nya ako.

"Wala ka bang maids dito?" Tanong ko kasi sya ang nagluluto.
"Meron, tagalinis lang sila ng bahay ko pero kapag sa pagluluto ako gumagawa" sagot nya dahil siguro alam nyang nagtataka ako kung bakit sya ang nagluluto.

Nang matapos magluto ay kumain na kami.
Habang kumakain ay napatingin ako sa relo nya, "totoo kaya yung sinasabi nya na kahit anong gawin ko hindi ko matatanggal yung relo nya dahil sya lang makakatanggal nun? " tanong ko sa isip ko.
Napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko dahil mukhang wala na kong pag asang makatakas sa choker na to.
"Bakit hindi ba masarap?" Tanong nya sakin dahil siguro napansin nyang bumuntong hininga ako.

Nang sinabi nya yun, ngayon ko lang narealize na masarap pala sya magluto, pero syempre hindi ko sasabihin yun dahil masama ugali nya.

"O-oo hindi masarap"sabi ko na lang kahit masarap naman talaga.
"Hindi masarap eh mauubos mo na nga yang pagkain mo"sagot nya sakin.

Pagtingin ko, konti na lang pala talaga, grabe di ko yun namalayan ah.
"G-gutom na kasi ako kaya wala akong choice kundi kainin to" palusot ko na lang.
Tinignan nya lang ako at bumalik na sa pagkain nya, pagkatapos ng conversation namin na yun ay wala nang nagsalita ni isa samin.

Pero ilang minuto lang nagsalita ako.
"Charlotte, ngayon palang sasabihin ko na di ako mayaman, wala na ang parents ko kaya walang magbibigay sayo nang ransom" sabi ko nang seryoso sakanya at nagbabakasakaling pakawalan nya ko sa oras na malaman nya na mali ang kinuha nya.
"Di ko kailangan ng yaman mo Nathan" sagot nya sakin nang di man lang natingin at patuloy pa rin sa pagkain.
"Ah may natitira pa palang mana sakin sila papa gusto mo ibi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit sya.
"Sabi nang hindi ko kailangan ng pera, yaman o mana mo eh! " sabi nya na halatang iritado na.

Napahampas at napatayo naman ako sa sinabi nya.
"So kung hindi pera ang gusto mo, bakit mo ko kinidnap?! Galit na sabi ko.
"Ah! Gusto mo ko pahirapan?!, ah hindi, pinagtritripan mo ko! Kung may nagawa ako sayo dun sa coffee shop, humihingi na ko nang sorry, pangit ba lasa nung inorder mo nun kaya mo ko ginaganito?" Tanong ko pero hindi sya sumasagot.

"Ang malas ko pala, dahil ako yung napagtripan mo, siguro nung nagsara lang kami nang maaga, di to mangyayari" dugtong ko pa at nilayasan sya dahil hindi naman sya sumasagot sa lahat ng sinasabi ko.

--------
Charlotte's POV

Di na ko nagsalita matapos nyang umalis.
Ganun pala ang tingin nya kung bakit ko sya kinuha, pero ano pa ba ang gusto kong isipin nya? Hindi ko naman sinabi kasi ang dahilan kung bakit ko sya kinuha kaya malamang yun ang iisipin nya.

Natatakot ako na kapag sinabi ko sakanya ang dahilan kung bakit ko sya kinuha, mas lalo syang magagalit sakin, kapag nalaman nya ang dahilan baka sabihin nya kong mababaw.

~Only oh only only 너
Only oh only only 너
Only oh only only 너
Only 너~

Nagring naman ang cellphone ko at agad sinagot to.

A/N: yung nasa bracket ay yung kausap ni Charlotte yun lang baka malito kayo haha

"Hello?"

["Lotti, Tamara to"]

"Bakit Tamara?"

["Tinuloy mo pa rin ba plano mo?"]

"Oo nandito na sya sa bahay ko"

["Talaga palang tinuloy mo"]

"Oo diba nga sabi ko sayo wala nang atrasan to?"

["*sigh* bakit kasi kailangan mo pa gawin to?, pwede mo naman sya iapproach ng maayos hindi yung kailangan mo pa sya pahirapan"]

"Ito lang kasi yung alam kong way para makuha sya agad sakin eh"

["Bakit? Tingin mo ba kapag nakuha mo sya magugustuhan ka na agad nya?"]

"....."

["Sa ginawa mo ngayon may posibilidad na magalit sya sayo"]

"....."

["Kung hindi lang talaga kita bestfriend hindi ko gagawin yang pinagawa mong choker at relo mo eh"]

"Basta Tamara, trust me gagawa ako ng paraan okay?"

["Hay..wala naman ako magagawa eh basta tandaan mo umatras ka na habang maaga pa"]

"No nandito na, itutuloy ko na to"

["Basta ako lotti pinaalahanan na kita ah"]

"Yes, thanks sa pagpapaalala Tamara"

["Good luck sayo lotti"]

"Sige, bye"

["Bye"]

End call

Oo, tama kayo nang nabasa, kinuha ko si Nathan dahil gusto ko sya.
Ang babaw ko ba? Pero ito lang kasi ang paraan para mapunta sya sakin agad.
And yes, ang bestfriend ko gumawa ng choker at relo ko dahil pinilit ko sya, dahil bestfriend nya ko, di nya ko natiis.
Simula kasi nang bata pa kami ni Tamara mahilig na sya mag invent nang kung ano anong bagay, dahil dun naging magaling na inventor sya dahil matagal na sya nag eexperiment.

Kaya nga sakanya ako nagpagawa dahil alam kong hindi sya papalpak.
Pero kahit tinulungan nya ko sa gusto ko ay support sya sa plan ko, against sya dahil alam ko naman na nag aalala lang sya sakin.
Pero dahil sa makulit ako tinuloy ko pa rin tong balak ko.

Pinapakita ko lang kay Nathan na wala akong pakialam sakanya at masungit ako sa harapan nya dahil ayoko ipakita na mabait ako para hindi nya maisip na mahina ako, kapag kasi nangyari yun, di sya matatakot sakin at kakayan kayanin lang nya ko.

Ayokong gawin to sakanya, gusto ko nga magkasundo kami dahil nga gusto ko sya.
Pero ito lang ang paraan para mapasakin agad sya.
Oo sabihin nyo na obsess ako sakanya, pero ito talaga gusto kong mangyari.

Tama si Tamara, baka mas lalo lumayo ang loob sakin ni Nathan.

Pero gagawa ako nang paraan para di mangyari yun, at isa pa hindi ko sasabihin sakanya ang dahilan kung bakit ko sya kinuha dahil baka gawan nya ng paraan yun para makatakas sakin.

Aarte ako na balewala lang sya sakin.

Sana nga magawa ko yun ng matagal.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon