Chapter 53

123 8 7
                                    

Nathan's POV

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Tamara kaya di ako nakapagreact agad.

Hinihila nya lang ako habang tumatakbo kami.

Ano ba talaga kailangan nya sakin?

Ako na nga natalo dun sa bato bato pik eh tss...

Dahan dahan naman sya huminto kaya huminto na rin ako.

Bumitaw naman sya sa pagkakahawak nya sa kamay ko at pinatabi nya ko sa likod nya na parang may tinataguan kami.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin magets tong ginagawa namin eh.

Tumigil naman kami sa isang pader at sumandal dun.

"Shhhh...." Sabi nya sakin habang nasa labi nya yung hintuturo nya na parang pinapatahimik nya talaga ako.

Nakakunot lang yung noo kong nakatingin sakanya ngayon.

Una, hindi ko alam kung bakit nya ko hinila na lang basta, pangalawa, hindi ko alam kung bakit kami ngayon nagtatago, at ang huli, isang Tamara Chou lang naman ang kasama kong magtago at humila sakin ngayon.

Gusto ko sana syang tanungin kung bakit namin to ginagawa dahil kailangan ko ng umalis para pumuntang coffee shop para magtrabaho.

Kaso habang tinitignan ko sya, seryoso lang syang nagtatago at nakasilip malapit sa gate ng school na parang may tinitignan sya.

Pinasunod naman nya ko bigla palabas ng school pero dahan dahan lang kami, nasa likod nya lang ako at sinusundan sya.

Hindi ko alam kung bakit ko ba to ginagawa ngayon eh.

Pati rin tuloy ako nakikitago rin eh.

Ano nanaman ba tong napasukan ko hays...

Napabuntong hininga na lang ako habang dahan dahang sumusunod kay Tamara ngayon.

"Ahmm.. Ano ba tong ginagawa natin Tamara? Bakit ba tayo nagtatago at nagdadahan dahan?" Mahinang tanong ko sakanya habang nagtatago pa rin kami na parang may sinusundan.

"Kailangan ko na kasing umalis at pumuntang coffee shop dahil may part time ako eh" dugtong ko pa dahil busy pa rin sya magtago.

"Magexcuse ka muna sa work mo, importante tong mission natin eh" sabi nya habang dahan dahan naglalakad kahit nakalabas na kami ng school.

Seryoso lang syang habang may tinatanaw sa harap, nasa likod lang nya kasi ako kaya hindi ko nakikita yung tinatanaw nya.

"Mission? Anong misyon?" Tanong ko dahil naguguluhan na ko sa sinasabi nya.

Napapikit naman sya at napabuntong hininga tsaka tumingin sakin.

"Tumingin ka sa harap" sabi nya kaya tinignan ko yung kanina pa nya tinitignan at sinusundan.

"Teka, sina Jared at Charlotte yun ah" naguguluhang sabi ko sakanya habang tinitignan namin sina Jared at Charlotte sa malayo habang naglalakad.

Kung ganun, sila yung kanina pa namin sinusundan ni Tamara?

"Oo, ito ang mission natin, Mission: sundan sina Jared at Charlotte sa date nila" sabi nya habang busy na ulit sundan sina Charlotte, sumusunod lang ako sakanya.

"Date?" Nanlalaking mata kong tanong sakanya.

"I mean, friendly date pala" sabi nya kaya tumango tango naman ako at nakahinga ng maluwag.

"Teka bakit kailangan pa natin silang sundan?" Tanong ko habang dahan dahan pa ring naglalakad.

"Naawa kasi ako sayo eh, kaya naisip ko na lang na sundan na lang natin sila para malaman ang gagawing pagbawi ni lotti kay Jared" sagot nya at nginitian ako.
"N-naaawa? Bakit ka naman maaawa sakin?" Biglang tanong ko sakanya habang dahan dahan kaming naglalakad di kalayuan kina Charlotte.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon