Chapter 40

138 8 3
                                    

Nathan's POV

Kinabukasan, balik normal na ulit kami ni Charlotte.

Yung normal na hindi ulit kami nagpapansinan at masungit na ulit sya sakin.

Siguro minsan lang talaga lumalabas ang pagkamabait nya.

Kailangan ko na talaga sanayin ang sarili ko sa pagkabipolar nya.

Sabay ulit kami pumasok, at katulad ng dati, ako agad ang  nauuna pumasok sa loob ng school.

"Alam nyo ba yung balita mga bes?"

"Bumalik na raw si Jared ah"

"Nag transfer na ulit dito sa school si Jared"

"Really? Makikita na ulit natin syang sumayaw?"

"Bumalik na si Jared Park mga tol"

"Makukumpleto na ulit sila"

Yan ang rinig kong usap usapan sa school pagpasok ko.

Jared? Yun ang pangalan ng childhood friend ni Charlotte ah.

Yun din kaya yung Jared na pinag uusapan nila?

Pagkarating ko sa room, nakita kong nagkwekwentuhan sina Andrei, tumigil sila ng makita ako.

"Pre, alam mo na ba yung balita dito sa school?" Bungad agad na tanong sakin ni Andrei ng makalapit ako.

"Si Jared Park, bumalik na" dugtong naman ni Mike.

"Jared Park? Sino ba yun? Sya rin kasi ang pinag uusapan nung pumasok ako sa school eh" tanong ko sakanila.

"Si Jared Park, sikat sya dito dati" sagot naman ni Dwayne sakin.

"Talaga? Bakit ngayon ko lang sya narinig na pinag uusapan dito sa school?" Tanong ko sakanila sabay upo sa upuan ko.

"Matagal na kasi syang umalis dito sa school, dahil ang sabi, pinag aral daw sya ng parents nya sa states" sagot naman ni Mike sa tanong ko.

"Marami nga ang nagulat nung nalaman na bumalik sya at dito ulit sya nagtransfer sa school eh" sabi naman ni Andrei.

"Pero teka, bakit ba sya sikat dito sa school dati?" Tanong ko dahil nacucurious talaga ako sa Jared na yun.

"Sikat sya dito dati, dahil magaling syang sumayaw at kumanta, may grupo pa nga sya dati pero ewan ko lang kung buo pa rin ang grupo nila hanggang ngayon" sagot naman ni Mike.

"Talaga? Kaya pala sikat sya" sabi ko sakanila.

"Kaya nga marami ding natuwa nung bumalik sya, dahil gusto ulit nilang makitang sumayaw si Jared pati na rin ang grupo nya after 4 years na nawala sya" sabi naman ni Dwayne.

"Sikat ba talaga ang grupo nya dati?" Tanong ko ulit sakanila.

"Oo, kilala sila, ang pangalan ng group nila ay bulletproof, pati na rin sa ibang schools kilala sila dahil tuwing may event dati sa ibang schools palagi silang nagpeperform, yung mga kamembers kasi ni Jared sa bulletproof, sa ibat ibang schools nag aaral" pag eexplain ni Mike sakin.

Tumango tango naman ako sa sinabi nya.

Di na sana ako magsasalita ng magsalita si Andrei.

"Pero marami ding nalungkot nung bumalik sya" biglang sabi ni Andrei kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit naman?" Nakakunot noo na tanong ko sakanya.

"May magiging close nanaman kasing lalaki si Charlotte at Tamara eh, childhood friend kasi nila si Jared" sagot ni Andrei kaya napatayo ako.

My Pretty KidnapperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon