Chapter 48

108 6 4
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Jared's POV

"Jared I'm sorry, pero si Nathan, hinihintay nya ko" sabi nya pero di ko pa rin sya binibitiwan.

Ayoko pa rin sya umalis, kahit ngayon lang... Huwag nya muna ko iwan...

"Pero Charlotte..." Sabi ko na parang nagmamakaawa.

Gusto kong sabihin na.... ako muna piliin nya.... Kahit ngayon lang...

"Jared kailangan ko na talaga umalis, Nathan is important to me, at hinihintay nya ko" pagkasabi nya nun ay wala na kong nagawa at unti unti na syang binitawan pagkatapos ay nagmadali na syang umalis.

Pinanood ko lang syang tumakbo paalis, hanggang nawala na sya sa paningin ko.

Nakuyom ko na lang yung kamao ko, hindi dahil sa nagagalit ako sakanya sa pagiwan nya sakin, kundi sa sakit ng nararamdaman ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakuyom ko na lang yung kamao ko, hindi dahil sa nagagalit ako sakanya sa pagiwan nya sakin, kundi sa sakit ng nararamdaman ko.

Ang sakit lang makita na talikuran nya ko at iwan na lang...

Ang sakit lang na kahit anong gawin kong pilit sakanya na mag stay lang sakin..... Ay iniwan nya pa rin ako....

At sobrang sakit kasi.... Kahit anong gawin ko... Hindi ako yung pinili nya...

Napayuko na lang ako at pilit na pinipigilan yung luha kong tumulo.

Kaso bandang huli, hindi ko na napigilan at kusa na silang bumagsak.

Nilapitan ko yung nahulog nya sa pagtakbo nya kanina.

Yung stitch head dress na binigay ko...

Di nya namalayang nahulog na pala nya.

Natawa na lang ako bigla kasi kahit anong gawin kong pagpapasaya sakanya, umalis pa rin sya...

Pinagtitinginan na ko dito, pero wala akong pakialam, kasi nasasaktan ako ngayon, kaya wala na kong panahon para intindihan pa ang ibang tao.

Tumingin ulit ako sa dinaanan nya kanina at napangiti.

"Salamat sa araw na to Charlotte... Kasi sa araw man lang na to... Ipinaramdam mo sakin na mahalaga ako sayo..." Sabi ko habang nakatanaw pa rin sa dinaanan nya kanina kahit na alam kong kanina pa sya umalis.

Pinunasan ko na lang ang mga luha ko gamit ang braso ko at naisipan na lang umuwi mag isa.
----
Charlotte's POV

Tumakbo na ko pababa ng escalator, mabuti na lang wala masyadong tao sa escalator kaya nakababa ako agad.

Pinagtitinginan na ko ng mga tao dito sa mall dahil tumatakbo ako, pero wala akong pakialam, kailangan kong makapunta sa school agad.

Nang makalabas na ko ng mall, nag abang na ko ng taxi, kung ipahahatid ko kasi ang kotse ko kay manong, matatagalan pa kaya magtataxi na lang ako.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon