Chapter 55

93 8 0
                                    

A/N: iplay nyo lang po yung vid sa multimedia kung gusto nyo, para habang binabasa nyo tong chap may background music kayo haha geh basa na po ulit.
----
Jared's POV

"Chris, may sinali kami, tong si ate ganda" sabi nya sa batang lalaki at proud na proud pang nakaturo kay Charlotte ko.

Nginitian naman ni Charlotte ko yung batang lalaking Chris ang pangalan, habang si Chris nakatunganga lang kay Charlotte ko.

Mukhang nagandahan din sya kay Charlotte ko ah.

Nagsipuntahan din samin yung mga batang lalaki na mukhang kasama sa laro nila at tinignan kaming dalawa.

"Hi, I'm kuya Jared" sabi ko sa mga batang lalaki at nginitian sila.

Lumevel naman si Charlotte ko sakanila at nginitian sila.

"Hi, I'm ate Charlotte" pagpapakilala nya sa mga bata at nginitian sila.

Haay, wag kang ngumiti ng ganyan natutunaw ako....

Masaya namang nagpakilala samin yung mga bata at naging close naman agad sila samin.

"Tara laro na tayo!" Sabi ni Chris kaya nagsing ayunan naman yung ibang bata sa sinabi nya.

"Basta kampi namin si ate ganda ah!" Sabi ni Jewel, yung lumapit samin kanina na manghang mangha sa bilis tumakbo kanina ni Charlotte ko.

Napangiti ako dahil ate ganda pa rin ang tawag nila kay Charlotte ko kahit sinabi nya na ang pangalan nya kanina.

"Sige, basta kampi naman namin si kuya Jared!" Sabi naman ni Chris at hinila ako papunta sa group nila.

Napangiti naman ako bigla.

"Deal!" Sabi ng mga batang babae kaya nagtanguan sila Chris.

"Wait, ano ba yung game natin?" Tanong ni Charlotte ko at tinanggal ang stitch head dress sa ulo nya at tinabi, siguro para hindi mahulog para sa lalaruin namin mamaya.

Nagsimula naman na sila magexplain sakin.

"Ang tawag sa laro na to ay ubusan ng lahi!" Sabi ni Jewel kaya nagtinginan kami ni Charlotte ko.

"Kampi kaming boys at kampi kayong girls" sabi naman ni Chris samin kaya nagtanguan kami.

"Ang kailangan lang gawin, ay paunahan mataya ang bawat members ng group hanggang sa maubos sila, kung sino unang maubos na group at mataya lahat, sila ang talo" pageexplain naman ni Jewel samin kaya nagsitanguan kami ni Charlotte ko.

(A/N: ewan ko kung may ganito ba talagang laro dahil gawa gawa lang naman ng author ang larong to 😂)

Kaya pala ubusan ng lahi ang tawag sa larong to, dahil kailangan mong ubusin ang members ng kalaban mong group para manalo ang group mo.

"Ikaw ang leader namin kuya Jared!" Sabi ng mga kakampi kong boys.

"Sige ako gagawa ng plano" sabi ko at isa isang ginulo ang buhok nila tsaka nginitian sila.

"Ikaw naman leader namin ate ganda!" Sabi naman ng mga batang babae kay Charlotte ko.

"Ok sige" sabi nya at nginitian sila.

Napangiti ako ng bahagya dahil sa ngiti nya...

"Ok let's start!" Sigaw ko kaya nagsigawan din sila, pagkatapos ay nagsilayuan na kami para makapagplano kung papaano sila matataya lahat.

Tig-walo kaming members bawat grupo, kasama na kami ni Charlotte ko, we need to plan a strategy kung papaano sila matataya dahil kakampi pa naman nila si Charlotte ko kaya sure akong mahihirapan kami.
----
Nathan's POV

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon