Chapter 49

112 7 0
                                    

Nathan's POV

"O-oo, palagi ko kasing nakakalimutan isoli sayo eh" sagot ko na lang.

Pagkasabi ko nun ay wala ng nagsalita saming dalawa.

Tinawagan nya na si manong na sunduin kami dito kaya naghintay na lang kami.

Nakatingin lang ako sa pagbuhos ng ulan ng mapatingin ulit ako sakanya.

Nakatingin lang din sya pagbuhos ng ulan at nakapatong pa rin sa ulo nya yung panyo nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin lang din sya pagbuhos ng ulan at nakapatong pa rin sa ulo nya yung panyo nya.
Napangiti tuloy ako bigla sa itsura nya ngayon.

Mukha ka kasi syang bata na nag aantay tumila ang ulan eh.

Ewan ko ba pero kahit wala naman syang ginagawa... Napapangiti nya na ko.

May bigla namang akong naisip itanong sakanya.

"Nga pala Charlotte, bakit ba pumunta ka dito ng basang basa ka?" Tanong ko dahil pwede naman sya kumuha ng payong sa bahay.

"Nagmadali kasi ako pumunta dito at isa pa, hindi ko naman alam na uulan" sagot nya.

"Nagmadali? Pero bakit kailangan mo naman magmadali?" Tanong ko ulit sakanya.

"Naghihintay ka nga kasi diba?" Sagot nya ulit ng hindi pa rin ako tinitignan.

Natahimik naman ako bigla sa sagot nya.

Ibig sabibin ba nun... Nagmadali sya kasi alam nyang naghihintay ako?

Nag alala ba sya sakin?...

Ilang minuto ulit ay nagsalita ulit ako.

"B-bakit mo pala ako pinuntahan dito? Kasi diba.. Ano.. Pwede mo naman ako di puntahan at iwan na lang dito" tanong ko ulit sakanya.
----
Kinabukasan, nagulat sina Mike ng makita nila ako.

"Pre anong nangyari sayo? Mukhang napuyat ka ah" bungad agad ni Andrei pagkalapit ko sakanila.

Mukhang bangag na talaga ko hayss..

Kasalanan to ni Charlotte eh kainis sya.

Di ko na lang sila pinansin at umupo na sa upuan ko at dumukdok na lang sa desk ko.

Hindi talaga ako nakatulog kakaisip sa sinabi sakin ng Charlotte na yun eh.

Flashback
"B-bakit mo pala ako pinuntahan dito? Kasi diba.. Ano.. Pwede mo naman ako di puntahan at iwan na lang dito" tanong ko ulit sakanya.

Tinignan ko naman sya kaya nakita kong nakatingin pala sya sakin.

Seryoso lang yung mukha nya.

"Because I care about my property" sagot nya at nginitian ako.

Pakiramdam ko natulala ako dun sa sinabi nya.

Di pa ko nakakareact ng dumating na yung sundo namin kaya sumakay na sya sa sasakyan, habang ako parang di na nakagalaw dito.

Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi nya o sa pag ngiti nya sakin, yung genuine smile nya na alam kong hindi pilit.

Ngayon lang sya ngumiti sakin ng ganun kaya hindi nyo ko masisisi.

"Tatayo ka na lang ba dyan?" Rinig kong tanong nya sakin kaya nabalik ako sa realidad.

Sumakay naman ako agad kaya pinaandar na ni manong yung
sasakyan.

Napatingin ulit ako sakanya, magkatabi lang kasi kami dito pero malayo ako sakanya.

Nakapangalumbaba lang sya at seryosong pinapanood yung ulan bumuhos sa labas ng kotse.

Kaninang umaga bumalik na ulit sya sa pagiging masungit pero hindi tulad nung mga nakaraan, pinapansin nya na ko.

Habang nasa kotse kami papuntang school ay nagsalita sya.

"Ano nangyari sa mga mata mo? Nagpuyat ka ba?" Tanong nya habang nakatingin pa rin sa daan.

Napansin nya pala.

"Nagtanong ka pa eh ikaw may dahilan nito" bulong ko at tumingin sa labas para di nya marinig.

"Anong sabi mo?" Biglang tanong nya sakin.

"Wala, sabi ko di lang ako nakatulog ng maayos kagabi" palusot ko na lang.

Pagkasabi ko nun ay hindi na sya nagsalita kaya nakahinga na ko ng maluwag.
End of flashback

Nagulo ko na lang yung buhok ko dahil nagrereply pa rin sa utak ko yung sinabi nya.

'Because I care about my property'

Anong ibig sabihin nya dun?

Anong ibig sabihin ng care na yun?

Ibig sabihin ba nun importante ako sakanya?

At paano nya nasasabi yun na parang wala lang sakanya?

Hindi ko sya maintindihan.

Magiging mabait sya tapos kinabukasan magiging masungit nanaman sya..

Na parang wala syang sinabing nagpapuyat sakin tsk!

Hays siguro masyado lang akong nagiisip ng kung ano ano.

Siguro wala naman talagang meaning yung sinabi at ngiti nya sakin ako lang yung umaasa na meron.

Nagulo ko na lang ulit ang buhok ko dahil naguguluhan na ko sa sarili ko.

"Pre ayos ka lang? Para ka na kasing baliw dyan eh" natatawang sabi sakin ni Mike.

"Oo nga pre, may gumugulo ba sayo? Magsabi ka naman" sabi naman ni Dwayne sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oo nga pre, may gumugulo ba sayo? Magsabi ka naman" sabi naman ni Dwayne sakin.

Bigla namang dumating si mam kaya nagsiupuan na sila sa mga upuan nila.

Napabuntong hininga naman ako bigla.

Gusto ko sanang sabihin sakanila yung problema ko pero alam kong hindi naman pwede.

Buong klase ni mam di ako nakapagfocus dahil si Charlotte pa rin yung gumugulo sa isip ko.

Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi nya sakin o pinatritripan nya lang ako.

Siguro dapat hindi ko na iniisip yung sinabi nya...
.

.

.

.

.

.

.
Ayoko na kasing lalong pang mahulog kay Charlotte.....

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon